Matagal na walang narinig mula sa broadcaster na si Korina Sanchez hinggil sa pagkatalo ng kanyang mister na si former Senator Mar Roxas sa pagtakbo nito para sa vice presidency noong nakaraang May 10 elections.
Sa panayam ng The Buzz kay Korina ay inamin nito na nalungkot sila sa pagkatalo ng kanyang asawa.
"Siyempre, ang plastic naman kung sasabihin kong nagdiwang pa kami. Siyempre, para ka rin namatayan. Pero, bata pa kasi si Mar, e. Ako, positive thinking ako palagi talaga. And may boto siya. Para sa akin, ang importante, mabilang ang tatlong milyong boto."
Pumangalawa lamang si Roxas sa dating mayor ng Makati City na si Jejomar Binay, bagamat naghain na ng protesta sa korte ang dating senador sa naging resulta ng vice-presidential race.
Sa kabila ng lahat, nanatili lang daw na nandoon ang suporta ni Korina sa 53 anyos na asawa.
Natatawa naman ito sa tanong kung nilalambing niya si Mar kapag nalulungkot ito.
"Oo, medyo hinimas-himas ko yung batok niya," sabi naman ni Korina. "And, yun naman talaga ang trabaho ng asawa. Kailangan nandiyan ka, sumusuporta kapag malungkot siya. At kung medyo napapasabak sa laban, kailangan nandoon ka rin sa tabi niya."
STARTING A FAMILY. Sa kabila ng pagkatalo ni Mar, hindi naman daw nawawala ang plano nilang magkaroon ng isang masayang pamilya. May plano na rin daw sila for their honeymoon.
"Nakaplano na rin 'yan," sabi ni Korina. "Sooner than later, talagang kailangan magplano na rin kami ng pamilya. Sabi ng gynecologist ko, 'Bilisan mo na.'"
Dugtong pa niya, "May vitamins na ako, parang may preparatory na ako. Meron na kaming initial na check-up with him. Meron namang ako lang. Alam mo naman ako, napaka-independent ko."
Posible pa bang mabuntis siya? Sa ngayon kasi ay 45 years old na ang veteran broadcaster.
"Oo naman. Because I took good care of myself. So, posible talaga siya," sabi ni Korina.
Ano ang gusto nilang maging anak: girl, boy, o kambal?
"Kung puwede quintuplet, para isahan na lang? Puwede ba yun?" natatawang sabi ni Korina. "Sabi niya [Mar], kahit isa lang, basta lang makabuo lang ng isa, di ba? At saka normal, saka matalino."
Dugtong pa niya, " Sana kamukha ko!"






Napansin ko tuloy, ang kapal ng make-up niya. Iniisp ko noon, siguro pag sinampal siya, magliliparan iyong dust na nasa mukha niya. Dust - palitada sa mukha?
===========
I missed this awhile ago and I nearly died laughing when I saw it. As usual, a very factual and entertaining post from you!
As they used to say – her make up had a life of its own – as in sa sobrang kapal at tigas – it could walk by itself - LOL.
Focus nalang kayo on ur family and having a baby.
brad_peet
July 27, 2010
00:02 AM
Baka na-BOTOX pati bunganga nya kaya di maka-smile. LOL!!!
Pag nabuntis pa si Kortina sa sarili nyang sinapupunan MILAGRO NA YUN! LOL!!!
Echos lang nya lahat ng pinagsasabi nya. MAY ANAK NA SYA matagal na at malaki na yung anak nyang pilit nyang tinatago. Yun nga lang hindi na nya mabibigyan yun ng kapatid. KARMA NA DIN NYA.
may incidence dati sa Shangrila-shaw Rustan namili ito ng mga panyo...inutusan nya ang saleslady na tawagin ang Manager..after nag good afternoon ang ang saleslady sa kanya,sabi ba naman quot; I dont wanna talk to you,call your manager i want her to assist me not you quot;ang taray dba?
kung sa bisaya pa..GABA nimo Koring
mga feeling kasi tong dalawang ito. Si Mar may pa backout pang nalalaman to give way to Noynoy. Over confidence na kasi. Si Korina naman todo publicity ang pinanggagawa. Siya ang director ni Mar.
And labas... pareho silang TALUNAN!!
Both wannabes.
Lol!
She behaved as if her money DOES NOT HAVE the same color as my money and worse, that my time is not as valuable as her time.
Mismo - my 3 encounters with this woman made the owner/s of the establishments apologize to me for her rudeness. She behaved as if her money has the same color as my money and worse, that my time is not as valuable as her time.
I dont know where or how she got that idea that people will put up with her behavior and worse, that people wont remember how rude she is. Natiruningan pa namang taga St Theresa's dati - a private Catholic school - pero very very rude and heartless when dealing with people. I would understand if she was reporting or working - pero the simple task of shopping or fitting - come on!