news

Full transcript of President Noynoy Aquino's first State of the Nation Address
posted on July 26, 2010  STATS: 5321 Views | 239 Comments

 

"Akin pong paniwala na Diyos at taumbayan ang nagdala sa ating kinalalagyan ngayon. Habang nakatutok tayo sa kapakanan ng ating kapwa, bendisyon at patnubay ay tiyak na maaasahan natin sa Poong Maykapal. At kapag nanalig tayo na ang kasangga natin ay ang Diyos, mayroon ba tayong hindi kakayanin?" says President Noynoy Aquino in his first State of the Nation Address.

Photo By: Noel Orsal

"Mapapalawak natin ang basic education cycle mula sa napakaikling sampung taon tungo sa global standard na labindalawang taon.

"Madadagdagan natin ang mga classroom. Mapopondohan natin ang service contracting sa ilalim ng GASTPE [Government Assistance to Students and Teachers in Private Education].

"Pati ang conditional cash transfers, na magbabawas ng pabigat sa bulsa ng mga pamilya, madadagdan na rin ng pondo.

"Maipapatupad ang plano natin sa PhilHealth.

"Una, tutukuyin natin ang tunay na bilang ng mga nangangailangan nito. Sa ngayon, hindi magkakatugma ang datos. Sabi ng PhilHealth sa isang bibig, walumpu't pitong porsyento na raw ang merong coverage. Sa kabilang bibig naman, singkuwenta'y tres porsyento naman. Ayon naman sa National Statistics Office, tatlumpu't walong porsyento ang may coverage.

"Ngayon pa lang, kumikilos na si Secretary Dinky Soliman at ang DSWD [Dept. of Social Welfare and Development]  upang ipatupad ang National Household Targetting System, na magtutukoy sa mga pamilyang higit na nagangailangan ng tulong. Tinatayang siyam na bilyon ang kailangan para mabigyan ng PhilHealth ang limang milyong pinakamaralitang pamilyang Pilipino.

"Napakaganda po ng hinaharap natin. Kasama na po natin ang pribadong sektor, at kasama na rin natin ang League of Provinces, sa pangunguna nina Governor Alfonso Umali kasama sina Governor L-Ray Villafuerte at Governor Icot Petilla. Handa na pong makipagtulungan para makibahagi sa pagtustos ng mga gastusin. Alam ko rin pong hindi magpapahuli ang League of Cities sa pangunguna ni Mayor Oscar Rodriguez.

"Kung ang mga gobyernong lokal ay nakikiramay na sa ating mga adhikain, ang Kongreso namang pinanggalingan ko, siguro naman maasahan ko din.

CABINBET MEMBERS. "Nagpakitang-gilas na po ang Gabinete sa pagtukoy ng ating mga problema at sa paglulunsad ng mga solusyon sa loob lamang ng tatlong linggo.

"Nang bagyo pong Basyang, ang sabi sa atin ng mga may prangkisa sa kuryente, apat na araw na walang kuryente. Dahil sa mabilis na pagkilos ni Secretary Rene Almendras at ng Department of Energy, naibalik ang kuryente sa halos lahat sa loob lamang ng beinte-kwatro oras.

"Ito pong sinasabing kakulangan sa tubig sa Metro Manila, kinilusan agad ni Secretary Rogelio Singson at ng DPWH. Hindi na siya naghintay ng utos, kaya nabawasan ang perwisyo.

"Nakita na rin natin ang gilas ng mga hinirang nating makatulong sa Gabinete. Makatuwiran naman po sigurong umasa na hindi na sila padadaanin sa butas ng karayom para makumpirma ng Commission on Appointments. Kung mangyayari po ito, marami pa sa mga mahuhusay na Pilipino ang maeengganyong magsilbi sa gobyerno.

LAWS AND BILLS TO PASS. "Sa lalong madaling panahon po, uupo na tayo sa LEDAC [Legislative Executive Development Advisory Council] at pag-uusapan ang mga mahahalagang batas na kailangan nating ipasa. Makakaasa kayo na mananatiling bukas ang aking isipan, at ang ating ugnayan ay mananatiling tapat.

