Aminado ang young Filipino international singing sensation na si Charice Pempengco na takot siya sa injection, pero kinaya niyang harapin ang kanyang takot nang isagawa ni Dra. Vicki Belo sa kanya ang botox at thermage procedures sa Belo Clinic sa Tomas Morato, Quezon City last Saturday, July 17.
Present ang PEP (Philippine Entertainment Portal) during the medical procedure at nakunan pa namin ito ng pictures. Nagawa pang ma-interview ng PEP si Charice after the procedure.
First time daw magpa-botox ni Charice. Paano niya ide-describe yung feeling nung bino-botox siya?
"Medyo na-tense ako kanina kasi hindi talaga ako nagpapa-injection, e. Yung first three [sa kanang pisngi] na ginawa ni Dra., okay lang siya. Then nung sa kabila na, siguro dahil napuno na ako ng tensyon sa face kaya medyo masakit siya. Siguro dahil sobra talaga akong kinakabahan. Pero okay na rin po ako pagkatapos," paglalarawan ni Charice sa kanyang pinagdaanang procedure.
Sino ang nag-advise sa kanyang magpa-botox?
"Kasi po, medyo problem area ko na yung sa pisngi ko. Kasi yun nga ang sabi ni Dra. Belo, na ang cause pala kaya mas bumilog yung pisngi ko, kasi mahilig akong mag-chewing gum. Ang sabi niya nga, parang pag nagwo-workout kaya lumalaki yung muscles. So, yun nga, pag nagtsu-chew daw po kayo, lumalaki din yung muscles sa face. Kaya po ginawa yung botox. Tapos yung thermage, para po magka-shape pa at ma-relax yung muscles ko sa face," paliwanag ni Charice.
Ano naman ang pakiramdam during the thermage procedure?
"Yun nga po, medyo natatakot din ako nung una. Pero nung ma-experience ko na po, parang massage lang. Parang facial massage lang po, ganun. Nakikiliti nga ako, e. Thirty minutes ginawa yung thermage, pero very worth it naman po."
Bago pa mag-undergo ng botox at thermage si Charice ay matagal na rin daw niyang ina-avail ang facial services ng Belo Clinic.
"Mostly po kasi ang ginagawa sa akin dito, facial lang talaga. Pumayag po ako sa botox at thermage kasi nga po preparation din po yun sa pagsali ko sa Glee," sabi niya.
BUSY CHARICE. Sa katapusan daw ng July ay nakatakda nang mag-taping si Charice para sa hit American TV series na Glee, kung saan gagampanan niya ang role bilang isang Filipino exchange student na magiging rival ng character ni Lea Michele na si Rachel.
Nag-insist daw siya sa producers ng Glee na sabihing isa siyang Filipino.
"Opo, sinabi po talaga namin na dapat sabihin sa show na isa akong Filipino. Kasama po sa agreement namin yun. Siyempre naman po, ipinagmamalaki ko na Pinoy ako," sabi ni Charice.
Very professional nga si Charice dahil pagkatapos ng isinagawang procedures sa kanya sa Belo Clinic at media interviews ay dumiretso agad siya sa Eastwood City Open Park kung saan siya nagkaroon ng special show para sa kanyang mga fans noong Sabado ng gabi.
Napag-alaman pa ng PEP na sold out na raw ang kopya ng album niya sa venue. May mga fans nga raw na naubusan na ng kopya. Ang pagbili kasi ng album ang nagsisilbing pass para sa special seats sa show. Pero free naman daw manood ang lahat ng naroon.






korek! si Rachel nga yung bida sa Glee ang laki ng nose niya...lol
charice, kung kilala mo talga si oprah at ang pinaglalaban niya, hinding hindi mo gagawin ang desisyon mong yan.
at sa totoo lang, yang mga pinaghahandaan mong mga tao sa glee eh hindi rin naman mga kagandahan!!! sa lahi nila, may mga kapintasan rin sila... pati yung bida hindi naman pala talaga kagandahan!!!
Naku Charice - you are going against the wholesome and youthful image that best suits you.
Did anyone explain to you what BOTOX is? Whose brilliant idea was it to allow Belo to tamper your face with rat poison? Honestly, if I were in your shoes - at 18 - mamatay ako sa kahihiyan when you finally get into the set of Glee. Your co-stars will be staring at your face instead of listening to your real talent.
Baka mag ala Banig ang takbo ng career mo - if you dont sort this matter out.
The damage has been done. I just hope this does not affect Charice's chances on any opportunities that may still come her way.
Botox at this young age is TOTALLY WRONG.
i understand how it feels to be ridiculed or criticized because of the way you look... i went through the same when i was charice's age... at ang nakatulong pa nga sa kin ang panonood ko ng oprah... kase ang daming self empowering tips ni mother O... that is why im so surprised that charice didnt get pala oprah's message after all those encounters with her.
...isang simpleng click lang sa brain ang kailangan to set you straight.
-----------------
Amen to that.
More empowerment. Less of the Dr. Belo kind. Do people really want to look like Dra. Belo?
----------------
Dra. Belo, na screen test na po itong 18 years old na ito. Ginamitan po ng camera iyon. Nakita po ba ninyo ang kanyang screen test? Dra. Belo, keep your hands off our young ones. Pursue those middle age people and older... Wala kasi tayong REGULATORY commission to oversee the claims of these DOCTORS like Belo. We need this POLICING BODIES, STAT!
charice pempengo, botox, to narrow face
Holy mamaw, may report roon ang CBS News:
Charice Pempengco, 18, Gets Botox to Prepare for Upcoming quot;Gleequot; Role
July 19
Celebrity cosmetic surgeon Vicki Belo told ABS-CBN television that Charice underwent Botox and a 30-minute Thermage skin-tightening procedure to help narrow her quot;naturally round face.quot;
--------gt; ayan no po, iyong sinabi about Medical Doctors from the Philippines, sa script ng Desperate Housewives, na va validate na. Kawawa naman ang mga tutuong magagaling na mga doktor galing sa Pinas. Pati sila, nadadamay sa isang Dra. Belo.
parang sila ang ngmumukhang abnoy, hehe
FYI, merong muscles sa ilalim ng jaws natin, pagngumunguya ka ng gum for example para syang ngging workout at lumalaki yung muscles kaya ngging mapanga lalo si charice. lol
isuplong si Belo!!!! ano naman kaya ang say ni docs manny and pie calayan nitogt;gt;gt;????