"Walumpu't anim na proyekto ang paglalaanan dapat nito na hindi na sana idadaan sa public bidding. Labingsiyam sa mga ito na nagkakahalaga ng 981 million pesos ang muntik nang makalusot. Hindi pa nailalabas ang Special Allotment Release Order ay pirmado na ang mga kontrata.
"Buti na lang po ay natuklasan at pinigilan ito ni Secretary Rogelio Singson ng DPWH. Ngayon po ay dadaan na ang kabuuan ng 3.5 billion pesos sa tapat na bidding, at magagamit na ang pondo na ito sa pagbibigay ng lingap sa mga nawalan ng tahanan dahil kina Ondoy at Pepeng.
NATIONAL POWER CORPORATION. "Pag-usapan naman natin ang nangyari sa NAPOCOR. Noong 2001 hanggang 2004, pinilit ng gobyerno ang NAPOCOR na magbenta ng kuryente nang palugi para hindi tumaas ang presyo. Tila ang dahilan: pinaghahandaan na nila ang eleksyon.
"Dahil dito, noong 2004, sumagad ang pagkakabaon sa utang ng NAPOCOR. Napilitan ang pambansang gobyerno na sagutin ang dalawandaang bilyong pisong utang nito.
"Ang inakala ng taumbayan na natipid nila sa kuryente ay binabayaran din natin mula sa kaban ng bayan. May gastos na tayo sa kuryente, binabayaran pa natin ang dagdag na pagkakautang ng gobyerno.
"Kung naging matino ang pag-utang, sana'y nadagdagan ang ating kasiguruhan sa supply ng kuryente. Pero ang desisyon ay ibinatay sa maling pulitika, at hindi sa pangangailangan ng taumbayan. Ang taumbayan, matapos pinagsakripisyo ay lalo pang pinahirapan.
METROPOLITAN RAILWAY TRANSIT. "Ganito rin po ang nangyari sa MRT. Sinubukan na namang bilhin ang ating pagmamahal. Pinilit ang operator na panatilihing mababa ang pamasahe.
"Hindi tuloy nagampanan ang garantiyang ibinigay sa operator na mababawi nila ang kanilang puhunan. Dahil dito, inutusan ang Landbank at Development Bank of the Philippines na bilhin ang MRT.
"Ang pera ng taumbayan, ipinagpalit sa isang naluluging operasyon.
NATIONAL FOOD ADMINISTRATION. "Dumako naman po tayo sa pondo ng NFA.
"Noong 2004: 117,000 metric tons ang pagkukulang ng supply ng Pilipinas. Ang binili nila, 900,000 metric tons. Kahit ulitin mo pa ng mahigit pitong beses ang pagkukulang, sobra pa rin ang binili nila.
"Noong 2007: 589,000 metric tons ang pagkukulang ng supply sa Pilipinas. Ang binili nila, 1.827 million metric tons. Kahit ulitin mo pa ng mahigit tatlong beses ang pagkukulang, sobra na naman ang binili nila.
"Ang masakit nito, dahil sobra-sobra ang binibili nila taun-taon, nabubulok lang pala sa mga kamalig ang bigas, kagaya ng nangyari noong 2008.
"Hindi po ba krimen ito, na hinahayaan nilang mabulok ang bigas, sa kabila ng apat na milyong Pilipinong hindi kumakain ng tatlong beses sa isang araw?
"Ang resulta nito, umabot na sa 171.6 billion pesos ang utang ng NFA noong Mayo ng taong ito.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
239 delightful15
238 pusotisipmo
237 pusotisipmo
236 Cheska19
235 Cheska19
234 Cheska19
233 lupine
232 foxypnay
231 Syete
230 2828cris
229 alexitorin
228 gabi4ever
227 manjo
226 agi07
AT UNG PRIME COMMODITIES LIKE RICE, SUGAR, COFFEE, DAPAT SUBSIDISED ANG MGA ETO.
AT ANG AGRICULTURE DAPAT BIGYAN NG MALAKING PANSIN TO SUSTAIN OUR REQUIREMENTS.
SANA, SONA.
225 kamoteugly
EncantadiangL
obo
July 27, 2010
12:48 PM
hay naku, hanggat walang disiplina ang mga pinoy diyan sa pinas, walang asensong magaganap. karamihan sa mga pinoy, mapanghusga, gusto ang marangyang buhay pero sa pinakamadaling paraan gustong gawin, daming kriminal na kahit sa harap ng bahay o loob ng sasakyan, di ka sasantuhin. gusto opisyal lang ang magtrabaho habang naghihintay ng pagbabago sa gobyerno. iisa lang ang presidente at kahit na siya pa pinakamatalino, pinakamabait at pinakamagaling kung ang nasasakupan naman niya ay walang disiplina, walang kooperasyon at walang takot sa Diyos eh wala talagang mangyayari. Hanggang Thirld world lang ang bagsak ng Pinas coz that what we deserve. Kung gusto mo ng pagbabago, simulan mo sa sarili mo!
Grabeeh ka naman sobrang sama naman tingin mo sa kapwa mo Pilipino. Ikaw ang isa sa dahilan kung bakit d umasenso ang bansa naten. Sabi mo karamihan sa pinoy mapanghusga - uu nga sa palagay ko ikaw ang best example nun.
224 shobizaddict
223 shobizaddict
222 chevalier
221 ichigo510
220 chevalier
more comments