Naging malaking balita sa mga pahayagan, sa telebisyon, sa radyo, sa Internet, at sa iba't ibang social networking sites ang pagsailalim ng ni Charice sa botox procedure na isinagawa ng celebrity cosmetic surgeon na si Dra. Vicki Belo last Saturday, July 17. (CLICK HERE to read related story.)
Iba't ibang reaksiyon din ang nilikha ng desisyong ito ng international singing star. Merong mga nakakaintindi at nagpahayag ng patuloy na pagsuporta kay Charice. Pero meron ding mga bumatikos na nagsasabing napakabata pa ni Charice sa edad na 18 para sumailalim sa botox. (CLICK HERE to read related story.)
Pinag-usapan nga ito hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa U.S. at sa iba pang panig ng mundo. Lumabas pa nga sa isang U.S. magazine na hindi na raw kailangang gawin ito ni Charice dahil tanggap naman ng mga tao ang hitsura niya. Tinangkilik siya sa States dahil sa kanyang angking talento.
Dahil sa mga batikos ay nag-react na rin ang isang representative ni Charice. Sa isang artikulo na lumabas sa website ng Us magazine, "Rep: Charice Did Not Get Botox To Make Her Face Narrow", itinanggi ng rep ni Charice na nagpa-botox ang Pinay singer "to change her appearance."
Ayon sa rep ni Charice, ginawa ang procedure "to relieve a jaw problem similar to TMJ."
Sabi pa ng rep sa Us interview nito: "It did not hurt; it relieved the pain. You've seen her face—she doesn't have a wrinkle in it so she wouldn't need it for cosmetic purposes. The Glee people are thrilled with the way she looks which is why she got the part."
BELO CLEARS THE ISSUE. Sa naunang artikulong lumabas dito sa PEP, ipinaliwanag ni Dra. Belo na safe naman ang botox procedure dahil corrective measure lang ang ginawa niya kay Charice. Hindi nga raw ito maituturing na retoke dahil wala namang binawas o idinagdag sa mukha ni Charice. Ginamit daw ang botox para ma-relax ang muscles sa mukha ni Charice lalo na sa may jaw area at nang mabawasan ang pagbilog ng pisngi niya na dulot ng madalas daw nitong pagnguya ng chewing gum.
Ayon kay Dra. Belo, "I don't consider this as a makeover kasi from the beginning, I think people like the way she looks and even abroad tanggap na yung looks niya. Kasi for me, when you say makeover, nandun na yung noselift, deep-set the eyes, ganun. E, wala nga kaming in-enhance, inayos lang namin kasi yung muscles niya sa face na hindi naman ginalaw or even undergo surgery, ginawa lang namin compact yung muscles niya. Binabalik lang namin how she originally looked three years ago na hindi pa ganun kalaki yung face niya. There might not be a big difference for people to notice, but sa camera, it will make a big difference kasi yung camera nagpapa-widen siya."
Dahil nga sa mga negatibong komento at batikos kay Charice ay sinubukan ng PEP na humingi ng statement kay Dra. Belo. Ayon sa aming nakausap mula sa kampo ni Dra. Belo, ayaw na sana nilang palakihin pa ang isyung ito. Gayunpaman, isang text message pa rin ang ipinadala nila sa PEP bilang paglilinaw sa isyu.
Ayon sa text, "Because they thought the botox done on Charice is for anti-aging. It was a corrective, non-surgical procedure."
Dahil ang pagiging bata pa nang sumailalim sa botox ang numero unong tinutuligsa ng mga bumabatikos kay Charice, nilinaw ng kampo ni Dra. Belo na hindi raw anti-aging procedure ang ginawa sa singer. Hindi raw dapat maging isyu ang edad nito.
Sa may bandang panga lang ni Charice in-inject ang botox, tatlong injections sa bawat side, kung saan naroon ang muscles na dapat i-relax. Bukod dito, wala na raw ibang parte ng mukha ni Charice ang sumailalim sa botox.
"Totally safe and no side effects" din daw ang botox procedure na ginawa kay Charice kaya hindi raw ito nakaapekto sa pagkanta niya. Sa katunayan, ilang oras pagkagaling ni Charice sa Belo Clinic ay nakapag-perform pa ito sa kanyang concert na ginanap sa Eastwood, Libis. Nasundan pa ito ng iba pang special shows hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba pang bansa sa Asya na bahagi ng Asian tour ni Charice para sa promotion ng kanyang U.S. self-titled debut album kung saan kabilang ang hit song niyang "Pyramid."
