Napaiyak ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto sa presscon ng bagong sitcom ng GMA-7 na Kaya ng Powers kaninang tanghali, July 20, sa 17th floor ng GMA Network Center.
Tila hindi kinaya ng powers ni Rufa Mae ang mga tanong sa kanya ng entertainment press tungkol kay "Mr. M," ang misteryosong lalake na karelasyon ngayon ng aktres. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapangalanan ni Rufa Mae kung sino nga ba si Mr. M, kaya panay ang kulit sa kanya ng press kanina na aminin na ang tunay na katauhan ng karelasyon niya.
Ayon kay Rufa Mae, hindi na niya kaya at "pagod" na siya sa katatanong sa kanya tungkol kay "Mr. M."
Pinakiusapan pa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres kung puwede namin siyang makuhanan ng ilang litrato. Pumayag naman siya, pero ilang sandali lang ay umiyak na siya at panay na ang punas sa tumutulo niyang luha.
Hindi pa rin matigil sa pag-iyak si Rufa Mae kahit inaalo na siya ng mga natirang reporters, staff ng GMA-7, at co-star niya sa Kaya ng Powers na si Rocco Nacino. Pero wala rin silang nagawa dahil patuloy pa rin sa paghikbi ang sexy comedienne hanggang sa pagsakay siya ng elevator.
Sa loob ng elevator ay panay na ang pagpapatawa sa kanya ng veteran entertainment columnist na si Alfie Lorenzo, pero hindi pa rin tumitigil sa kakapunas ng kanyang luha si Rufa Mae.
Ani Rufa Mae, pupuntahan niya ang kanyang lola para doon niya ipagpatuloy ang kanyang pag-iyak.





really inlove and proud about your bf there's no reason to be upset. The truth is tama ang hula tungkol sa identity ng ciota mo and the sad thing is you can't name him dahil BAWAL! Yun lang yun. Or baka naman pinagbawalan na cia and you realized that everything is a lie. Wake up woman!
Oo nga pala, kaibigan ko ang mga brods niyan. Ubod ng yabang ng boyfriend mo. Mahina naman ang kukote kaya lagpak sa lahat ng subjects sa Ateneo law school kaya sinipa kahit malakas ang magulang. At isa sa pinagyayabang niya hanggang ngayon ay lahat ng mga starlets na kinakama niya dahil pera lang ang katapat at mas okey ang taste niya kesa sa tatay niya pagdating sa mga babaeng pumapayag na makalaguyo.
rmq saus she is in love with someone who wants to marry her daw. di ba happy news yan?
btw, if ever it is mikey arroyo, so what? can u dictate ur heart who to love? if u say say quot;yesquot;, well better said than done.
why is she rich? she's been in showbiz for many-many yrs and i can't remember a time na nawala siya sa sirkulasyon. she's always visible, sitcoms, movies, variety host, etc... we do not have any right to question the fruit of her hardwork.
kapamilyankap
uso
kung totoo yan, kawawang rufa mae =
Sa totoo lang kahit san aspeto ng pelikula, eh bobita yang si pichi, nakapagtataka nga san nanggagaling wealth nya!