Simula pa last week ay mainit nang pinag-uusapan ang umano'y hiwalayan ng magkarelasyong sina Vic Sotto at Pia Guanio. Sa isang episode ng Q-11 showbiz program na Tweetbiz ay patanong na ibinalita ng isa sa mga host na si Tim Yap kung totoo nga ba ito, dahil nakatanggap daw siya ng tip tungkol dito.
Hindi niya alam na ang pagbanggit niya ng intriga ay pagmumulan ng sama ng loob sa kanya ng kaibigang si Pia.
Nasundan pa ito ng paglabas last July 7 ng isang balita sa PEP Scoopbox na: "Tila nagkakalamat na ang friendship nina Tim Yap at Pia Guanio dahil sa pambubuko ni Tim sa breakup diumano nina Pia at Vic Sotto."
Dahil dito ay nagsalita na si Tim sa Tweetbiz last Thursday, July 8. Kuwento niya na kinagabihan daw ng naturang broadcast ay kaagad na may mga nag-tweet sa kanya na nagtatanong din kung totoo nga ba ang balita.
"Sinagot ko rin yung tweet na yun, sabi ko po na hindi siya totoo. Na mismong gabing iyon nagkita kami [ni Pia] kaagad. You know, amongst friends ang pinakamadaling gawin is magharapan kaagad at mag-usap. Kung may hinanakit, i-express kaagad para hindi na lumaki pa. Kasi dito sa showbiz mas madaling magpalaki ng mga bagay tapos magkunwarian na lang. E, hindi po ako ganyan klaseng kaibigan. Ang pagiging klase ko ng kaibigan, e, wala akong hahangarin kundi yung kaligayahan ng kapwa ko kaibigan," paliwanag ni Tim sa show.
PATCHING UP WITH PIA. Patunay na nagkaayos na nga sila ni Pia ay ang sunud-sunod na gabing magkasama sila with their other friends.
"The past three nights magkakasama kami at kagabi nag-videoke kami. Nung isang gabi magkakasama kami, kasama yung iba pang mga kaibigan namin. Sana we can put this behind us. And remember, in the end, kahit anuman ang mangyari, sa buhay kayo pa rin ang pipili. Between friends, love will win."
Sino ang nag-initiate ng pag-uusap?
"Walang nag-initiate. Kumbaga sabay kami. Pareho naming gustong mag-usap. Even amongst us, anuman ang mangyari, tatawagan ko kayo agad. Hindi ako mag-aantay, magpa-pride na kung sinuman ang dapat unang tumawag."
Nang kumustahin namin kung okay naman sila ni Vic, sabi ni Tim, si Pia raw ang nakakasama niya at hindi niya nakakausap si Vic. With due respect naman daw kay Vic ay hinahangaan niya at nirerespeto ang aktor dahil sa pagiging isa sa mga haligi ng industriya.
Sa isyu kung totoo nga bang hiwalay na sina Vic at Pia, ang sabi ni Tim ay ayaw na raw niyang pakialaman ang bagay na iyon dahil desisyon na nilang dalawa iyon. Hindi rin daw niya tinanong kay Pia ang bagay na ito.
"Sa ngayon ang lagay ko is respeto sa kanila. Kung magsalita man sila o ang desisyon man nila ay to keep silent about it, wala tayong say doon, respetuhin natin yun."
Ang mahalaga raw ngayon ay nagkaayos na sila ni Pia.
FRIENDSHIP BEYOND SHOWBIZ. After ng pagpapaliwanag ni Tim sa telebisyon ay kinapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) para sa dagdag na paliwanag tungkol sa tampuhan at pagbabatiang nangyari sa kanila ni Pia.
"Alam mo, sa kahit anong relasyon, mag-asawa man, magkapatid, magkaibigan, nagkakaroon ng tampuhan. Natural lang iyon. Pero we made sure na ang totoong magkaibigan magsasabihan ng nararamdaman sa isa't isa. Nakapag-usap kami, nagkasama kami, nandun ang iba pa naming mga kaibigan. Sina Pia Magalona nandun din sila. So, the next few days sinigurado naming magkasama kami para mas mai-share namin sa isa't isa yung feelings namin," sabi ni Tim.






Pia is getting old na 35 na ba cya wala na s calendar time for her to move forward build a family I think she's wasting her glorious time I mean her youth ke Vic...
Kung ang dos me Kris A. bakit s Seven parang WAla...sana magbuild up cla ng pangtapat ke Kris kaya tuloy when tinanong c Kris kung cno ang kumpetisyon niya s showbiz pagdating s hosting wala cya masabi kasi Wala talaga!kaya sana magbuild ang seven ng pangtapat!!!!!!!!!!
She and Vic Sotto made theri relationship very public. So this is a consequence of it, mabubulgar din publicly ang paghihiwalay ninyo.
Why blame Tim Yap about this? Many other reporters were writing about this already.
ikaw I.N.U.T.I.L it's my opinion at wla kang pakialam kung mabanggit ko ang mga Gutierrez--I did't say anything bad against them--masyado kang guilty para sa idol mo--lubayan mo ako--gumawa ka ng opinion mo wla akong pakialam--lubayan mo ako
Siya kasi yung dada ng dada dati na
'it will happen'
pag tinatanong tungkol sa kasal. Feelingera kasi kaya hayan, ngaun silent night ang drama nya.
Cguro npagod na sya sa kahihintay ng proposal na alam niyang hindi mangyayari. I remember her saying before na, if ever there is something special that's going to happen, gusto ko dito sa studio kasi npka special ang lugar na to sa akin...or something like that. Hindi nman sya nagpapa haging ng mga panahong yun, hehehe... Akala nya pkakasalan na sya ni bossing sa kaka mini skirt nya, tse! ang yabang yabang pa sa set na akala mo first lady. Sana totoo ngang hiwalay kasi bwisit na bwisit ako sa Pia na yan.