Naging topic din sa nakaraang press conference ni Sharon Cuneta para sa concert niyang Megadrama, na gaganapin sa Araneta Coliseum sa August 7, ang isyung kinasangkutan kamakailan ng anak niyang si KC Concepcion. Hiningan siya ng reaksiyon ng mga press people na naroon sa 41st floor ng Discovery Suites kahapon, July 22, tungkol dito.
Tila hindi naman sigurado si Sharon kung anong isyu nga ang ibig ng press na bigyan niya ng reaksiyon, "Please tell me, specifically, kung ano yung mga intriga kasi hindi niya dini-detail sa akin."
Binanggit ng press ang kamakailan lang ay lumitaw na pahayag diumano ng 13-taong-gulang na anak ni Piolo Pascual sa Twitter account nito. Ipinahayag daw nito ang di pagpabor kay KC para kay Piolo.
"May sinabi na ba si Piolo about it?" unang reaksiyon muna ni Sharon tungkol sa isyu. "I think dapat si Piolo muna ang magsabi. Pero bilang ina and defending my daughter, kasi kung medyo may ano [mali] ang anak ko, hindi ko siya ide-defend, e. Pero ito, I think, the child is how old...?"
Nag-react muna ang ilang miyembro ng press hinggil sa pagkakaroon nga ng anak ni Piolo. Hindi naman lingid sa lahat na pinagdududahan pa rin ng ilan ang pagkalalaki ng aktor at kung totoong may anak nga ito. Light ang mood at puno kasi ng biruan ang presscon ni Sharon, kaya't kung anu-anong pambubuska ang binanggit ng ilang miyembro ng press, partikular na ang isang beteranong showbiz reporter na pinagdududahan talaga ang kasarian ni Piolo.
"Thirteen?" pagkumpirma ni Sharon sa isang nagbigay ng info tungkol sa edad ng anak ni Piolo. "For a thirteen-year-old, I think ang bata, hindi mo masisisi..."
Sabi pa ni Sharon, sa mga batang hiwalay ang magulang, talagang maaasahan ang pag-ayaw nito sa kung sinumang gustong pumasok sa eksena ng naghiwalay na magulang. Ibinigay nga niyang halimbawa ang anak na si KC.
"KC was really praying na magkabalikan kami... Of course, we were married and we were a love team," na mas lalo raw nakadagdag sa kagustuhan ni KC na magkabalikan sana ang kanyang mga magulang.
Patuloy ni Sharon, "Ang alam ko, matagal nang hiwalay si Piolo at yung mother ng bata. I think yung bata, hindi totally mabe-blame [for not wanting KC for Piolo]. Pero ayoko nang mag-comment tungkol sa kanila, dahil hindi ko alam ang pagpapalaki, e. Sasabihin ko na lang yung palaki ko sa anak ko."
SHARON SLIPS. Ikinuwento nga ni Sharon ang isang pagkakataon na inimbitahan si KC ng pinakasalan din noon ni Gabby na si Jenny Syquia.
"Dahil wala namang ginawa kunyari si Jenny sa akin, 'no... Hindi naman siya yung nakihalo nung kasal pa kami ni Gabby noon, ibang tao yun. At hindi lang sila nag-on nung hiwalay na kami...during!" sabi niya.
Napatawa ang press sa bagong rebelasyon ni Sharon tungkol sa paghihiwalay nila ni Gabby.
"Ngayon ko lang sinabi, ano ba? Wala nang relevance!" follow-up na pahayag ni Sharon sa pagkakadulas niya na lalo pang ikinatawa ng press.
Patuloy ni Sharon tungkol sa kung paano niya pinalaki si KC at ipinaliwanag dito ang sitwasyon nila ni Gabby, "When I was with KC, kaming dalawa lang, I specifically told her—dahil pupunta siya for the first time sa bahay ng Papa niya nung kasal ang Papa niya kay Jenny—sabi ko, 'When you get there, I want you to be respectful because she didn't do anything wrong to us. Because she came in after Papa and I separated. She appears to be a decent woman, she appears to be nice. So no matter what, you be respectful because she's now your Papa's wife and that's also her house. You have to respect that.'
"And I was so proud, I wasn't expecting it, Jenny wrote her a letter after that day, saying she was so happy to have met KC and to have seen that she was raised wonderfully. That she has no bitterness. Kaya nga ang anak ko... full-fledged na adult na, walang bitterness sa puso. In spite of all the intriga, ha, between me and her Papa.






KC - um-OOA ka sa the buzz, may paiyak iyak ka pa. it's disappointing to see you stoop this low para lang mapagusapan. maawa ka sa bata.
piolo:bakla ka ba talaga?
kahit noon pa di kayang manindigan, buti nalang si judai nakatagpo ng totoong lalakikahit kulang sa height ok lang
Narinig lang: A dentist here in Southern California heard from a 'supposed' former gay lover of PP the 'child issue' was not really true.
Nagtatanong lang talaga: Is PP really the biological father of the said boy?
This is a real curious question. Nagtatanong lang po talaga.
eh kun palengkera yung nanay nung bata, what can you expect?
Narinig lang: A dentist here in Southern California heard from a 'supposed' former gay lover of PP the 'child issue' was not really true.
Nagtatanong lang talaga: Is PP really the biological father of the said boy?
This is a real curioius question. Nagtatanong lang po talaga.