Personal na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kaninang hapon, July 25, si Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson, ang ama ni House Representative Ronald Singson na kinasuhan ng drug trafficking sa Hong Kong at kasalukuyang nakakulong sa Lai Chi Kok Rehabilitation Center, isang maximum security prison sa Valley Road, Kowloon. (CLICK HERE to read related story.)
Ipinahayag ni Gov. Singson na hindi pa sila nagkakausap ni Ronald mula nang hulihin ito ng Hong Kong Police sa Chek Lap Kok International Airport noong July 11, 2010.
"Actually, wala akong nalalaman dahil hindi ko pa nakakausap [si Ronald]. Hindi ko pa nakikita, hindi pa nadadalaw. Pero balita ko, okey naman [siya]. Yung mga kaibigan niya sa Hong Kong ang nagsasabi na okey naman siya. Medyo talagang matagal lang ang proseso doon dahil sa kaso niya," sabi niya.
Ano ang naging reaksiyon ni Gov. Singson sa pagkakadakip ni Ronald?
"Nalungkot at hindi ko alam ang gagawin ko dahil nga wala akong tinutulungan na ganyan na gumagamit sa mga gamot. Hindi ko talaga alam kaya medyo nagtago ako noon," saad niya.
NO PLAN TO VISIT. Sa ngayon daw ay wala pang plano si Gov. Singson na bisitahin si Ronald sa kulungan.
Paliwanag niya, "Nahihiya akong pumunta doon dahil istrikto ako diyan. Lahat ng nakikiusap, wala akong tinatanguan basta drugs, lalo na kung pusher. Pati mga biktima, hindi ko tinutulungan.
"I mean, di ako na-involve diyan dahil I'm very strict sa drugs. Pamilya namin, empleyado namin, ipinapa-drug test ko from time to time. Mga transportation [employees] ko, nagpapa-drug test kami. So, talagang isinasama ko mga anak ko.
"Kaming lahat doon sa probinsiya [Ilocos Sur], we're very strict on that. It's very unfortunate na nangyari sa kanya 'yan. So, hindi ko rin alam kung paano ie-explain 'yan. Pero kaya nga, that's the reason up to now, hindi ko pa siya nakakausap."
TAKING THE BLAME. May balitang si Ronald daw ang umako sa kasalanan pati na ng mga kasamahan niyang nagpunta sa Hong Kong. Ano ang reaksiyon dito ni Gov. Singson?
"'Yon ang huling balita ko kanina kaya nahirapan siya na lumabas dahil inako niya lahat para pakawalan lahat ng mga kasama niya na papunta sa Hong Kong," sagot ng ama ni Ronald. "Pero sabi nga ng aking mga kaibigan doon, maganda naman daw dahil yung nahuli na 26 grams [na cocaine], isinama sa pagtimbang pati yung bote. Hindi ko alam kung anong bote, pero yung abogado niya, ipatatanggal sa bote [ang laman] sa hearing, gagaan talaga."
Ayon pa sa gobernador, sa pagkakaalam niya ay hindi si Ronald ang talagang nagmamay-ari ng nahuling cocaine.
"Basta ang balita ko, marami silang pumunta at nang inimbestigahan sila, inamin na lang niya na para makawala yung mga kasama niya. Yun pa ang nakabigat na isa. Mas maganda sana na walang kaso kung hindi niya inamin."
Sa palagay ni Gov. Singson ay malaki ang tsansa na makakabalik sa Pilipinas ang kanyang anak.
"Ah yes, yes," sambit niya. "Malaki naman... Umaasa kami na makakabalik siya."






A bill of this sort would give the due respect the Senate and the lower house deserves.
Kahit papaano mababawasan ang mga criminal sa government. The opportunity to serve the government in an elective position should be taken away from these criminals.
sana magpakamatay din ang mga singson dahil sa naidulot na kahihiyan sa sarili nila pati na sa buong Pilipino.
sana magpakamatay din ang mga singson dahil sa naidulot na kahihiyan sa sarili nila pati na sa buong Pilipino.
napakamartir naman ng anak mo para akuin ang kasalanan ng lahat ng kasamahan nya which is contradicting to what we see in teleseries and movies na mas aakuin pa at pagbibintangan ang katulong o kasambahay sa kasalanang hindi naman nya ginawa kungdi amo nya mismo ang may gawa!Ver very lame excuses!!
Lahat naman ay nagkakamali.
Tama si Chavit, sana mapagdusahan ng anak nya ang kasalanan ginawa nya.