"Isinusulong po natin ang Fiscal Responsibility Bill, kung saan hindi tayo magpapasa ng batas na mangangailangan ng pondo kung hindi pa natukoy ang panggagalingan nito. May 104.1 billion pesos tayong kailangan para pondohan ang mga batas na naipasa na, ngunit hindi maipatupad.

"Kailangan din nating isaayos ang mga insentibong piskal na ibinigay noong nakaraan. Ngayong naghihigpit tayo ng sinturon, kailangang balikan kung alin sa mga ito ang dapat manatili at kung ano ang dapat nang itigil.

« Prev  1  2  3  4  5  6  7  8  9  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

239 Comments

  • 239  delightful15

    07/30/2010 | 04:41 PM
    stop blaming and start working!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 238  pusotisipmo

    07/30/2010 | 12:33 AM
    simulan po natin ang PAGBABAGO S AMGA SARILI NATIN,,KASE WAG PO NATING IASA SA BANSA O GOVT NATIN,KUMILOS PO TAYO,.SASABAY ANG LAHAT..HINDI PO LAHAT KAYA NG PANGULO IYAN,,OK,,sa dami ng nagdaang pangulo na sugapa,,so,,sana ito palang,,ang makakaranas tayo ng pagbabago tlaga,,,PERO SIMULAN NATIN SA SARILI,,.yun lang yun,,GOD IS SUPREME,..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 237  pusotisipmo

    07/30/2010 | 12:30 AM
    kilalang di corrupt na pamilya ang mga AQUINO,,.so,,ang tao tlaga tiwala iyan pero di lubusan,,,kase ang tao gusto may makitang pagbabago at kaginhawaan sa pinas,,pero ang PAGBABAGO PO AY MAGSISIMULA SA ATING MGA TAO MUNA BAGO SAIBA ok,,,SURIIN NYO MGA SARILI NYO KASE!!!..kasalukuyang nililinis ni P-NOY ang pilipinas,ang mga bagay bagay jan,,ito lang naman yan,,PAGTAAS NG SWELDO,MADAMING TRABAHO SALAHAT,ANG SEGURIDAD NG BAWAT PINOY,..SA MISMONG BANSA NATIN,PARA MABAWASAN NA MGA OFWS SA ABROAD,..at maging patas sa tao,,yan lang ang pinaka gutso ng tao,,pero sabi ko nga,,MAGSISIMULA SA ATIN YAN,,BAGO KAY P-NOY O SA IBA,,mukhang hindi nagpapagamit o uto uto si noy,diretso at tlagang gaya ng ama nya na trabaho at proffesionalism sa kanya,,wala din syang paki sa mga isyu sa kanya,,tutok at focus sya sa pagiging pangulo nya,,ang tulong natin bilang tao ang kelangan na lang para maitaas ang pinas diba,.,.wag magsiraan at maging ehemplo sa iba,,,MABUHAY TAYO,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 236  Cheska19

    07/29/2010 | 06:27 PM
    Unahin ang pagsugpo sa corruption. yan ang cancer na unti unting pumapatay sa Pilipinas. Dapat pagbabarilin sa Luneta Park ang nangulimbat sa kaban ng bayan, kasama na ang lahat ng mga taong may utak ALIMASAG dito!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 235  Cheska19

    07/29/2010 | 06:20 PM
    sky is the limit kung gumastos ang nakaraang administrasyon pag lumalabas ng bansa..walang pakundangan. Pinakamahal na alak ang inoorder at pinakamahal na suite ang tinutulugan. Kung ikaw, may malasakit ka sa mga taong pinagkakautangan mo ng posisyon mo at taos sa puso mo ang paglilingkod, makakabili ka pa ba ng pinakamahal na alak at pagkain para sa iyo at sa mga alipores mo??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 234  Cheska19