BOTOX RESEARCH. Ayon sa www.botoxforum.com, mas nakilala o naging pamilyar ang mga tao sa aesthetics at anti-ageing benefits ng pag-i-inject ng botulinum toxin type A—o mas popular bilang Botox—sa pamamagitan ng pagtatanggal ng wrinkles, frown lines at iba pang linya sa mukha na senyales ng pagtanda. Pero bukod dito, ang botox ay puwede ring gamitin bilang treatment sa ilang health conditions gaya ng "migraines, hyperhidrosis o excessive sweating especially in the underarms, bladder problems and incontinence, and muscle spasms."
Base sa impormasyong nakuha namin sa www.wikipedia.org, ang kondisyon ni Charice ay maaaring i-classify bilang "Bruxism."






Why this was allowed to be publicized is the issue! Someone who has Charice's interest at heart should not have risked the negative publicity this would bring! Kung totoo ngang makakatulong kay Charice, eh di gawin ang procedure, secretly na lang sana!
BWEESET!
mag-public apology ka na lang para naman malinis mo ang pangalan at credibilidad mo bilang isang doctor kung doctor ka ba talaga???
matuto ka sana belo ng tinatawag na PRIVACY!!!!! wag maging ganid sa publicity!!!
Dra. Belo is trying to make Charice feel inferior of her looks. What kind of Doctor is she?
---------
a doctor who is first and foremost a BUSINESSWOMAN. It's about the money. Kaya dapat nang suriing mabuti ng medical association of the Philippines, itong mga pinag gagagawa ni Belo. Dinudungisan na niya, ang profession ng mga medical doctors. Ma suspend sana, o matanggal sana ang license to practice medicine, ni Belo sa Pilipinas. PANLOLOKO ang ginawa niya kay Phoemela Baranda at ngayon nga kay Charice, by saying, BOTOX WILL NARROW THE FACE.
KALOKOHAN!
so sya yung dra na nagpakuha ng laptop sa condo, tapos lumabas yung mga sex video na hindi naman daw nya kasalanan, tapos nagkagulo ang buong pilipinas, nawalan ng lisensya si hayden at si katrina iyak ng iyak. tapos binalikan din niya yung boyfriend niya. tapos sha yung dra na nagsabi na kailangan daw ayusin ang muscles ni charice sa mukha, tapos binotox niya, tapos pinavideo nya, tapos nagulo ang career ni charice at WORLDWIDE BACKLASH effect sabi nga ng pep.
----------
You got it, Jane. The same doktora. MISMO. Walang iba. Hindi pa ba nahahalata ang pattern?
PARA KO NG NAKIKITA... Pagtumaas lalo ang ratings ng GLEE..
----------
let us not kid ourselves, GLEE has huge following, whether Charice is there or not. Charice is not RYAN MURPHY, the creator of GLEE. Charice needs GLEE, more than GLEE needs Charice. I would say, thanks to Charice's backers, like Oprah, she got a guest recurring role there. In Hollywood, talent alone, will not do. There are so many talented people knocking at Hollywood's door.
sa mga nagmamagaling..... magsitigil kayo.... wag kayong magmarunong..... Di naman kayo inaapi si Charice sa botox procedure nya bakit kayo galit na galit? ano ba pakialam nyo... Pls mind ur own business... Back Off!
----------------
Is Charice not COURTING the public, to patronize her music, and ito na nga, her upcoming recurring guest spot in GLEE? If Charice is an ordinary 18 year old, who maybe working behind the counter of McDonald's or Starbucks, no one would pay attention to what she is doing. FACT is, she is in the public eye, and she even chose to publicize her BOTOX-to-narrow-the-face procedure. So she puts herself, smack in the middle of scrutiny. Getz mo? Kaya ikaw, aleyah, ang TUMIGIL! May karapatan ang mga tao, hindi lang sa Pinas, but worldwide, to say their piece on this. Kung ayaw mong pag-usapan, di huwag gawing public ang procedure.
46 bettybloop July 23, 22:02 PM
.. Charice, nasilaw sa milyones na binayad ni Belo as endorserment fee. She was given the half a million down payment on the day of the botox
-----------
Kung tutoo iyan, kaya naman pala, hindi masisi-sisi ni Charice at nang manager niya, si Belo. BAYAD NAMAN NA PALA SILA! NABILI na sila.