Paolo Contis and Lian Paz talk about the baptism of their daughter Xonia

Rose Garcia
Monday, July 19, 2010 @ 05:11PM  |  29749 views

 

"Sabi ko, once na si Xonia could be a part of the entourage, she will be part of the entourage. Lahat naman ng planning ngayon, kasama na siya, e. So, sabi ko nga, hindi natin masasabi, four months siya, mabilis siyang mag-grow, e. Baka next month, maglakad siya, go!" says Paolo Contis when asked if the next event in their family would be his wedding with partner Lian Paz.

Photo By: Melo Balingit













Halos hindi magkandaugaga sina Paolo Contis at Lian Paz sa pag-iistima ng kanilang mga bisita na dumating sa binyag ng kanilang anak na si Xonia Aitana kahapon, July 18—mula sa seremonyas sa Christ the King Church sa Greenmeadows hanggang sa reception sa kalapit na Outback restaurant sa Libis, Quezon City.

Mga malalapit na kaibigan nina Paolo at Lian ang tumayong godparents ni Xonia at gayundin ang mga inimbitahan nila sa reception.

Ang mga tumayong ninong ay sina Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Joey de Leon, Michael V, Raymart Santiago, Quezon City Mayor Herbert Bautista, Benjie Paras, Ogie Diaz, Vince de Jesus (co host ni Paolo sa Wipeout), Noli Locsin (dating Ginebra player), Dominic Zapata, Antonio Alfaro, Randy Lao, at Alfred Vargas.

Ang mga ninang naman ay sina Nadia Montenegro, Lilybeth Rasonable, Winnie Hollie Reyes, Marilen Nuñez, Dra. Vicki Belo, Pamela Athena Dy, Lailanie Patricio, Saida Diola, Margene Maranan, Ma. Roxanne Agnes Sanchez, Edlyn Tallada Abuel, at Joyce Bernal.

A BEAUTIFUL DAY. Masayang-masaya sina Paolo at Lian sa naging outcome ng mahalagang araw na yun para sa kanilang anak. Sabi ni Lian, iba ang pakiramdam na nabinyagan na ang anak nila ni Paolo.

"Much blessed ang feeling. Siyempre ngayon, kasali na siya [Xonia] sa ating Christian world. Kaya wala na akong mahihiling pa. Good health na lang siguro at saka, lumaki siyang mabuting anak," pahayag ni Lian sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the reception.

Dagdag ng dating miyembro ng EB Babes, hands-on talaga sila ni Paolo sa lahat ng preparation.

"Si Pao kasi, ayaw niya na akong mag-isa lang ang gagawa. Hindi siya papayag. Kaya kahit busy siya, gagawa talaga siya ng time na kaming dalawa ang aalis para mag-order ng cake, giveaways... Rush nga yun lahat dahil sa kagagawan niya at dahil busy siya."

May plano sina Paolo at Lian na isama na nila si Xonia sa first out-of-town trip nito at the end of the month. Ito ang dahilan kaya nagpasya na silang pabinyagan ang anak.

"Ayaw naman kasi naming lumayo nang hindi pa binyag si baby," sabi ni Lian. "Yun ang first travel niya. Tapos kami rin ni Pao, matagal na rin kaming hindi nakapag-out-of-town. Naging busy siyempre kami kay baby. Kaya this time, nakapag-relax naman, di ba?"

Thankful din sila ni Paolo na halos lahat ng mga ninong at ninang na kinuha nila ay dumating. Yung iba na hindi na nila ine-expect na darating ay nakarating pa rin.

Ayon kay Paolo, "Maraming-maraming salamat sa lahat ng dumating. Not for anything, especially kay Mayor Herbert, dumating siya on a Sunday, on his day-off, dumating siya. Kay Tito Joey de Leon, kay Kuya Bitoy [Michael V], si Dingdong na galing sa mall show... I mean, maraming may trabaho diyan na tumigil.

"Sa mga hindi namin nabanggit, alam naman nila yun na mahal namin sila kaya sila ang naging bale unang batch. So, thank you. I hope hindi matapos 'to sa binyag, sana magtuloy-tuloy."

Biro naman namin kay Paolo, na aligagang-aligaga sa pag-iistima ng lahat ng bisita, mukhang na-feel niya nang husto at sinusulit ang experience ng pagiging daddy niya.

"Oo naman, siyempre first-time daddy," nakangiti niyang sabi. "Siyempre, lahat hands-on and it's for the experience. At para sa baby mo yun, e. Hindi mo puwedeng itiwala sa iba."

1  2  3  Next »

Related Articles

15 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name