    07/29/2010 | 06:09 PM
    i think, its but proper for the people to know kung ano ang minanang problema ni Noynoy. Kung ano ang ginawang anomalya ng nakaraang administration. Panibagong pag asa para sa Pilipinas. Imbes na pumula at magreklamo, gawin natin ang responsibilidad natin sa ating bansa. magbanat ng buto at huwag umasa sa gobyerno. Kahit kaming OFW, alam namin kung pano magwaldas ang administrasyong yan sa ibang bansa. quot;Sky is the Limitquot; ika nga! Imbestigahan at parusahan ang nagkasala sa sambayanang pilipino!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 233  lupine

    07/29/2010 | 05:56 PM
    guys true ba ito, Arroyo is now a congresswoman...wow! after two terms being a president? walang respeto talaga sa sarili, walang shame!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 232  foxypnay

    07/29/2010 | 02:51 PM
    Napansin niyo ba yung mga audience, karamihan ay nakasimangot kasi sila ang mga corrupt. Tinamaan silang lahat. Humanda na ang mga abusado at mga magnanakaw. Lahat yang mga pagnanakaw na ginawa niyo sa mga Pilipino ay may katapusan din.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 231  Syete

    07/28/2010 | 04:10 AM
    Bilib ako sa address ni P-Noy.. I really hope na magtuluy-tuloy ang ganitong pang-uupat nya sa mga corrupts, at ang sensible nyang mga plans na sana nga ay magkaroon ng katuparan.. Sana.. Time to Bangon na Pinas! Sama ako dyan! Anuman ang maitutulong ko..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 230  2828cris

    07/28/2010 | 01:53 AM
    tandaan...nasa ating mga sarili ang pagbabago,magsumikap at wag iasa lahat sa Gobyerno.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 229  alexitorin

    07/27/2010 | 10:55 PM
    Otayranch, hanggang ngayon hindi ka parin nakaka move on. Halatang halata kung sino ang ibinoto mo sa pagka presidente. Sorry, natalo ang manok mo. Ang mga pangiinsulto mo kay President Noynoy ay parang gawi nang isang bata na grade one. Name calling will get you nowhere. BELAAAAAT BATA. . . NYEH NYEH NYEH NYEH NYEH. Ganito lamang siguro ang salitang maiintindihan mo. I need to get down to your own level. Masyadong mababa. Sumakit tuloy ang likod ko.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 228  gabi4ever

    07/27/2010 | 09:37 PM
    The President alone cannot do it. As positive as sa future ng Philippines. Dapat rin malaman ng tao bayan na kailangan naman ang nanalo na Senador ay may sapat na kaalaman sa legislative and constitutional na bagay. Mahirap kasi ano ba naman ang alam nila Bong Revilla, Lito Lapid, at iba pa. Eh ni hindi nga makapag debate itong mga ito. they could not even right their own arguments. At sa Congress dapat ganoon din, ano ba alam ni Pacquiao. These people ay okey lang na tumakbong Mayor or Board Director ng provinces pero hindi sa Senate at Congress.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 227  manjo

    07/27/2010 | 06:42 PM
    The new government should look into the monkey business as practised in the DENR and DPWH offices - dyan malaki ang corruption at kotong against small farmers and entrepreneurs. I should know coz we've been victimised over and over again. Kaya nga nakakawalang ganang mag-invest in any business sa Pinas. While you're striving to run a legimtimate business, sa permit documentation pa lang from typist hanggang sa signatory laging nanghihingi ng lagay - pag tumanggi ka, yung kapirasong papel na kailangan ng signature, buburuhin nila hanggang bunigay ka. And in most provinces, hindi pa rin computerised ang mga forms - imagine, mechanical typewriters pa rin ang gamit nila, at may bayarang typists to complete your form - you're not allowed access sa forms.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 226  agi07

    07/27/2010 | 06:15 PM
    SANA MAY PAGBABAGO, I BELIEVE IN NOYNOY'S SINCERITY. PERO PANU UNG MGA NABIGYAN NG BUDGET FOR PROJECTS, NAKAKASIGURADO BA TAU NA D NILA IBUBULSA YON?

