"Ang natitira pong kalahati ay hindi natin tatantanan ang pag-usig hanggang makamit ang katarungan.
"Pananagutin natin ang mga mamamatay-tao. Pananagutin din natin ang mga corrupt sa gobyerno.
TRUTH COMMISSION. "Nagsimula nang mabuo ang ating Truth Commission, sa pangunguna ni dating Chief Justice Hilario Davide. Hahanapin natin ang katotohanan sa mga nangyari diumanong katiwalian noong nakaraang siyam na taon.
"Sa loob ng linggong ito, pipirmahan ko ang kauna-unahang Executive Order na nagtatalaga sa pagbuo nitong Truth Commission.
PUBLIC-PRIVATE PARTNERSHIPS. "Kung ang sagot sa kawalan ng katarungan ay pananagutan, ang sagot naman sa kakulangan natin sa pondo ay mga makabago at malikhaing paraan para tugunan ang mga pagkatagal-tagal nang problema.
"Napakarami po ng ating pangangailangan: mula sa edukasyon, imprastruktura, pangkalusugan, pangangailangan ng militar at kapulisan, at marami pang iba. Hindi kakasya ang pondo para mapunan ang lahat ng ito.
"Kahit gaano po kalaki ang kakulangan para mapunan ang mga listahan ng ating pangangailangan, ganado pa rin ako dahil marami nang nagpakita ng panibagong interes at kumpyansa sa Pilipinas.
"Ito ang magiging solusyon: mga Public-Private Partnerships. Kahit wala pa pong pirmahang nangyayari dito, masasabi kong maganda ang magiging bunga ng maraming usapin ukol dito.
"May mga nagpakita na po ng interes, gustong magtayo ng expressway na mula Maynila, tatahak ng Bulacan, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, hanggang sa dulo ng Cagayan Valley nang hindi gugugol ang estado kahit na po piso.
"Sa larangan ng ating Sandatahang Lakas:
"Mayroon po tayong 36,000 nautical miles ng baybayin. Ang mayroon lamang tayo: tatlumpu't dalawang barko. Itong mga barkong ito, panahon pa ni MacArthur.
"May nagmungkahi sa atin, ito ang proposisyon: uupahan po nila ang headquarters ng Navy sa Roxas Boulevard at ang Naval Station sa Fort Bonifacio.
"Sagot po nila ang paglipat ng Navy Headquarters sa Camp Aguinaldo. Agaran, bibigyan tayo ng isandaang milyong dolyar. At dagdag pa sa lahat nang iyan, magsusubi pa sila sa atin ng kita mula sa mga negosyong itatayo nila sa uupahan nilang lupa.
"Sa madali pong sabi: Makukuha natin ang kailangan natin, hindi tatayo gagastos, kikita pa tayo.
"Marami na pong nag-alok at nagmungkahi sa atin, mula lokal hanggang dayuhang negosyante, na magpuno ng iba't ibang pangangailangan.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
239 delightful15
238 pusotisipmo
237 pusotisipmo
236 Cheska19
235 Cheska19
234 Cheska19
233 lupine
232 foxypnay
231 Syete
230 2828cris
229 alexitorin
228 gabi4ever
227 manjo
226 agi07
AT UNG PRIME COMMODITIES LIKE RICE, SUGAR, COFFEE, DAPAT SUBSIDISED ANG MGA ETO.
AT ANG AGRICULTURE DAPAT BIGYAN NG MALAKING PANSIN TO SUSTAIN OUR REQUIREMENTS.
SANA, SONA.
225 kamoteugly
EncantadiangL
obo
July 27, 2010
12:48 PM
hay naku, hanggat walang disiplina ang mga pinoy diyan sa pinas, walang asensong magaganap. karamihan sa mga pinoy, mapanghusga, gusto ang marangyang buhay pero sa pinakamadaling paraan gustong gawin, daming kriminal na kahit sa harap ng bahay o loob ng sasakyan, di ka sasantuhin. gusto opisyal lang ang magtrabaho habang naghihintay ng pagbabago sa gobyerno. iisa lang ang presidente at kahit na siya pa pinakamatalino, pinakamabait at pinakamagaling kung ang nasasakupan naman niya ay walang disiplina, walang kooperasyon at walang takot sa Diyos eh wala talagang mangyayari. Hanggang Thirld world lang ang bagsak ng Pinas coz that what we deserve. Kung gusto mo ng pagbabago, simulan mo sa sarili mo!
Grabeeh ka naman sobrang sama naman tingin mo sa kapwa mo Pilipino. Ikaw ang isa sa dahilan kung bakit d umasenso ang bansa naten. Sabi mo karamihan sa pinoy mapanghusga - uu nga sa palagay ko ikaw ang best example nun.
224 shobizaddict
223 shobizaddict
222 chevalier
221 ichigo510
220 chevalier
more comments