Meryll Soriano says father Willie Revillame is "resting"

Rose Garcia
Wednesday, July 14, 2010 @ 07:24PM  |  64406 views

 

"Kumbaga, hindi siya yung parang routine na paggawa ng teleserye. Kumbaga, as an artist, nakaka-experiment ka rin. So, you know, it's a good genre to expose yourself and to discover something. Para rin may balik na may natutunan ka pa. Kasi dito, siyempre medyo may pagka-controversial ang roles, ang mga topic niya. So, mas nakakapag-explore," says Meryll Soriano about doing indie films.

Photo By: Rose Garcia













Isa si Meryll Soriano sa masugid na tagasuporta ng indie films. Ilang indie films na rin ang nagawa niya na bawat isa naman ay maipagmamalaki niya.

Last Monday night, July 12, maaga pa lamang ay nasa Cultural Center of the Philippines na si Meryll para sa gala night ng kanyang pelikula na Donor, na in competition sa Cinemalaya film festival this year. Kasama ni Meryll sa pelikulang ito na idinirek ni Mark Meily si Baron Geisler. (CLICK HERE to read PEP's review of Donor)

When asked about the fulfillment she gets from doing indie films, ang kagustuhang umarte at matuto ang ilan sa mga ibinigay na rason ni Meryll.

"Ako kasi, I really enjoy acting," sambit niya. "At ito talaga ang level na nakaka-act ka. Kumbaga, hindi siya yung parang routine na paggawa ng teleserye. Kumbaga, as an artist, nakaka-experiment ka rin. So, you know, it's a good genre to expose yourself and to discover something. Para rin may balik na may natutunan ka pa. Kasi dito, siyempre medyo may pagka-controversial ang roles, ang mga topic niya. So, mas nakakapag-explore."

Dagdag niya, "Happy ako. Happy ako sa indie."

KIDNEY DONOR. Ginagampanan ni Meryll sa Donor ang papel ng isang kidney donor. Ipinakita sa pelikula ang proseso ng talamak na rin na bentahan ng body organs sa bansa.

Bakit ito ang pinili niyang gawin among other indie films na malamang ay in-offer din sa kanya?

"Well, it's about organ trafficking. Yung proseso no'n dito sa Pilipinas. Parang sa Asia, second or third tayo sa top of organ trafficking. So, it's a process on how people get into it, ano ang mga nangyayari, set-up. So, ako rito, nag-donate kapalit ng pera," saad niya.

Unang offer pa lang daw sa kanya ng movie ay umokey na siya.

"Well, of course, na-starstruck din ako kay Direk Mark Meily. E, fan na fan ako ng Crying Ladies. So, sabi ko, 'Wow, it's a different kind of directing.' Pero sinabi ko rin naman na, Direk, babasahin ko muna ang script. Ganoon naman, di ba?"

My limitasyon din daw siya in terms of exposure. Biro nga niya, yung kidney lang ang kaya niyang ipakita.

"Yun lang ang organ na puwedeng ipakita!" natatawa niyang sabi.

WILLIE & WOWOWEE. Kinumusta rin ng PEP kay Meryll ang kanyang ama na si Willie Revillame at kung babalik pa ba ito sa Wowowee.

"Ayun, I think he's just fixing lang yung mga legalities. Pero ang alam ko, babalik siya, e. Hindi lang ako sure. Hindi naman kasi namin pinag-uusapan yun. Hindi ko rin alam kung ano ang outcome ng first meeting nila ni Sir Gabby [Lopez], so I cannot speak on his behalf," sabi ng aktres.

Open ba ang communication nila ng kanyang ama?

1  2  Next »

Related Articles

65 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name