Gov. Chavit Singson on son Ronald: "I hope na nagdusa na siya nang husto at hindi na mauulit ito."

Jojo Gabinete
Sunday, July 25, 2010 @ 02:40PM  |  79542 views

 

"Yun nga, e, nahiya kami sa pangyayari kaya humihingi uli ako ng paumanhin sa lahat, lalong-lalo na sa aming mga kababayan. I'm sure na pagdating ni Ronald dito, e, marami siyang ie-explain sa aming mga kababayan," says Gov. Chavit Singson (main photo) about the drug trafficking charge on his son Ronald (inset).

Photo By: Mark Pimentel













Dahil sa nangyari sa kanyang anak ay himingi ng paumanhin si Gov. Singson sa mga tao, lalo na ang constituents nila sa Ilocos Sur.

"Yun nga, e, nahiya kami sa pangyayari kaya humihingi uli ako ng paumanhin sa lahat, lalong-lalo na sa aming mga kababayan. I'm sure na pagdating ni Ronald dito, e, marami siyang ie-explain sa aming mga kababayan. I hope na nagdusa na siya nang husto at hindi na mauulit ito," mariin niyang sabi.

LOVI POE. Sa mga unang interview ni Gov. Singson ay sinabi niya na "brokenhearted" ang kanyang anak dahil nakipag-break dito ang girlfriend na si Lovi Poe. Isa raw ito sa mga dahilan kung bakit nagpunta ng Hong Kong si Ronald.

"Hindi lang sila nagkaintindihan ni Lovi Poe. Hindi niya makontak, tapos nayaya ng mga kabarkada niya na nagpunta sa Hong Kong, 'yon ang nangyari," sabi ni Gov. Singson.

Sa parte naman ni Lovi ay hindi niya kailanman inamin sa publiko ang tunay na relasyon nila ni Ronald, bagamat madalas silang makitang magkasama sa events. Madalas sabihin noon ng young actress-singer na matalik lamang silang magkaibigan ni Ronald.

Tungkol naman sa pagkakakulong ni Ronald sa Hong Kong, pinili ni Lovi na huwag munang magbigay ng anumang pahayag.

GMA WILL NOT VISIT RONALD. Itinanggi naman ni Gov. Singson ang usap-usapang dadalawin ni dating Pangulo at ngayo'y Pampanga Congressman Gloria Macapagal Arroyo si Ronald sa kulungan.

"Kino-connect nga doon, malayong-malayo doon. Walang koneksiyon 'yon," diin ni Gov. Singson. "Wala akong kinontak sa gobyerno natin. Wala akong napagsasabihan diyan. Walang nakakaalam until nag-check sila sa Hong Kong. Taga-Hong Kong din lahat ang abogado [ni Ronald] dahil hindi ako nakialam."

Nakatakda kasing magpunta si Cong. Arroyo sa Hong Kong bukas, July 26, kasama ang asawang si Mike Arroyo para sa pagpapa-check-up diumano ng huli sa aortic aneurysm nito. Ito ang dahilan kaya hindi makakadalo ang dating Pangulo sa State of the Nation Address (SONA) ni bagong Pangulong Noynoy Aquino sa Batasang Pambansa.

« Prev  1  2  

Related Articles

183 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name