news

Maricel Soriano believes Inday remakes will be even better than originals

by Rose Garcia posted on July 10, 2010  STATS: 877 Views | 132 Comments

 

The original Super Inday is thrilled to have her hit franchise remade. "Ikinakatuwa ko yung mga ganoon na alam mo, nabibigyan nila ng halaga ang mga nagawa namin noon," says the Diamond Star who makes a rare guest appearance in Pilyang Kerubin. Photo shows her in character as Regina.

 

Photo By: Rose Garcia

In a very rare appearance, mapapanood ang Diamond Star na si Maricel Soriano bilang special guest sa primetime series na Pilyang Kerubin. Gagampanan niya rito ang papel ni Regina, isang inang nawalan ng dalawang anak na babae. Ang isa, sa kawalan ng magagawa, ay naibenta niya, at yung isa naman ay namatay sa sakit.

Sa sementeryo na siya tumira kunsaan nakalibing ang kanyang anak at doon na niya ginawa ang pagiging "ina" sa mga homeless children.  Sa Lunes, July 12, mauumpisahan nang mapanood si Maricel sa top-rating Kapuso series.

Nagkaroon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press ng pagkakataon na mabisita ang taping ng Pilyang Kerubin sa North Cemetery sa Maynila kagabi, July 9.  Ang eksena nina Maricel at  Barbie Forteza ang kinukuhanan ng bagong director ng series na si Maryo J. delos Reyes.

WORKING WITH KIDS. Nang makaharap na niya ang press, nakangiting sinabi ni Maria na enjoy siya sa paggi-guest sa PK.

"At saka siyempre, nagkagulatan kami ni Direk Maryo, di ba?  Sabi ko, 'Tayo na naman ang magkasama? Parang kailan lang, shooting natin.' 'Tapos yun, nauwi na kami sa kuwentuhan. Siyempre, ever since kami na ang magkakasama sa pelikula. So, ang sarap magtrabaho na gusto mo ang ginagawa mo."        

Ang huling movie na pinagsamahan nila ay ang A Love Story noong 2007.

Nang tanungin namin kung nahirapan ba ang network na kumbinsihin siyang mag-guest sa Pilyang Kerubin, natatawa niyang sinabi, "Kailangan bang mahirapan? Di ba, kapag type mo ang ginagawa mo at happy ka, yun ang importante."

Mga bagets ang kasama niya sa PK at natatawa niyang kuwento, "Sabi ko nga, 'Barbie, ilang taon ka na? Twelve! Sabi ko, hindi naman pala tayo nagkakalayo, 13 ako!  Yung size ng paa. Parang konti na lang, kasya ko na ang tsinelas."

Dagdag pa niya, "Ang ganda-ganda niya. Para talagang angel, di ba?"

Mga pelikula ni Maricel ang sinasabi ni Barbie na pinanood para i-peg ang character niya sa Pilyang Kerubin. Pero medyo naiilang daw siya sa Diamond Star especially during their first scene together.

"Hindi halata," ang sabi naman ni Maricel. "Kasi naïve. At saka ang mga bata, ganoon talaga.  Diyusko, lumaki naman sa akin ang mga bata, sina Angelica [Panganiban], Shaina [Magdayao], si Serena [Dalrymple], yung ka-height ko.  Nagugulat nga ako, may boyfriend na raw sila. May boyfriend na?!  Ako pa ang nasa-shock, kasi, nangako sa akin ang mga batang 'yan na hindi muna magbo-boyfriend. Feeling ko, ako ang nanay. Iba kasi kapag girls. I have two boys kasi."

Ang panganay niyang si Maron ay 23 at may ipinapakilala na sa kanyang girlfriend. Si Sebastien naman ay 17. "One of the boys" daw ang turing sa kanya ng mga ito.

FREE AGENT. May nagkomento na parang ang suwerte ng sitwasyon niya ngayon dahil puwede na siya kahit sa anong network.

"O, di ba?  Yun ang tinatawag na ang bilog ay umiikot."

Pero may plano ba na pagkatapos ng PK guesting ay may regular show na siyang gagawin para sa Kapuso network?

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

132 Comments

  • 12  ellajane

    07/10/2010 | 05:29 PM
    Nakakaaliw si Maricel!
    Be a freelancer and do shows in all the networks as long as the projects are good!
    Dont waste your talent by doing nothing.
    The best entertainer and actress in all genre!
    One of a kind!
    God bless you Maricel!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  under_rated

    07/10/2010 | 05:20 PM
    7
    thorns_143:

    alangan naman ibigay sa iba na walang K..? mag-isip ka nga... ajejejeje
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  truecolors09

    07/10/2010 | 05:17 PM
    Marian is a good choice for the remake. Good luck Marian and Ms. Maricel.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • presidentgibo

    07/10/2010 | 05:15 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lawrenzo

    07/10/2010 | 05:00 PM
    Mag special guest na lang si Maricel sa Super Inday bilang dating si Inday na magsasalin ng kanyang kapangyarihan sa bagong Super Inday lol!

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • thorns_143

    07/10/2010 | 04:57 PM
    remakes deserve Marian, because she is the Queen of Remake.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • paminchever4u

    07/10/2010 | 04:56 PM
    ang palabas na pilyang kerubin eh hango sa may bukas pa.. ginaya nila ang eksena every wk may ibat-ibang guest ahahaha kapuso nga naman... copycat!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • marafyah

    07/10/2010 | 04:52 PM
    I love Ms. Maricel Soriano!!!!

    And I love Ms. Marian Rivera!!!

    Sana Marya, kapuso k n!!!!

    Cheers!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bisdak_ako

    07/10/2010 | 04:44 PM
    i mean Role pala..hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bisdak_ako

    07/10/2010 | 04:43 PM
    isa lang masasabi ko...

    Yan Yan lng ang makakabigay ng justice sa role ni Maria..sino pa ba ang pwde sa rule na ito?Si Angel Locsin or Bea Alonzo?bagay ba sa kanila?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shuttle_69

    07/10/2010 | 04:38 PM
    nakaka-aliw talaga si maricel...isa sa pinaka-magaling na artista ng pilipinas.

    hayan...ang bait daw ni marian from the
    one and only Diamond Star.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • justpassingby

    07/10/2010 | 04:34 PM
    sana isama din siya sa inday para lalong maganda ,naku tiyak bongga iyan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About