"Kilala mo 'yan?" biro ni Paolo Contis sa anak na si Xonia Aitana nang madaanan nilang mag-ama si Mark Herras habang ini-interview noong Linggo, July 18, sa reception ng binyag ng anak nina Paolo sa Outback restaurant sa may Libis, Quezon City. Para sa hindi nakakaalam, naging girlfriend noon ni Mark si Lian Paz, na siyang ina ng anak ni Paolo.
Kasama ni Mark ang girlfriend niya ngayong si Ynna Asistio sa binyag ng anak nina Paolo at Lian. Pero hindi sila ninong at ninang kundi ang ina ni Ynna na si Nadia Montenegro.
Sabi ni Mark, wala nang ilangan sa kanilang lahat kahit nagkaroon sila ng relasyon noon ni Lian.
"Wala na yung ilangan. Kasi, lahat kami masaya na, e. Wala na yung mga awkward moments. At saka, hindi na rin ako ganoon kabata para ma-awkward-awkward pa," pahayag niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
May wish ba siya para kina Paolo at Lian?
"For Kuya Pao and Lian, sana maging healthy at beautiful baby girl si Xonia. At alam ko rin naman na ang parents ni Xonia ay very responsible. At saka good health at more blessing to come," sabi ni Mark, na "kapatid" ni Paolo sa manager nilang si Lolit Solis.
Sinabi ni Paolo na sa second baby nila ni Lian ay siguradong kukunin na nilang ninong si Mark. Ano ang masasabi ni Mark dito?
"Paghahandaan natin 'yan siyempre kung matuloy man yun. Siyempre, I'll be happy at matutuwa ako," sagot niya,
ENJOYING THEIR RELATIONSHIP. Sila naman daw ni Ynna ay nag-e-enjoy lang sa relationship nila ngayon kung kaya't malayo pa raw na magkaroon sila ng sarili nilang pamilya tulad nina Paolo at Lian.
"Hindi pa ito ang right time at saka nirerespeto ko ang family ni Ynna, especially Tita Nadia and Tito Boy [Asistio]. Hindi ako gagawa ng maling hakbang na ikasasama ng loob nila sa akin. Ayokong maputol yung happiness na nararamdaman namin, like yung bonding ko with their family, talagang sobra, wala ka nang hahanapin."
Matagal nang nali-link sina Mark at Ynna, pero hindi sila umaamin sa totoong namamagitan sa kanila. Pero two Sundays ago sa Showbiz Central, biglang napaamin si Mark na sila na nga ni Ynna. (CLICK HERE to read related story.)
What's the exact date na naging sila?
"Secret!" mabilis niyang sagot habang tumatawa. "Basta ako lang, I'm happy lang. Yun lang ang masasabi ko. May nag-interview nga sa akin, sabi ko lang, ayoko kasing maging public property kung ano ang meron kami ni Ynna. Iniingatan ko lahat, so ayokong pagpiyestahan."
May anniversary silang sine-celebrate?
"Lahat naman nagse-celebrate. Talagang kasama yun, hindi naman mawawala," sabi ni Mark.






eir2esz
July 21, 2010
14:23 PM
da hu itetch????
---
maiintindihan kita kung more than 30 yrs ka nasa ibang bansa na walang pinoy channel,kaso hindi halata sayo eh..TH
KASO LANG:
hindi namin gusto ang YNNA na yan walang dating sa tv at all. Mabuti pa ang MARK-JEN or MARK-RYZA or MARK_KATRINA
Mukha siyang matanda sa BIGOTE niya bakit kasi ayaw pa tanggalin
CONGRATS MARK, HEART, RYZA, KATRINA at buong cast ng LSPM
HINDI DENIAL KING!
Mark linisin mo nlng ang FACE mo sa makapal mong BIGOTE at balik na ang dati mong BABYFACE LOOKS and WAG KA MA-OBSESSED sa PAGPAPALAKI NG BODY kasi baka lumiit ang ULO mo sa katawan e like others jan....
Kaya umibig nalang si Mark sa isang..
eir2esz
July 21, 2010
14:23 PM da hu itetch????
------
hello! magbasa ka nga... nasa title ng article yung pangalan nya. OBOB...
george clooney kaw ba yan
ang ganda ng langit sa piling mo bagay sila ni heart
hope makaguest ka sa claudine.
HAHAHHAHAHAHA:D:D:D
Himala, first ba Ajejeje?