    AT UNG PRIME COMMODITIES LIKE RICE, SUGAR, COFFEE, DAPAT SUBSIDISED ANG MGA ETO.

    AT ANG AGRICULTURE DAPAT BIGYAN NG MALAKING PANSIN TO SUSTAIN OUR REQUIREMENTS.

    SANA, SONA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 225  kamoteugly

    07/27/2010 | 05:23 PM
    199
    EncantadiangL
    obo
    July 27, 2010
    12:48 PM
    hay naku, hanggat walang disiplina ang mga pinoy diyan sa pinas, walang asensong magaganap. karamihan sa mga pinoy, mapanghusga, gusto ang marangyang buhay pero sa pinakamadaling paraan gustong gawin, daming kriminal na kahit sa harap ng bahay o loob ng sasakyan, di ka sasantuhin. gusto opisyal lang ang magtrabaho habang naghihintay ng pagbabago sa gobyerno. iisa lang ang presidente at kahit na siya pa pinakamatalino, pinakamabait at pinakamagaling kung ang nasasakupan naman niya ay walang disiplina, walang kooperasyon at walang takot sa Diyos eh wala talagang mangyayari. Hanggang Thirld world lang ang bagsak ng Pinas coz that what we deserve. Kung gusto mo ng pagbabago, simulan mo sa sarili mo!

    Grabeeh ka naman sobrang sama naman tingin mo sa kapwa mo Pilipino. Ikaw ang isa sa dahilan kung bakit d umasenso ang bansa naten. Sabi mo karamihan sa pinoy mapanghusga - uu nga sa palagay ko ikaw ang best example nun.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 224  shobizaddict

    07/27/2010 | 05:17 PM
    ginastusan ng husto ni GMA ang ilang piling lugar sa Pampanga, para nga naman walang katalo talo sa Congress. samantalang sa ilang lugar ng Pampanga may mga bata na kailangang kailangan ng eskwela, yung iba tumatawid pa ng ilog.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 223  shobizaddict

    07/27/2010 | 05:11 PM
    Ano ba people, kaya nga SONA, State of the Nation Address, inire report ni Pres Pnoy kung ano ang estado o kalagayan ng bansa natin at kung ano ang paraang gagawin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 222  chevalier

    07/27/2010 | 04:12 PM
    Sa kapwa ko pepsters, hwag nating kalimutan na ang mga Pilipinong katulad ko ay nawalan ng pag-galang kay GMA dahil parati syang nagsisinungaling. She covers up one corruptiuon issue after another by buying off government officials. Tanggap ko ang pagsorry nya tungkol sa Hello Garci scandal, pero dapat syang managot sa NBN-ZTE deal,Fertilizer scam at iba pa. Ang pag-usig sa kanya ng mga corruption cases ay hindi vindictiveness. DAPAT LANG TALAGANG PARUSAHAN SYA KASI, YUN ANG TAMA. HUSTISYA ANG HINIHINGI NG PILIPINO, para hindi na maulit.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 221  ichigo510

    07/27/2010 | 04:03 PM
    kung naipag bawal ni pnoy ang wangwang, sana ipagbawal din ang mga overly tinted na mga sasakyan to prevent from carnapping and kidnapping. kasi minsan di mo na halos makita ang loob ng sasakyan dahil sa tint ng car, and di mo na alam me na kidnap na pala sa loob.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 220  chevalier

    07/27/2010 | 04:01 PM
    Ang Presidente natin ngayon, si PNOY ay isang disente at matuwid na tao. Ang pag-galang ng tao sa kanya ay kusang ibinigay. He doesnt have to buy the loyalty of the public, hindi tulad ni Pres. GMA na kailangan gamitin ang pera ng Bayan sa mga corrupt politicians para lang manatili sa pwesto.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About