"Alam naman natin na maraming ex si Mark na showbiz.  Ang akin naman, alam ko naman lahat ng past ni Mark. Importante yun. Pero sa akin kasi, past na yun. Ang importante sa akin yung future and present," says Ynna Asistio.

Photo: Noel Orsal

Walang problema kay Ynna Asistio kung sa isang event, tulad noong nakaraang binyag ng anak nina Paolo Contis at Lian Paz na si Xonia Aitana, ay makasama niya ang mga "ex" ng kanyang boyfriend na si Mark Herras. Noong Linggo, July 18, nangyari ang okasyon sa Outback restaurant sa Quezon City.

Naikuwento ng anak ni Nadia Montenegro sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kung paano siya naging malapit sa ex-girlfriend ni Mark na si Lian.

"Actually po kasi, noong time nina Mark at Lian, magkabarkada na kami ni Mark sa Anghelita. 'Tapos no'n, La Vendetta, 'tapos, nagtuloy-tuloy na yung barkadahan namin.

"Dahil kay Mark, nakilala ko si Lian. 'Tapos po, si Kuya Pao [Paolo Contis], sa sobrang close namin noong time na hindi pa alam ng tao na sila na, palaging nakukuwento sa akin si Kuya Pao. Hindi kasi kami nagpapansinan ni Lian dati dahil nagseselos siya," ang sabi niya nang natatawa.

Nagsimula silang magpansinan ni Lian noong magkita sila sa Startalk.

"First interview niya. Nagyakapan lang kami. Parang sabi niya, 'Kumusta ka na?' Ganoon lang... walang kailangan na, 'Uy, sorry, ha.' Kasi siguro, yung pagmamahal na rin namin kay Kuya Pao... Siyempre, kung sino ang mahal ni Kuya Pao, mahal na rin namin," aniya.

GETTING ALONG WITH THE EXES. Mas nauna raw niyang naging barkada sina Pao at Lian bago si Mark.

"Noong time nga po na buntis na si Ate Lian, doon kami nagkasama ulit. Kami nila Kuya Pao, nila Mama, pero, hindi pa namin nakakasama si Mark."

Minsan, hindi raw maiwasang intrigahin sila ni Lian, pero "wala" raw anumang awkward feelings na sa pagitan nila ng former EB Babe.

"Lumalabas kaming dalawa together na nagsisine. Ayaw niyang isama si Kuya Pao. Alam mo yun..."

Ganoon din daw kapag kasama nila ang kanilang mga boyfriends.

"Nakakatawa pa nga kasi, yung first time nila nagkita, yung wake ng daddy ni Kuya Pao. Hindi nila alam kung magbabatian sila. Tawa sila nang tawa. Nag-apir sila Lian at Mark. 'Tapos, yung susunod naman, sa bahay namin. Alam mo yun, wala na, e. Kumbaga, tapos nang lahat yun and wala namang dapat pag-usapan. Masaya na silang pareho."

Sa lahat daw ng ex-girlfriends ni Mark, si Lian ang pinaka-close sa kanya. Dagdag ni Ynna, "Si Ate Jen [Jennylyn Mercado], naging close ko rin, pero kasi, hindi na kami nagkasama."

Kay Marian Rivera, na na-link din dati kay Mark?