"Kumbaga sa kalye o sa building, we are under construction right now. So I really wanna ask everyone's understanding right now. I just want you guys to give us more time. Be patient. This is not something that you just throw away in one go," says Pia Guanio about her rumored breakup with boyfriend Vic Sotto.

Photo: Melo Balingit

"Me and Vic, we're very okay. There's nothing wrong with us. We're good."

Ito ang naging pahayag ng TV personality na si Pia Guanio tungkol sa mainit na isyung hiwalay na diumano sila ng kanyang boyfriend na si Vic Sotto. Pero inamin din ni Pia na may inaayos silang problema ngayon ng comedian-TV host.

Ilang linggo na rin kasing laman ng mga pahayagan at showbiz online sites ang balitang nagwakas na raw ang halos limang taong relasyon nina Pia at Vic. Mas tumindi pa ang balita nang piniling manahimik ng dalawa, bagay na inakala ng marami na may katotohanan nga ang lumalabas na balita.

Binasag ni Pia ang kanyang katahimikan sa Showbiz Central kaninang hapon, July 18, katabi ang mga kasamahan niya sa show na sina John "Sweet" Lapus, Raymond Gutierrez, Rufa Mae Quinto, at ang guest co-host nilang si Claudine Barretto.

Sa simula ng show ay ipinaliwanag ni Pia na hindi niya iniiwasan ang isyu. Dalawang linggo na kasing hinihintay ang kanyang sagot tungkol sa balitang hiwalay na sila ni Vic, pero walang narinig ang mga manonood sa kanya. Noong nakaraang linggo ay wala si Pia sa Showbiz Central kaya inakala ng marami na talagang iniiwasan niya ang isyu. Paliwanag naman ng TV host, nagpunta siya sa Thailand last week para mag-shoot ng isang TV commercial.


PIA BREAKS HER SILENCE. Pero kanina ngang hapon ay hinarap at sinagot na ni Pia ang matagal nang pinag-uusapang isyu.

"This is what I wanna say about it," simula niya. "Wala po kayong kailangang ikabahala, or you have nothing really to worry about because me and Vic, we're very okay. There's nothing wrong with us. We're good. Even our working relationship in Eat Bulaga! has not been affected in any way.

"Of course, I have do have to admit na just like any other relationship, there are ups and downs, you go through rough patches... That's why I had to keep quiet because I didn't want too many people to get involved. I want to fix it muna, and we're in the process of doing that."

Sa puntong ito ay hindi na napigilan ni Pia na tumulo ang kanyang mga luha.

Patuloy niya, "Kumbaga sa kalye o sa building, we are under construction right now. So I really wanna ask everyone's understanding right now. I just want you guys to give us more time. Be patient. This is not something that you just throw away in one go. It's hard enough as it is for both of us without ten gazillion people giving their opinion, making up stories, getting involved...

"I'm glad you guys have been very patient with me, understanding my silence all this time. I have not been [dishonest] at any particular time. I've always been straight up with everybody. And I'm just thankful that Vic and I are still good. And I'm very, very happy for that."

VIC ALSO GIVES HIS SIDE. Pagkatapos ng pahayag ni Pia, na hindi pa rin matigil ang pagtulo ng kanyang luha, ay nakausap din ng Showbiz Central si Vic sa pamamagitang phone-patch interview.

"Ano bang kaguluhan ito? Parang medyo may narinig akong umiiyak diyan?" nagbibirong sabi ni Vic sa kabilang linya.

Tinanong siya ni Raymond kung may gusto pa siyang idagdag sa sinabi ni Pia tungkol sa nababalitang breakup nila.

"Palagay ko malinaw na yung sinabi ni Pia, e, na we're good, we're okay. Kasi minsan yung mga espekulasyon, na walang imbestigasyon, e, minsan nakakagulo sa isang relasyon. Kaya ang pinakamaganda, kausapin na lang natin si Alion Cion! At yung sapatos ni Cion, lagyan natin ng biton... Kikintab 'yon!" natatawang biro ni Vic.