"Huwag po tayong pumayag na magkaroon ng isa pang NBN-ZTE. Sa lokal man o dayuhan manggagaling ang pondo, dapat dumaan ito sa tamang proseso. Hinihingi ko po ang tulong ninyo upang amiyendahan ang ating Procurement Law.
"Ayon po sa Saligang Batas, tungkulin ng estado ang siguruhing walang lamangan sa merkado. Bawal ang monopolya, bawal ang mga cartel na sasakal sa kumpetisyon. Kailangan po natin ng isang Anti-Trust Law na magbibigay-buhay sa mga prinsipyong ito. Ito ang magbibigay ng pagkakataon sa mga Small- at Medium-scale Enterprises na makilahok at tumulong sa paglago ng ating ekonomiya.
"Ipasa na po natin ang National Land Use Bill.
"Una rin pong naging batas ng Commonwealth ang National Defense Act, na ipinasa noon pang 1935. Kailangan nang palitan ito ng batas na tutugon sa pangangailangan ng pambansang seguridad sa kasalukuyan.
"Nakikiusap po akong isulong ang Whistleblower's Bill upang patuloy nang iwaksi ang kultura ng takot at pananahimik.
"Palalakasin pa lalo ang Witness Protection Program. Alalahanin po natin na noong taong 2009 hanggang 2010, may nahatulan sa 95% ng mga kaso kung saan may witness na sumailalim sa programang ito.
"Kailangang repasuhin ang ating mga batas. Nanawagan po akong umpisahan na ang rekodipikasyon ng ating mga batas, upang siguruhing magkakatugma sila at hindi salu-salungat.
PEACE TALKS. "Ito pong mga batas na ito ang batayan ng kaayusan, ngunit ang pundasyon ng lahat ng ginagawa natin ay ang prinsipyong wala tayong mararating kung walang kapayapaan at katahimikan.
"Dalawa ang hinaharap nating suliranin sa usapin ng kapayapaan: ang situwasyon sa Mindanao, at ang patuloy na pag-aaklas ng CPP-NPA-NDF [Communist Party of the Philippines-New People's Army-National Democratic Front].
"Tungkol sa sitwasyon sa Mindanao: Hindi po nagbabago ang ating pananaw. Mararating lamang ang kapayapaan at katahimikan kung mag-uusap ang lahat ng apektado: Moro, Lumad, at Kristiyano. Inatasan na natin si Dean Marvic Leonen na mangasiwa sa ginagawa nating pakikipag-usap sa MILF [Moro Islamic Liberation Front].
"Iiwasan natin ang mga pagkakamaling nangyari sa nakaraang administrasyon, kung saan binulaga na lang ang mga mamamayan ng Mindanao. Hindi tayo puwedeng magbulag-bulagan sa mga dudang may kulay ng pulitika ang proseso, at hindi ang kapakanan ng taumbayan ang tanging interes.
"Kinikilala natin ang mga hakbang na ginagawa ng MILF sa pamamagitan ng pagdidisplina sa kanilang hanay. Inaasahan natin na muling magsisimula ang negosasyon pagkatapos ng Ramadan.
"Tungkol naman po sa CPP-NPA-NDF: handa na ba kayong maglaan ng kongkretong mungkahi, sa halip na pawang batikos lamang?
"Kung kapayapaan din ang hangad ninyo, handa po kami sa malawakang tigil-putukan. Mag-usap tayo.
"Mahirap magsimula ang usapan habang mayroon pang amoy ng pulbura sa hangin. Nananawagan ako: huwag po natin hayaang masayang ang napakagandang pagkakataong ito upang magtipon sa ilalim ng iisang adhikain.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
239 delightful15
238 pusotisipmo
237 pusotisipmo
236 Cheska19
235 Cheska19
234 Cheska19
233 lupine
232 foxypnay
231 Syete
230 2828cris
229 alexitorin
228 gabi4ever
227 manjo
226 agi07
AT UNG PRIME COMMODITIES LIKE RICE, SUGAR, COFFEE, DAPAT SUBSIDISED ANG MGA ETO.
AT ANG AGRICULTURE DAPAT BIGYAN NG MALAKING PANSIN TO SUSTAIN OUR REQUIREMENTS.
SANA, SONA.
225 kamoteugly
EncantadiangL
obo
July 27, 2010
12:48 PM
hay naku, hanggat walang disiplina ang mga pinoy diyan sa pinas, walang asensong magaganap. karamihan sa mga pinoy, mapanghusga, gusto ang marangyang buhay pero sa pinakamadaling paraan gustong gawin, daming kriminal na kahit sa harap ng bahay o loob ng sasakyan, di ka sasantuhin. gusto opisyal lang ang magtrabaho habang naghihintay ng pagbabago sa gobyerno. iisa lang ang presidente at kahit na siya pa pinakamatalino, pinakamabait at pinakamagaling kung ang nasasakupan naman niya ay walang disiplina, walang kooperasyon at walang takot sa Diyos eh wala talagang mangyayari. Hanggang Thirld world lang ang bagsak ng Pinas coz that what we deserve. Kung gusto mo ng pagbabago, simulan mo sa sarili mo!
Grabeeh ka naman sobrang sama naman tingin mo sa kapwa mo Pilipino. Ikaw ang isa sa dahilan kung bakit d umasenso ang bansa naten. Sabi mo karamihan sa pinoy mapanghusga - uu nga sa palagay ko ikaw ang best example nun.
224 shobizaddict
223 shobizaddict
222 chevalier
221 ichigo510
220 chevalier
more comments