Babalik na raw si Willie Revillame bilang host ng Wowowee, ang popular noontime show ng ABS-CBN, ilang linggo mula ngayon. Ito ang sinabi ng showbiz talk show host na si Cristy Fermin, na kilalang very close at "nanay-nanayan" ni Willie sa showbiz mula pa noong nagsimula ito sa kanyang career.
Ito ay sa kabila ng paglalabas ng statement ng ABS-CBN na "espekulasyon" lamang ang lumalabas na balitang babalik na si Willie sa Wowowee.
Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Cristy sa taping ng Paparazzi sa studio ng TV5 sa Novaliches, Quezon City noong Sabado, July 17. Sinabi ng TV host at entertainment columnist na masaya siya para kay Willie sa "kumpirmado" nitong pagbabalik-Wowowee, matapos ang isang seryosong pakikipag-usap ng controversial TV host sa President ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio kamakailan lang.
WILLIE RETURNS AS HOST. "Kumpirmado!" ang sagot ni Cristy sa tanong namin kung totoo ngang balik-trabaho na si Willie as Wowowee host pagkatapos nitong mag-leave of absence ng mahigit dalawang buwan. (CLICK HERE to read related story.)
Kailan niya huling nakausap ni Willie?
"Kagabi," sagot ni Cristy. "Nag-usap sila nung kasagsagan ng bagyong Basyang ni Ma'am Charo... Babalik siya. Pinababalik na siya."
Maluwag ba sa puso ni Willie ang pagbabalik nito sa show?
"Oo. Meron pa siyang sinabi sa interview na forgiveness. 'Kasama na pagbabalik ko yung forgiveness.' Parang gano'n..."
May takot ba si Willie sa kanyang pagbabalik?
"Wala, wala siyang takot. Si Willie naman, handa na talaga siyang kung wala man ang Wowowee, tuloy pa rin ang buhay niya. Yun ang kanyang prinsipyo."
Sa palagay ni Cristy, nakapagpahinga na si Willie nang maayos pagkatapos ng kontrobersiyang kinasangkutan niya recently.
"Sabi nga niya, naging tao siya sa mahabang panahon. Kaya na-relax siya e. Kaya, babalik, babalik siya."
Sa pagbabalik ni Willie, alam ba niya kung may mga kundsiyones ito with the show or network?
"Wala naman. Nag-meet halfway yata sila."
POKWANG. Ano naman ang masasabi ni Cristy sa nasusulat na mga balitang kapag bumalik daw si Willie sa show ay aalis o matatanggal naman sina Pokwang at Mariel Rodriguez? Sa kanyang column sa Bulgar noong araw ding yun, binira ni Cristy ang isang insider ng ABS-CBN, gayundin si Pokwang, dahil sa Tweet message ng naturang insider.
Ayon kay Cristy, masyadong "blunt" ang nabanggit na insider sa pagtu-Tweet na: "Fyi, si Pokwang ang nagpapataas ng rating ng Wowowee, hindi si Willie. Magsama na lang sila ni Cristy Fermin sa TV-5! Eiowww!... Binigyan na siya ng chance na magbago, hindi lang bilang host, kundi bilang tao, pero nothing has changed."






even demata official fan page sa facebook
galing yan para kay willie
yung ratings say it all..sumadsad na ang WOWOWEE, both in AGB at KANTAR..
so, tama lang na mas pagbigyan ng ABS ang MAS NAKAKARAMI na gustong bumalik sya, kaysa sa mga AYAW pero MINORITY naman dba??
mga sipsip!
mga sipsip!
Tsupii Pokwang at Mariel! mga wala kayong K at hindi magaling kundi nakakainis kayo sa kaartehan.
For Pokwang amp; Mariel: woot, I'll be very happy kung matatanggal na kayo sa show. Sa totoo lang at nakakainis naman kayong hosts, ano! naku, mga maaarte, plastic, at mga walang K. tularan nyo na lang si Eugene Domingo...ang superb sa galing at queen of comedy na talaga!!!