"Ang importante sa akin ay yung mga bata, magkaroon sila ng wider choices. I want them to have more choices in life. If they choose to live there [Canada] after they study, e, di fine. If they choose to live here [Philippines], e, di okay rin, di ba? Pero dito pa rin naman kami ni Ariel [Rivera, Gelli's husband]. Matagal na matagal pa 'yan," says Gelli de Belen about their plan to migrate to Canada.

Photo: Noel Orsal

Si Gelli de Belen ang naging guest co-host ng Showbiz Central noong Linggo, July 11, bilang pansamantalang kapalit ni Pia Guanio na nasa Thailand noong araw na 'yon. Pero instead na mang-intriga lang sa  guest stars ng show, isinalang si Gelli sa "Behind The Wall" segment.

As usual, may tatlong special informants na inimbitahan ang Showbiz Central para magbato ng mga tanong kay Gelli. Ang tatlong special informants na ito ay pawang mga close sa actress-TV host.

Ang unang informant ay kabatuhan niya ng jokes. Ang ikalawa naman ay espesyal daw sa kanya dahil hindi raw buo ang araw ni Gelli kapag hindi ito nakikita or nakakakuwentuhan. Ang ikatlo naman ay ilang taon na niyang nakatrabaho at nakita na raw ang best and worst side ni Gelli.

Bago magsimula ang tanungan ay panay ang sabi nito sa host na si Raymond Gutierrez na ninenerbiyos siya.

MIGRATING TO CANADA. Ang tanong ni special informant No. 1: Ngayong nagiging busy siyang muli sa kanyang career, totoo ba na hindi na matutuloy ang plano nilang mag-migrate sa Canada?

"It was always our plan even after the SiS ended. Pero we we're planning, parang mga 10 years ahead pa. When my kids are in college na, do'n pa lang siguro kami aalis. E, Grade 4 pa lang ang mga anak ko, so, matagal-tagal pa," sagot ni Gelli.

Although may plano sila talagang mag-migrate, sinabi ni Gelli na: "Alam n'yo kasi, feeling ko, mahihirapan akong mag-adjust do'n, since my family will be here at napakalamig do'n. So, ang sa akin, feeling ko, we will still be here half the time or half the year. Kasi feeling ko, parang hindi ko naman kakayanin ang lamig."

Career-wise, will she miss showbiz?

"Definitely," mabilis niyang sagot. "Parang nananalaytay na sa dugo ko ang pagiging artista. I started when I was like eight years old. So, yun nga ang ikinatatakot ko. I don't know how it's going to be. That's one of my concerns.

"But as for now, ang importante sa akin ay yung mga bata, magkaroon sila ng wider choices. I want them to have more choices in life. If they choose to live there [Canada] after they study, e, di fine. If they choose to live here [Philippines], e, di okay rin, di ba? Pero dito pa rin naman kami ni Ariel [Rivera, Gelli's husband]. Matagal na matagal pa 'yan."


TENSION BETWEEN HER AND ARIEL? Ang tanong naman ng second informant ay kung nagkaroon ba ng tension ang relasyon nila ni Ariel nang magkaroon siya ng maraming shows at super hectic na schedule?

"No, it didn't,"sabi ni Gelli. "But the thing was, we couldn't see each other as often as we want. Family time, medyo nabawasan. So, ngayon, ang mangyayari niyan, super-bawi ako. Kahit pagod ako, nandiyan ako sa bahay, kailangang um-effort ako. Wala ako palagi, e. Pero yun lang, naiintindihan naman ni Ariel 'yan because he's in the same business. He knows na ganyan talaga. Minsan busy, minsan wala."

Ayon kay Raymond, very vocal si Gelli na fan siya ng Korean pop star na si Kim Hyun Joong ng Boys Over Flowers. Hindi ba nagseselos si Ariel, lalo na nang ma-interview niya ito?

"Fan lang naman ako, wala namang malisya. Actually, natsi-cheapan lang siya sa akin. Parang, 'Ano ka ba?' Tapos sabi ko, 'I really like him.' Pero gano'n lang. Nahihiya rin ako sa kanya paminsan kasi feeling ko, umo-over ako. Pero okey lang naman siya. Feeling ko, medyo secure lang talaga siya. It will really take a confident man like him to really take my kagagahan."

REGINE VELASQUEZ. Tanong naman ng ikatlong special informant, although matagal na ang naging isyu sa kanila ni Regine Velasquez—na naging girlfriend ni Ariel—pero totoo ba na meron pa rin siyang selos dito? Ayon daw kasi sa isang source, kapag nagge-guest si Regine noon sa SiS, nakikipagpatalbugan daw siya sa kung anong damit at sapatos ang isusuot niya?