Sarah Geronimo admits painful experience but refuses to elaborate

Rose Garcia
Friday, July 16, 2010 @ 12:53PM  |  228 views

 

"Dumating po sa pagkakataon na nasaktan, pero wala...okey na. Lahat naman po tayo nasasaktan. Ngayon lang po ako umamin na nasaktan ako. Kumbaga, yung kay ate Juday, natutunan ko na rin po na sabihin ang nasa loob ng puso ko. Hindi puro opo, opo," says Sarah Geronimo.

Photo By: Sany Chua













First pain ba niya itong naramdaman?

"Sabi ko nga po, bago pa ako mag-artista, nasaktan na ako. Lahat naman ng tao nasasaktan. Pero noong nakilala ko si Ate Juday, pina-realize niya sa akin na wala namang masama na mag-share. Ako, kinikimkim ko rin yun. Wala rin naman akong masyadong taong nakakausap kasi bahay-trabaho, bahay-trabaho, ganyan lang din naman ako. Hindi ko naman nakakasama rin ang mga kaibigan ko noon. Ang mga kapatid ko, busy rin sa schools, di ba? Ang hirap din, e. So, yun...yun lang. Tama na yun," iwas na ni Sarah.

Nakapag-move on na ba siya from the pain o nasa process of healing pa rin siya?

"Kasi kapag naaalala mo rin ang isang bagay, siyempre palaging babalik din ang pain. Pero tapos na yun, wala na yun," ulit niya.

FIGHTER. Marami naman ang napapalakpak nang sabihin niyang she's "a fighter" now, unlike before na opo lang siya nang opo.

"Opo, mahirap din po yun. Hindi mo nasasabi kung ano ang nasa loob mo talaga," sabi ni Sarah. "Siyempre, hindi rin naman po lahat sasabihin ko sa inyo... Ano po kasi, kapag po kasi sobrang bait ng isang tao, may limitasyon kasi lahat po. Hindi ko rin naman akalain na darating ako sa punto na masasabi ko sa inyo ang nararamdaman ko. Nagulat din naman ako. Pero hanggang... Pagpasensiyahan n'yo rin po kung naging vocal man ako. Alam ko na nag-create yun ng isyu."

Alam sa showbiz na may pagka-protective talaga ang mga magulang ni Sarah. Yung na-open niya kay Juday, nasabi rin ba niya ang mga ito sa parents niya at ano naman ang naging reaction ng mga ito sa kanya?

"Alam n'yo kasi, sila Mama at sila Daddy, pagbaba ko pa lang galing ng kuwarto, makita lang nila ako, alam na nila, e. Alam nila," sabi ni Sarah.

Welcome pa rin ba siyang magpaligaw ngayon?

"Kapag ready na po ako. Kapag ready na ulit ang lahat," sagot ng Pop Princess. "Naiisip ko naman po, ang taong babae, kaya nagbo-boyfriend 'yan... Ewan ko, baka opinion ko lang. Kaya 'yan nagbo-boyfriend kasi ready nang mag-asawa. Hintayin natin ang point sa buhay ko na magpapaligaw ako or magbo-boyfriend ako kapag ready na ako."

So, wala muna?

"Wala namang nanliligaw," sabi niya.

May lalake ba na kahit paano ay pinanghinayangan niya dahil hindi nanligaw sa kanya?

"Wala... wala po. Wala naman," sagot ni Sarah.

E, yung lalake na pinanghinayangan niya dahil hindi na siya nahintay?

« Prev  1  2  3  Next »

Related Articles

169 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name