news

Allen Dizon considers end of sexy movies as the turning point of his career

by Nonie Nicasio posted on July 13, 2010  STATS: 527 Views | 11 Comments

 

 

"Masarap na kilalanin kang isang aktor, na alam mo na parang 'yong pinaghirapan mo, 'yong mga sinasabi sa akin dati, parang nawala lahat 'yon. Ang mga kritiko pala, ang mga taong humuhusga sa iyo, 'yon pala ang mga pagsubok na kailangan kong mag-strive. Kailangan kong patunayan sa kanila na hindi lang ako naghuhubad, na kaya kong umarte," says Allen Dizon.

Photo By: Noel Orsal

Ipinagmamalaki ni Allen Dizon ang pelikulang Sigwa na tinatampukan din nina Dawn Zulueta, Zsa Zsa Padilla, Gina Alajar, Pauleen Luna, Marvin Agustin, Tirso Cruz III, Megan Young, at iba pa. Naniniwala kasi si Allen na isa ito sa mahalagang pelikula na naglalarawan sa lagay ng bansa noong unang bahagi ng dekada '70.

"Unang-una, isa ito sa mga puwedeng panoorin ng mga hindi naka-witness noong 1970s, during the time of Martial Law. So, maraming makakakita kung paano ang buhay ng aktibista noong time na iyon," pahayag ni Allen sa PEP (Philippine Entertainment Portal) last Saturday, July 10, sa gala premiere ng Sigwa sa Cinemalaya Film Festival sa Cultural Center of the Philippines. (CLICK HERE to read more about this indie film)

Dagdag niya, "Ang Sigwa ay isang importanteng pelikula para sa mga Filipino na dapat panoorin at bigyan ng pansin, kahit na hindi pa sila ipinapanganak noong time na 'yon. Kahit naman ako, hindi ko naranasan 'yong Martial Law. Pero noong time na ginagawa namin 'yong pelikula, marami akong nalaman, may mga bagay na namulat ako bale.

"Thankful din ako na napasali ako dito sa Sigwa. Isa sa mga pangarap ng bawat artista ay ang makasama ang malalaking pangalan, mga biggest name sa movie industry, especially sina Zsa Zsa Padilla at Dawn Zulueta na alam naman natin kung gaano kagagaling. Halos lahat ay award-winning ang mga kasama ko. So, maabot ko lang ng kaunti 'yong level nila ay masayang-masaya na ako."

MEGAN YOUNG. Kumusta naman ang kissing scene niya with Megan Young, na gumaganap bilang asawa niya sa pelikula?

"Okay naman," sagot ni Allen. "Maganda 'yong eksena, maganda 'yong scene namin. Para talagang mag-asawa na kami, romantic 'yong eksena. Kasi si Megan, alam naman natin na hindi naman siya talagang nalilinya sa mga ganitong klase ng pelikula, pa-tweetums ang mga ginagawa niya before. So, first time din niyang gumawa nito for this role and para sa akin, isang hakbang na naman para sa career niya. Isang instrumento na naman ang pelikulang ito para lalo siyang gumaling, sumikat bilang aktres.

Dagdag niya, "Professional si Megan at may future, lalo na kung magkakaroon siya ng magagandang roles at mahahawakan ng mga magaling na director."

Nahirapan daw si Allen sa kanyang suicide scene sa pelikula.

"Sa suicide scene ko, doon ako nahirapan. Kasi ang pinanggalingan nun, from the time na humingi ako ng tawad sa asawa ko, si Megan, hindi niya ako pinatawad dahil naging DPA [deep penetration agent] ako. So, dire-diretso 'yon hanggang suicide scene. So, walang pahinga at diretso 'yon, tuhog-tuhog... E, si Direk Joel [Lamangan] pa, ang bilis, di ba? Pero nasanay din ako sa kanya," lahad ng award-winning actor.

TRANSFORMATION. Mula sa pagiging sexy actor ay kilala na ngayon bilang isang serious dramatic actor si Allen. Ano ang pakiramdam niya sa transformation na ito?

