Sharon Cuneta on why Gabby Concepcion is not a guest on her upcoming concert: "'Wag na, made-develop na naman sa akin yun!"

Rommel R. Llanes
Thursday, July 22, 2010 @ 09:13PM  |  207 views

 

Sharon Cuneta says ex-hubby Gabby Concepcion is not a guest artist in her Megadrama concert at the Araneta Coliseum on August 7. However, she announced—in jest—that they will do a movie, as soon as she's slim enough for the movie screen. "Yung talagang payat na payat na ako, na parang ninenerbiyos siya araw-araw pag nakikita niya. Yun ang gusto kong maging feeling niya. Yung parang kitang-kita sa screen pag may eksena kami, 'Tingnan mo si Gabby, ba't nanginginig?' Gano'n."

Photo By: Noel B. Orsal













Come August 7, magbabalik sa concert scene ang Megastar na si Sharon Cuneta sa kanyang Araneta Coliseum concert dubbed Megadrama.

Sasamahan si Sharon sa concert niyang ito ng mga kaibigan niyang sina Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Ai-Ai delas Alas, Pokwang, at may special appearance din ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo.

Pero kahit na Megadrama ang title ng kanyang concert, hindi naman daw puro "kadramahan" ang mangyayari rito.

"Hindi lang ito basta concert na singing from beginning to end. Ito, singing na medyo yung  drama, e, masaya," paliwanag ng magiliw na si Sharon sa press conference niya kaninang hapon, July 22, sa 41st floor function room ng Discovery Suites sa Pasig City.

Panay ang biro nito sa mga inabutang showbiz press people nang dumating siya sa presscon. "In fairness, maaga ako ngayon, ha, 1:30 [p.m.]."

Alas-dose kasi ang call time ng presscon, at nasanay na ang mga kaibigan niya sa press sa pagdating ni Sharon nang late sa presscon. Napapatawad naman siya ng mga ito dahil sa pagiging malambing at magiliw nga sa mga ito.

THE "DRAMA" IN SHARON'S LIFE. Puro OPM (Original Pinoy Music) ang repertoire sa concert niya. Karamihan ng mga kanta ay galing sa last CD niya from Sony Music Philippines na Musika at Pag-ibig.

Hindi naman lingid sa lahat ang pagiging makulay at madrama ng personal na buhay ni Sharon na kadikit na ng kanyang showbiz career dahil nga sa pagiging sikat niyang showbiz personality. Mula sa kanyang mga magagandang sandali at kabiguan sa pag-ibig at pati na rin sa pagiging matagumpay niyang singer, aktres, asawa, at ina ay ilalahad sa Megadrama na lalapatan niya ng mga awiting OPM na kinalakhan at naging bahagi na ng kanyang buhay.

Unang naging tanong tuloy kay Sharon sa presscon niya ay kumusta na nga ba ang "drama" ngayon sa buhay ng Megastar?

"Napakasaya ko sa personal na buhay," sagot ni Sharon na taliwas naman sa tunay na kahulugan ng salitang drama.

Naglahad din siya ng mga balita tungkol naman sa kanyang showbiz career na pawang masaya rin at mabuti. "I had a meeting with my ABS-CBN bosses, and there will be some changes. Some major...and there will be some major additions to my career. Parang on every platform of ABS, I will be having a project. I'll announce that later on."

Ibinalita rin ni Sharon ang pagiging success ng kanyang sariling magazine na Sharon At Home na aniya'y siya mismo ang nag-e-edit.

"I really enjoy doing the magazine. I'm really hands-on. I edit it with my main editor. I like handwriting my reply to my letter writers. I'm very excited, and I even have the Christmas issue buo in my head right now, as we speak."

Mayroon din daw siyang ilo-launch na product line na pinangalan na niyang "Celebrations by Sharon for the Home" at marami pa raw iba pang sorpresa mula sa kanya sa mga darating na buwan at bago matapos ang taon.

"Billboards on August..." sabay turo ni Sharon sa poster ng kanyang concert. "September mag-uumpisa na yung mga surpresa. Tapos kailangan sa birthday ko, puwede na akong mag-bold star!" biro niya na ikinatawa ng mga naroroong press people.

1  2  3  Next »

Related Articles

194 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name