JC de Vera on past relationship with Rhian Ramos: "Isang magandang learning experience na hindi mo na  babalikan."


 
"Whatever na ginawa ko to reach this point, ano yun, hard work talaga yun. Kumbaga, ito lang siguro yung bunga ng pinagtatrabahuhan ko pagdating sa acting. Tapos, yun nga, yung paglipat naman sa Five, leap of faith 'yan. Parang hindi ko alam kung saan ako mapupunta. Kung ikakalaglag ko ba 'to or ikasisikat ko ba 'to, hindi ko alam talaga, e," says JC de Vera.

JC de Vera on past relationship with Rhian Ramos: "Isang magandang learning experience na hindi mo na babalikan."

Rose Garcia

Rating

Malaking bagay para kay JC de Vera na maging leading man ni Judy Ann Santos. Alam daw kasi niya na hindi naman lahat ng mga young actor would be able to experience kung paano maging leading man ng tinaguriang young superstar.

 

Yun nga ang naging pahiwatig ni JC nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa prescon ng pelikulang Hating Magkapatid noong Huwebes, July 15, sa City Best restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Ang Hating Magkapatid ay mula sa Viva Films at ipapalabas na sa mga sinehan sa July 21.

 

"Very memorable talaga. Parang bihira mong makakatrabaho yung mga katulad niya, e. Parang yung status ko sa showbiz, hindi pa talaga pasok sa level nila Juday. Pero nabigyan ako ng chance na mag-level up at maka-partner si Juday. For me, very happy ako at grateful na nabigyan ng opportunity," saad ni JC.

 

Sabi pa niya, "Di ba, hindi lahat ng mga nakasabay ko, hindi nila makaka-partner si Juday? Kaya sabi ko sa nanay ko, 'Alam mo, Ma, kahit sinong nakasabay ko sa showbiz, hindi nila makaka-partner si Juday. Kahit sabihin mong tumanda na silang lahat, hindi nila makaka-partner si Juday.'"

 

Mas humanga pa raw si JC kay Judy Ann dahil kahit buntis ito noong nagsu-shooting sila ay napaka-cool lang daw nito.

 

"Ano siya, e, malikot pa nga siya. Very energetic, very professional, noisy. Masayahing tao siya, e. Kaya imbes na mabigat yung shoot namin, napapagaan dahil sa kanila ni Sarah," kuwento ng young actor.


PRINCE OF TV5. Ito na ang pakilala kay JC kahit sa pag-introduce sa kanya during the press conference. Kaya tanong namin sa kanya, sino para sa kanya ang King ng TV5?

 

"Hindi ko po alam, e," sagot niya. "Kasi, kapag sinabing 'king' po yata, matanda na. Ewan ko lang, hindi ko po siya ine-embrace, e."

 

Malaking impact ba sa kanya to be tagged as "Prince of TV5"?

 

"Malaking impact in a way na natsa-challenge ako sa ginagawa ko. Kasi, para sa akin naman, pagdating sa work, hindi naman talaga ako para sa fame. Hindi naman ako nagtatrabaho para ma-reach ko ang level of Prince of TV5. Nagkataon lang din siguro na nauna ako sa TV5 na lumipat. Good timing din na hinahantay lang nila yung makakuha sila ng matinee type na artist. Nakatsamba lang ako at nauna ko," nakangiti niyang sabi.

 

Mas masaya ba siya ngayon being a Kapatid?

 

"Mas masaya ako ngayon talaga," sagot ni JC. "Hindi dahil marami akong projects. Parang mas feeling secured ako ngayon compared noong nasa kabilang network ako [GMA-7]. And, di ba, for seven years, minahal ko ang acting, minahal ko ang trabaho ko. Tapos, di ba, minsan nakakalungkot lang din kapag mahal na mahal mo ang trabaho mo, walang bumabalik sa 'yo? Parang ganoon.

 

"So, mas fulfilled ako ngayon. Whatever na ginawa ko to reach this point, ano yun, hard work talaga yun. Kumbaga, ito lang siguro yung bunga ng pinagtatrabahuhan ko pagdating sa acting. Tapos, yun nga, yung paglipat naman sa Five, leap of faith 'yan. Parang hindi ko alam kung saan ako mapupunta. Kung ikakalaglag ko ba 'to or ikasisikat ko ba 'to, hindi ko alam talaga, e."

 

Pero nararamdaman ba niyang mas sikat siya ngayon?

 

"In terms of exposure, talagang wala namang nanonood... May nanonood, pero kung iko-compare mo sa big networks, ang laki ng difference talaga. Pero masasabi ko ngayon, umaangat siya. So, patay sila, parang ganoon.  Umaangat. Yung percentage ng viewers namin, lumalaki. In a span of seven months, lumaki siya ng ganoon kabili

 

"So, di ba, para sa akin, very fulfilling siya kasi naging part ako noon. Yun nga lang, ang sa akin talaga, hindi ko iniisip yung fame kung ano ang puwesto ko sa Five. Mas secured ako. Meaning, pagdating sa suweldo, mas secured ako," saad ni JC.

 

SECURING HIS FUTURE. As early as now, sine-secure na nga ni JC ang kanyang future. May mga investment na raw siya ngayon.

 

Aniya, "Nag-i-start na akong magpagawa ng house. Nakakuha na ako ng lot. Sa may QC, sa may Commonwealth area lang. So, yun nga, kailangan kong maging secured financially rin kasi. Yun ang importante.

 

"Nakuha ko sa TV5. Yung three-years guaranteed contract na hindi basta-basta puwedeng ibigay kahit kanino. Pero sa akin, hindi pumapasok sa utak ko na, oo, may kontrata ko, ako ang bida rito. Mas secured ako kasi, in a way, nagsusuporta ka sa family mo. Malaking percentage sa money ko na kino-contribute ko. 

 

"Important sa akin ang future. So, yung pasok ng projects sa akin ngayon, very fast. In terms of movies din and TV shows, ang bilis ng pasok. So, very happy ako sa mga nangyari. Kung anuman ang label sa akin sa TV5, parang wala naman akong ano ro'n, hindi naman pumapasok sa ulo ko yun."

 

RHIAN RAMOS. Kung sa career ay fully loaded siya dahil sa sunud-sunod na projects, sa lovelife naman ay "zero" raw siya.

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
114 Comments
page    1    2    3   
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement