Hindi maiiwasan na kapag gumawa ng isang pelikula ang mga artista, lalo pa nga't ang tema nito ay katulad ng sa Hating Magkapatid na tungkol sa magkapatid, ay maging simula ito ng pagiging malapit ng mga artista. At ito nga ang nangyari sa mga bida ng pelikula na sina Sarah Geronimo at Judy Ann Santos.
Sabi nga ni Sarah, "Napakasaya ko po na nakasama ko si Ate Juday. Kahit bago pa po mag-umpisa ang pelikula, dahil nga po nakakasama ko na rin si Ate Juday sa ilang okasyon, talagang makikita n'yo na po ang pagkakaiba ni Ate Juday sa ibang artista.
"Makikita mo na yung siya yung isa sa pinakamababait at sincere na artistang nakilala ko. And every shooting day talaga, nilu-look forward ko dahil yun ang time na nakakapag-bond kami, nakakausap ko, nahihingan ko ng advice. So very blessed ako na dumating ang project na ito with Ate Juday."
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sina Sarah at Juday sa grand presscon ng Hating Magkapatid kahapon, July 15, sa Citybest restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City.
ON LOVE & RELATIONSHIP. Hindi naman itinanggi, kahit ni Juday, na ilan sa mga napag-uusapan nila ay tungkol sa pag-ibig. Nabibigyan din daw niya ng advice si Sarah pagdating sa bagay na ito. Isa nga sa advice ni Juday kay Sarah sa mga heartbreak na nararanasan o mararanasan nito ay "pagkakitaan" na lang niya dahil marami pang darating sa kanyang ganoong sitwasyon. (CLICK HERE to read related story.)
Sabi naman ni Sarah, "Nai-ease talaga ang pain mo every time na merong isang tao na mararamdaman mo talaga ang sincerity kapag nagbibigay ng advice. Napakaimportante lang yun sa nakakausap na tao dahil, yun nga, nahihingan ng advice. Hopefully, ma-apply ko yun sa sarili ko habang tumatanda ako sa business na ito. Para hindi naman nasasayang ang mga pag-a-advice sa akin ni Ate Juday. Isang ano si Ate, role model."
Kay Sarah na rin mismo nanggaling na si Juday ang nakakapag-ease ng pain niya Is she in pain right now at ano-ano ang mga pain na yun na kay Juday niya nasasabi?
"Dumating po sa pagkakataon na nasaktan, pero wala...okey na," pag-amin naman ni Sarah. "Lahat naman po tayo nasasaktan. Ngayon lang po ako umamin na nasaktan ako. Kumbaga, yung kay Ate Juday, natutunan ko na rin po na sabihin ang nasa loob ng puso ko. Hindi puro opo, opo. Yun po."
Itinanggi naman ni Sarah ang tungkol sa balitang the last time na nag-guest siya sa Sharon ay nakita raw siyang umiiyak habang kausap ang Megastar na si Sharon Cuneta.
"Wala...wala po. Ang saya-saya po namin noong nag-taping kami. Nandoon lang kami sa stage, tinapos namin yung taping. Walang time na makapag-usap po kami ni Ms. Sharon. Wala, walang iyak-iyak!" natatawa niyang sabi.
Nakuha pa nitong magbiro when asked kung wala ba siyang iniyakang "boylet." Hirit ni Sarah, "Piglet meron!"
Aminado naman si Sarah sa ugali niyang kapag may dinaramdam siya, sinasarili lang niya yun most of the time. So, we asked her kung kailan niya nasi-share sa iba ang problema niya?
"Kay Ate Juday po," sagot niya. "Kasi, ngayon lang din naman po ako nakakita ng katrabaho na, alam mo yun, hindi lang katrabaho, kaibigan din po."
Diniretso na namin si Sarah sa pain na sinasabi niya, may hinala kami na lovelife ang tinutukoy niya at ito ay may kinalaman sa young actor na si Rayver Cruz. Tama ba?
"Kailangan ko po bang sagutin 'yan?" nakangiting sabi naman ni Sarah. Pero dagdag niya, "Sa amin na lang po yun ni Ate Juday."






Go find something else to complain about..
JEALOUSY BREEDS HATES......
LOVE YOU SARAH, YOU'RE REMARKABLY BEAUTIFUL AND YET SO ADORABLE.
Ayon kay Sarah pede naman daw nya mahalin si Rayver kahit malayo ito sa kanya.Hahayaan daw na lang muna na ganyan sila ni Rayver. Mahirap daw talaga ang situation nila.
PS.
Fame will fade in time, but character stays forever. Be true to yourself and find happiness, because time will only run once.
korek ka jan!!!!!kahit medyo bored ang article napapasaya ng mga comment dito....LOL
I don't agree with you! A very strict parents produces a rebellious child or a child who has inferiority complex. But a loving, understanding and parents who knows how to trust their children and who knows how to let them experience life produces a confident, loving, successful children armed with some experiences on life to know not to rush into things. True that parents only wants what's good for their kids but they can't control the children to make them do whet the parents want. Children are different people. They were not born to be a replica of their parents. One thing thstvSi am sure is that Sarah's parents are benefitting for her income. And of course, they don't want to lose that once she gets married in the future. That's why they are protecting her from guys. Selfish parents. She needs to move out and live her own life.
kapansin pansin na may mga bagay si Sarah na hindi nya ma i-share sa mother nya kahit sa mga kapatid nya.Ganun talaga.
Obserba ko kay Sarah nag hahanap sya ng totoong kaibigan na pedeng pag sabihan ng mga problems nya..
isang singer/actress na kinakana ng manager kapalit ng kasikatan?
sino kaya sya.