"Nakakatawa kasi lalakad lang kami. Sa taping, kung ano-ano ang ginagawa namin, umiiyak... Pero 'eto, lalakad lang, pero grabe ang kaba namin. Rampa lang naman, pero kahit na. Hindi nga ako makaposisyon ng isa lang. Kasi, nanginginig ang tuhod ko. Kapag nanginginig, lipat ulit sa kabila," says Eula Valdes about walking the ramp at the FHM Sexiest Women victory party.

Photo: Paul Mata

Ang "hot mamas" na sina Eula Valdes at Jean Garcia ang nagbukas sa nakaraang FHM's 100 Sexiest Women victory party na ginanap sa World Trade Center (WTC) noong Huwebes ng gabi, July 15.

Muli pa silang rumampa sa finale kung saan ipinakilala naman ang celebrities na nakapasok sa 100 Sexiest Women ng FHM sa taong ito. Marami ang pumalakpak kina Eula at Jean dahil na rin sa kakayahan nilang rumampa at magpakita ng magandang pangangatawan, kasabay ng single ladies sa stage.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Eula right after the show sa backstage ng WTC, hindi nito ikinailang habang rumarampa sila ni Jean ay grabe ang kabang nararamdaman niya.

"Kabado!" bulalas niya. "Nakakatawa kasi lalakad lang kami. Sa taping, kung ano-ano ang ginagawa namin, umiiyak... Pero 'eto, lalakad lang, pero grabe ang kaba namin. Rampa lang naman, pero kahit na. Hindi nga ako makaposisyon ng isa lang. Kasi, nanginginig ang tuhod ko. Kapag nanginginig, lipat ulit sa kabila."

TWO COUGARS. May pagka-cougar daw ang dating nila ni Jean. Nakangiti naman si Eula when asked kung accepted ba nito ang term na idinidikit sa kanila as "cougars"?

"Bahala sila!" natatawa niyang sabi.

Biro namin sa kanya, tila hanggang sa paseksihan at pagrampa, silang dalawa pa rin ni Jean ang magkakumpitensiya?

"Actually, hindi naman namin naramdaman ang competition. Mas proud kaming dalawa para sa amin. Kita mo naman, puro mga bata ang mga kasama namin. And yet, nandito kami. Ilang taon na kami ni Jean, pero...." natawa na lang at hindi na niya naituloy ang gustong sabihin.

Marami rin ang bumilib kina Eula at Jean dahil yung ibang babae, lalo na't nagkaroon na ng anak, gusto man nila ay wala silang lakas ng loob to do kung ano ang ginagawa nila.

"Actually, hindi ko rin naman kaya itong ginagawa ko kaya nga nahihiya ako kanina, kaya nga kinabahan ako, e. Rarampa ka ba naman na ganito ang suot mo?" natatawang sabi ni Eula, na rumampa suot ang isang sexy black outfit.

Pero hindi ba siya nagdalawang-isip nang alukin siya ng FHM na rumampa?

"Hindi, kasi nagpo-pose na rin naman ako nang nude before for a magazine," sabi ng 41-year-old actress. "Pero ganoon lang, mga pang-libro. Kasi siyempre, gusto ko rin na pagtanda ko, ipapakita ko sa mga apo ko na once upon a time..."

ROCKY RELATIONSHIP WITH ROCKY? Itinanggi naman ni Eula ang balitang kesyo nagkakalabuan na raw sila ng model-boyfriend niyang si Rocky Salumbides. 

"Ay hindi, malabo ang balitang yun. Yun ang malabo. Okey kami," paniniguro ni Eula.

Yung isyu ng pagkakalabuan daw ng relasyon nila ay kay Rocky pa raw niya unang nalaman.