"Baka akala nila, e, katapusan na ng mundo ni Willie at hindi na makakabalik sa Wowowee... Isang araw, malapit na malapit na... Isang malakas na sampal ang sasagupak sa pisngi n'yo!" says Cristy Fermin about the "return" of Willie Revillame to Wowowee.

Photo: Noel Orsal

Galing kaya sa network ang interes na muling ibalik sa show si Willie?

"Palagay ko nga, kasi si Willie, nagpapa-release, e. The mere fact na nagpapa-release, that means he has no more intention of going back," sabi ni Cristy.

Kung totoong nagpapa-release si Willie sa kontrata nito sa Dos, totoo rin ba ang balitang ibinebenta niya ang kanyang contract?

"Walang bentahan. Nagpapa-release lang siya. Talagang ayaw na niya," diin ni Cristy.

Hindi totoong iba-buy-out ni Willie mismo ang sarili nitong contract?

"Ang alam ko, mayroong magba-buy-out ng contract, at hindi pumayag ang ABS. Dose na lang rating ng Wowowee, na dating 24? Kaya sabi ko nga, 'Ano ang sinasabi n'yo, uminom nga kayo ng kape!'

"E, dose na lang ang rating ngayon, a, nung mawala si Willie? Kung si Pokwang ang nagpapataas ng rating, dapat napataas 'yan ni Pokwang nung mawala si Willie. E, bakit sumadsad?" patutsada ni Cristy.

Nahirapan ba si Willie na makabalik?

"Sa punto siguro ng emosyon, parang may mga dapat pang ayusin. Kasi, nakatikim siya ng mga salita na, 'Ipagdarasal namin ang pagbabalik ni Robin [Padilla].' Si Pokwang 'yan, di ba? Sabi pa niya, 'Si Robin lang ang nagpatikim sa amin ng tunay na respeto...' Siyempre, nasaktan yung tao, na eto pa ba ang produkto niya, di ba?"

Posible kayang magmula rin kay Willie ang kundisyon na babalik lamang ito sa show kung wala na ang isa o dalawa sa kanyang co-hosts sa Wowowee?

"Ako, i-quote n'yo ako o hindi, okey lang sa akin, dahil totoo naman... Wala sa bokabularyo ni Willie ang magtanggal ng kasama. Kaya ang sabi ko, killing them with kindness ang gagawin niya. Kasi, may sinabi siya sa interview na kasama ang forgiveness... Kasama yun."

THE DATE. Kumpirmado bang sa July 31 ang pagbabalik ni Willie sa show gaya ng nababalita?

"Hindi ko alam yung July 31," sabi ni Cristy. "Siguro yung clamor, nakita ng ABS-CBN yun."

May reformat kaya na mangyayari sa Wowowee?  

"Ang alam ko, wala," sagot ni Cristy. "At saka kung ano yung iniwan niya, yun ang babalikan niya. Lalo na yung 'Willie of Fortune' [segment]...na nagyayabang na 'Billy of Fortune' [of Billy Crawford] na lang daw... Painumin mo nga ng kape ang batang yun, at pakitaan n'yo naman ng multo nang kabahan naman paminsan-minsan!