Personal na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kaninang hapon, July 25, si Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson, ang ama ni House Representative Ronald Singson na kinasuhan ng drug trafficking sa Hong Kong at kasalukuyang nakakulong sa Lai Chi Kok Rehabilitation Center, isang maximum security prison sa Valley Road, Kowloon. (CLICK HERE to read related story.)
Ipinahayag ni Gov. Singson na hindi pa sila nagkakausap ni Ronald mula nang hulihin ito ng Hong Kong Police sa Chek Lap Kok International Airport noong July 11, 2010.
"Actually, wala akong nalalaman dahil hindi ko pa nakakausap [si Ronald]. Hindi ko pa nakikita, hindi pa nadadalaw. Pero balita ko, okey naman [siya]. Yung mga kaibigan niya sa Hong Kong ang nagsasabi na okey naman siya. Medyo talagang matagal lang ang proseso doon dahil sa kaso niya," sabi niya.
Ano ang naging reaksiyon ni Gov. Singson sa pagkakadakip ni Ronald?
"Nalungkot at hindi ko alam ang gagawin ko dahil nga wala akong tinutulungan na ganyan na gumagamit sa mga gamot. Hindi ko talaga alam kaya medyo nagtago ako noon," saad niya.
NO PLAN TO VISIT. Sa ngayon daw ay wala pang plano si Gov. Singson na bisitahin si Ronald sa kulungan.
Paliwanag niya, "Nahihiya akong pumunta doon dahil istrikto ako diyan. Lahat ng nakikiusap, wala akong tinatanguan basta drugs, lalo na kung pusher. Pati mga biktima, hindi ko tinutulungan.
"I mean, di ako na-involve diyan dahil I'm very strict sa drugs. Pamilya namin, empleyado namin, ipinapa-drug test ko from time to time. Mga transportation [employees] ko, nagpapa-drug test kami. So, talagang isinasama ko mga anak ko.
"Kaming lahat doon sa probinsiya [Ilocos Sur], we're very strict on that. It's very unfortunate na nangyari sa kanya 'yan. So, hindi ko rin alam kung paano ie-explain 'yan. Pero kaya nga, that's the reason up to now, hindi ko pa siya nakakausap."
TAKING THE BLAME. May balitang si Ronald daw ang umako sa kasalanan pati na ng mga kasamahan niyang nagpunta sa Hong Kong. Ano ang reaksiyon dito ni Gov. Singson?
"'Yon ang huling balita ko kanina kaya nahirapan siya na lumabas dahil inako niya lahat para pakawalan lahat ng mga kasama niya na papunta sa Hong Kong," sagot ng ama ni Ronald. "Pero sabi nga ng aking mga kaibigan doon, maganda naman daw dahil yung nahuli na 26 grams [na cocaine], isinama sa pagtimbang pati yung bote. Hindi ko alam kung anong bote, pero yung abogado niya, ipatatanggal sa bote [ang laman] sa hearing, gagaan talaga."
Ayon pa sa gobernador, sa pagkakaalam niya ay hindi si Ronald ang talagang nagmamay-ari ng nahuling cocaine.
"Basta ang balita ko, marami silang pumunta at nang inimbestigahan sila, inamin na lang niya na para makawala yung mga kasama niya. Yun pa ang nakabigat na isa. Mas maganda sana na walang kaso kung hindi niya inamin."
Sa palagay ni Gov. Singson ay malaki ang tsansa na makakabalik sa Pilipinas ang kanyang anak.
"Ah yes, yes," sambit niya. "Malaki naman... Umaasa kami na makakabalik siya."






Tama ka dian.
Question: Bakit sa NAIA pa lang, hindi nila alam na may dalang drugs etong si Ronald..Dapat isa yang NAIA ang ayusin ni Noynoy..Dami mga buwaya at magnanakaw dian!!
I agree with you..ang mga tao kasi daling makalimot!
--------------
Tignan mo ito, makakalimutan na rin ang balitang ito. Before we know in, dumating na ang August 19, at baka wala pang mag cover noon for Philippine news, at magugulat na lang tayong nakabalik na si Ronald V. Singson, dahil may escape goat, na umamin ng kasalanan ni Ronald in exchange for a fee.
I agree with you..ang mga tao kasi daling makalimot! muntik pang nanalo etong si Erap. Naman..hindi ba nag iisip o dahil sa sobrang gutom e, natunaw na ang utak sa mga ulo at hndi na makapag isip?
...besides let this fcker rot in the HK jail ssso he'll feel how OFW's who commits offense overseas feels! Oops!