"Siyempre malaking ano sa akin 'yon, dahil alam naman natin na hindi lahat ng nag-i-start sa pagpapa-sexy ay nakakakawala sa image na 'yon. Ako, nakawala ako doon siguro dahil na rin sa pagsisikap ko, dahil na rin sa hirap ko kahit paano sa pelikula, sa pagtitiyaga ko. At least nagkaroon ako ng chance at ang mga tao naman ay na-accept nila ako sa ginagawa ko.

"Mahirap 'yong transformation, mahirap makakawala, e. Parang every time na lang na magka-cast sila, 'Si Allen, hindi ba sexy actor 'yan? Di ba, ang mga pelikula ni Allen laging may love scene? Hindi ba laging may nakikitang flesh?' Pero ngayon, at least kahit paano, sinasabi nila na, 'Oy, si Allen magaling 'yan. Maganda 'yong pelikula, maganda 'yong role.' Tapos si Direk Joel pa 'yong nagiging director ko, malaking bagay 'yon," saad niya.

Ano sa tingin niya ang naging turning point para makakawala siya bilang sexy actor?

"Noong mga time na nawala na 'yong sexy films," sagot niya. "Hindi na ipinapalabas sa SM malls, wala na ring nagpo-produce. So, I have to do something, I have to step forward. Hindi lang naman kasi 'yan for the sake of money, di ba?

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

11 Comments

  • 11  sakanalovelife

    07/14/2010 | 01:27 PM
    never nagin advisable ang paghuhubad ng ganyan sa showbiz lalo na sa mga bata pa o babae,kase ang tulad ni allen mahihirapan sumikat,kaya maghuhubad hubad tlaga sya,,hehe,hindi pang leading man ang dating pang romansahan,,depende din yan,,,.susme,,maghuhubad ka,,yuck,,unless,sex worker ka tlaga b4 ka nagshowbiz,,kakayanin mo tlaga yan..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  sakanalovelife

    07/14/2010 | 01:24 PM
    i bliv na hindi mo na kelangan kaseng maghubad hubad o,mag pa exploit sa showbiz,.sobra naman sa oa ang pahuhubad mo allen,.sabagay hindi naman lahat pangleading man gaya ni allen,pang boldie sya,hehe,,pero kahit walang hubaran kung magaling kang actors,u ca make it..pumayag lang syang magpa exploit,hehehe,.kase kung ikaw galing sa maayos na pamilya o ma takot sa dyos,di mo kayang gawin ang hubad,.siguro,yung iba bago nagshowbiz e naghuhubad na ang work,,wahahaah,.well.sabi nga e an actor not just a star o boldstar,,isa ka ya yan sa nakakasira o nakakawalang respeto sa sarili,,welll,,moving on,,godblesss na lag..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rowell

    07/14/2010 | 08:20 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rowell

    07/14/2010 | 08:13 AM
    he's really a good actor...and he is my favorite....galing nya sa acting...at very handsome...xa may pinakamalakas ng sex appeal..d lng mga babae humahabol d2 pati mga barako din...kc kakaiba ang dating nya...basta da best...c dingdong dantes nga patay na patay d2 during his high school days
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rowell

    07/14/2010 | 08:13 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • apayagamin

    07/13/2010 | 08:58 PM
    still a good job..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • r2kin2

    07/13/2010 | 06:24 PM
    delicious parin si papa allen.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapusongtotoo_75

    07/13/2010 | 03:54 PM
    that's great!!! good luck to your career!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • presidentgibo

    07/13/2010 | 03:09 PM
    Marami naman dumaan sa pagbo-bold o sexy. Si Richard Gomez, look where is he now? Top actor na sya. Pero pinaka grabe yata ung pinakita ni Coco Martin sa Serbis hehehe.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • presidentgibo

    07/13/2010 | 03:07 PM
    soooo Nice!!! at least may goal ka to prove your talent. CONGRATS ABE!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • benice

    07/13/2010 | 02:30 PM
    Nakakahanga ang katulad nina Allen at Coco. More power sa inyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About