Nakapanayam ng Startalk si Dra. Vicki Belo sa binyag ng anak nina Paolo Contis at Lian Paz na si Xonia Aitana noong July 18. Hindi siya nakaabot sa seremonya sa simbahan kung kaya't sa reception na ito dumating.
Kuwento ni Dra. Belo nang sabihan daw siya ni Paolo na magnininang siya, "Sabi ko, Pao, baka ako ang oldest ninang for a baby. Kasi, palagi na akong nagwe-wedding ninang. Hindi na ako nagbe-baby ninang. But I said yes. Siguro they'll get married in three years, kapag puwede nang flower girl si Xonia."
Umamin naman si Dra. Belo na gusto na rin daw niyang magkaroon ng apo.
"Si Quark [Henares, her eldest son na isang director], yung girlfriend niya five years, nag-break. Tapos si Cristalle [Henares], eight years, nag-break. E, I was already counting on married, di ba?"
STILL IN LOVE WITH HAYDEN. Mag-isa lang na dumating si Dra. Belo sa binyag. Hindi nito kasama ang rumored boyfriend pa rin na si Hayden Kho Jr.
"The reason I'm involving his life I think it was not healthy. Although ako, ang gusto ko, palaging yung guy na kasama ko, involved sa business life ko. It's part of the alaga of me.
"Mahal ko yung tao talaga, as in mahal. Kahit mag-asawa pa yun ng iba or may ibang girlfriend, palagi kong sinasabi, 'Just tell me, okay lang sa akin. Honestly, that's all I ask, 'wag mo namang itago, there's no reason.'"
Pero, kakayanin ba niya kung magkaroon nga ng ibang girlfriend ito?
"Masakit pero... I miss him. Pero, ganoon talaga ang buhay."
Bukas, July 26, itutuloy ng Pasig City Regional Trial Court ang kasong isinampa ni Katrina Halili laban kay Hayden. Sinamahan ni Dra. Belo si Hayden sa unang hearing. Sasamahan niya ba ito uli bukas?
"Hindi na 'ko pupunta dahil sabi nga niya, iniisip niya, kapag nag-testify siya, he wants to say nothing but the truth. And he doesn't want to worry kung nakaupo ako ro'n, baka masaktan ako or something. So, nakiusap na siya."
BEAUTY ISSUE. Nilinaw rin ni Dra. Belo ang naging international issue na beauty enhancement na ginawa niya kay Charice Pempengco para sa napipintong paglabas nito sa hit U.S. TV series na Glee. Marami ang nag-react sa paggamit niya ng botox sa mukha ni Charice dahil napakabata pa raw ng international singer para kailanganin ito.
Paliwanag naman ni Dra. Belo, "Kaya ko lang ginawa yun, kasi, gusto ko lang lumiit nang konti ang mukha niya, binotox lang namin nang konti dito. Kasi, masyado siyang nagtsu-chew ng bubble gum."
Napag-alaman naman daw ng Startalk sa isang source na may bruxism si Charice. Ayon sa Wikipedia, "bruxism is a sleep disorder characterized by the grinding of the teeth and is typically accompanied by the clenching of the jaw."
Ang depensa ni Dra. Belo, hindi naman daw surgical procedure ang ginawa niyang beauty enhancement kay Charice.






dapat si charice maglalayo sa babaeng ito. walang madudulot na mabuti ito sa career nya.
eto namang cougar quack na 'to, patuloy pa rin sa mga inconsistent statements nya. vicky, if you think charice is perfect the way she is, eh bakit mo pa ni-botox?! who the heck do you think you are to mess with something or someone you think is already 'perfect'??? are you god? pwede ba, tumigil ka na sa mga kasinungalingan mo, wala namang naniniwala.
AT WALANG REMORSE ika mo. Palagay mo, may sira sa ulo itong si Vicky. Nasobrahan yata ng saksak ng BOTOX sa sarili.
============
LOL .. I nearly fell off my chair after reading this comment. Talaga nga atang nasobrahan.
Actually hindi lang wrinkles ang na-paralyze kay Vicki Belo pati ata utak niya na paralyze na as she can no longer decipher right from wrong. Pati ata balat niya kumapal na ng husto because of the amount of botox that she has administered on herself.
All these things people are saying of what she said during interviews, these are not the actions of a decent woman in a the medical profession. Since last year pa, she should have consulted a specialist for her condition.
kalimutan na naten to, excited na po fans ni Charice sa GLEE! lets all pray for her success, kababayan!
grabe din kapal ng mukha nitong si belo...after all the interntional ridicule, nagagawa pang magsalita or lumabas in public...
------------------
AT WALANG REMORSE ika mo. Palagay mo, may sira sa ulo itong si Vicky. Nasobrahan yata ng saksak ng BOTOX sa sarili. Out of touch sa reality e.
Vicky Belo : I think she's perfect the way she is
-----------------
Aminin na kasi Vicky, GUSTO MO LANG NG PUBLICITY. Perfect na ika mo, the way she is, di pa kasi aminin na, gusto mo lang makisakay sa kasikatan ni Charice. O ayan,nakuha mo na rin ang INTERNATIONAL EXPOSURE, iyong nga lang pinagmukha mong T-A NGA di lang ang sarili mo, di lang ang medical profession sa Pinas, kungdi ang mga Pinoy. Bayan na tayo ngayon ng mga GULLIBLE.
the mistake here is VICKY BELO to ride on to Charice's popularity. the damage has been done, lets celebrate Charice's talent nalang po, lets show her our full support. she's already eighteen, alam nyo naman pag teenager di ba. what is BOTOX ba, kung tutuusin, its almost nothing compared to what she has shown to the world, made Filipinos proud di ba..
another thing, di naman kelangan ni Charice mag super RETOKE, kase boses pa lang, ang mga gwapong KOREANO inlab kaagad, dyos ko dai nakakainggit. check nyo youtube video ni Charice in Star King Korea July 2010, naku po ang gagwapo ng mga Koreanong bilib na bilib kay Charice, haaaaay!
p.s. ganda ng performance ni Charice, PINOY PRIDE!