Full transcript of President Noynoy Aquino's first State of the Nation Address


 
"Akin pong paniwala na Diyos at taumbayan ang nagdala sa ating kinalalagyan ngayon. Habang nakatutok tayo sa kapakanan ng ating kapwa, bendisyon at patnubay ay tiyak na maaasahan natin sa Poong Maykapal. At kapag nanalig tayo na ang kasangga natin ay ang Diyos, mayroon ba tayong hindi kakayanin?" says President Noynoy Aquino in his first State of the Nation Address.

Full transcript of President Noynoy Aquino's first State of the Nation Address

Rating

"Kapayapaan at katahimikan po ang pundasyon ng kaunlaran. Habang nagpapatuloy ang barilan, patuloy din ang pagkakagapos natin sa kahirapan.

 

"Dapat din po nating mabatid: ito ay panahon ng sakripisyo. At ang sakripisyong ito ay magiging puhunan para sa ating kinabukasan. Kaakibat ng ating mga karapatan at kalayaan ay ang tungkulin natin sa kapwa at sa bayan.

 

ROLE OF MEDIA. "Inaasahan ko po ang ating mga kaibigan sa media, lalo na sa radyo at sa print, sa mga nagbablock-time, at sa community newspapers, kayo na po mismo ang magbantay sa inyong hanay.

 

"Mabigyang-buhay sana ang mga batayang prinsipyo ng inyong bokasyon: ang magbigay-linaw sa mahahalagang isyu; ang maging patas at makatotohanan, at ang itaas ang antas ng pampublikong diskurso.

 

"Tungkulin po ng bawat Pilipino na tutukan ang mga pinunong tayo rin naman ang nagluklok sa puwesto. Humakbang mula sa pakikialam tungo sa pakikilahok. Dahil ang nakikialam, walang-hanggan ang reklamo. Ang nakikilahok, nakikibahagi sa solusyon.

 

MAGANDANG HINAHARAP. "Napakatagal na pong namamayani ang pananaw na ang susi sa asenso ay ang intindihin ang sarili kaysa intindihin ang kapwa. Malinaw po sa akin: paano tayo aasenso habang nilalamangan ang kapwa?

 

"Ang hindi nabigyan ng pagkakataong mag-aral, paanong makakakuha ng trabaho? Kung walang trabaho, paanong magiging konsumer? Paanong mag-iimpok sa bangko?

 

"Ngunit kung babaliktarin natin ang pananaw—kung iisipin nating 'Dadagdagan ko ang kakayahan ng aking kapwa'—magbubunga po ito, at ang lahat ay magkakaroon ng pagkakataon.

 

"Maganda na po ang nasimulan natin. At mas lalong maganda po ang mararating natin. Ngunit huwag nating kalimutan na mayroong mga nagnanasang hindi tayo magtagumpay. Dahil kapag hindi tayo nagtagumpay, makakabalik na naman sila sa kapangyarihan, at sa pagsasamantala sa taumbayan.

 

"Akin pong paniwala na Diyos at taumbayan ang nagdala sa ating kinalalagyan ngayon. Habang nakatutok tayo sa kapakanan ng ating kapwa, bendisyon at patnubay ay tiyak na maaasahan natin sa Poong Maykapal. At kapag nanalig tayo na ang kasangga natin ay ang Diyos, mayroon ba tayong hindi kakayanin?

 

"Ang mandato nating nakuha sa huling eleksyon ay patunay na umaasa pa rin ang Pilipino sa pagbabago. Iba na talaga ang situwasyon. Puwede na muling mangarap. Tayo nang tumungo sa katuparan ng ating mga pinangarap.

 

"Maraming salamat po."

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  3  4  5  6  7  

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
239 Comments
page    1    2    3    4    5   
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement