news

Full transcript of President Noynoy Aquino's first State of the Nation Address
posted on July 26, 2010  STATS: 5641 Views | 239 Comments

 

"Akin pong paniwala na Diyos at taumbayan ang nagdala sa ating kinalalagyan ngayon. Habang nakatutok tayo sa kapakanan ng ating kapwa, bendisyon at patnubay ay tiyak na maaasahan natin sa Poong Maykapal. At kapag nanalig tayo na ang kasangga natin ay ang Diyos, mayroon ba tayong hindi kakayanin?" says President Noynoy Aquino in his first State of the Nation Address.

Photo By: Noel Orsal

Here is the full transcript of President Benigno "Noynoy" Aquino III's first State of the Nation Address (SONA), which he delivered at the Session Hall of the House of Representatives in Batasan Pambansa Complex in Quezon City this afternoon, July 26:

"Mga minamahal kong kababayan:

"Sa bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isang sangandaan.

"Sa isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan. Ang pagtanaw sa interes ng nakakarami, ang pagkapit sa prinsipyo; at ang pagiging tapat sa sinumpaan nating tungkulin bilang lingkod-bayan. Ito po ang tuwid na daan.

"Sa kabilang banda ay ang pag-una sa pansariling interes. Ang pagpapaalipin sa pulitikal na konsiderasyon, at pagsasakripisyo ng kapakanan ng taumbayan. Ito po ang baluktot na daan.

"Matagal pong naligaw ang pamahalaan sa daang baluktot. Araw-araw po, lalong lumilinaw sa akin ang lawak ng problemang ating namana. Damang-dama ko ang bigat ng aking responsibilidad.

"Sa unang tatlong linggo ng aming panunungkulan, marami po kaming natuklasan. Nais ko pong ipahayag sa inyo ang iilan lamang sa mga namana nating suliranin at ang ginagawa naming hakbang para lutasin ang mga ito.

"Sulyap lamang po ito, hindi pa ito ang lahat ng problemang haharapin natin. Inilihim at sadyang iniligaw ang sambayanan sa totoong kalagayan ng ating bansa.

NATIONAL BUDGET. "Sa unang anim na buwan ng taon, mas malaki ang ginastos ng gobyerno kaysa sa pumasok na kita. Lalong lumaki ang deficit natin, na umakyat na sa 196.7 billion pesos. Sa target na kuleksyon, kinapos tayo ng 23.8 billion pesos; ang tinataya namang gastos, nalagpasan natin ng 45.1 billion pesos.

"Ang budget po sa 2010 ay 1.54 trillion pesos.

"Nasa isandaang bilyong piso o anim at kalahating porsyento na lang ng kabuuan ang malaya nating magagamit para sa nalalabing anim na buwan ng taong ito.

"Halos isang porsyento na lang po ng kabuuang budget ang natitira para sa bawat buwan.

"Saan naman po dinala ang pera?

"Naglaan ng dalawang bilyong piso na Calamity Fund bilang paghahanda para sa mga kalamidad na hindi pa nangyayari. Napakaliit na nga po ng pondong ito, ngunit kapapasok pa lang natin sa panahon ng baha at bagyo, 1.4 billion pesos o sitenta porsyento na ang nagastos.

"Sa kabuuan ng 108 million pesos para sa lalawigan ng Pampanga, 105 million pesos nito ay napunta sa iisang distrito lamang. Samantala, ang lalawigan ng Pangasinan na sinalanta ng Pepeng ay nakatanggap ng limang milyong piso lamang para sa pinsalang idinulot ng bagyong Cosme, na nangyari noong 2008 pa.

1  2  3  4  5  6  7  8  9  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

239 Comments

  • 39  matoy_babyron

    07/26/2010 | 06:41 PM
    at least now the people will now the true state of our nation..maganda yan hindi dada ng dada..tama lang na dapat alam ng tao kung anong klaseng simula ang pdng gawin ng bagong liderato..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 38  zama_jap

    07/26/2010 | 06:41 PM
    6
    missPsycho
    July 26, 2010
    18:07 PM
    ----------
    hindi nya sinisisi ang dating administrasion..nagtatanong sya saan napunta ang pera ng taong bayan..Dapat malaman ng taong bayan na ang perang inaasahan na mapunta sa tao o ang pundo ay nasimot na..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 37  AkoPalagi_II

    07/26/2010 | 06:40 PM
    31
    heavensent143
    July 26, 2010
    18:39 PM

    lol, na mis-quote.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 36  shuttle_69

    07/26/2010 | 06:40 PM
    missPsycho
    July 26, 2010
    18:07 PM bakit pa puro sisi nlang sya sa nag daang admin? d ba pwedeng gumawa nlang sya ng paraan kung paano i solve yung problems na namana pa nya from GMA's admin? wala naman naging presidente na walang minana na problema from the preceding presidents. yan lang ba talaga ang alam nya? kawawa naman pala ang mga taong na uto nya
    ---------------------------
    kung yung pinsan ni PNoy ang nakaupo, wala kang madididnig na ganyan sa sona kundi pambobola.
    ___

    lalo na cguro kung si sipag at tiyaga ang presidente tiyak simu't sarap ang pilipinas.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 35  AkoPalagi_II

    07/26/2010 | 06:39 PM
    hantayin nyo 1 yr from now yung 2nd SONA nya. kung may nagawa.

    26 days palang.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 34  heavensent143

    07/26/2010 | 06:39 PM
    23
    atkinson
    July 26, 2010
    18:30 PM comment 15 heavensent......siguro si Mikey Arroyo ka, o baka naman si Luli ka o si Datu....Ano gusto mo, baliwalain na lang ang mga ninakaw ng pamilyang Arroyo.........
    -------------------------------
    lol...nagbabasa ka ba ng mabuti or talagang malabo ang mga mata mo... read my comment again... baka maslap pa kita sa fez dyan!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 33  AkoPalagi_II

    07/26/2010 | 06:36 PM
    6
    missPsycho
    July 26, 2010
    18:07 PM bakit pa puro sisi nlang sya sa nag daang admin? d ba pwedeng gumawa nlang sya ng paraan kung paano i solve yung problems na namana pa nya from GMA's admin? wala naman naging presidente na walang minana na problema from the preceding presidents. yan lang ba talaga ang alam nya? kawawa naman pala ang mga taong na uto nya
    ---------------------------
    kung yung pinsan ni PNoy ang nakaupo, wala kang madididnig na ganyan sa sona kundi pambobola.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 32  missPsycho

    07/26/2010 | 06:36 PM
    parang sinabi ni noy na Wag na kayong umasa kasi wala nang pundo
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 31  skyward

    07/26/2010 | 06:36 PM
    wla syng ibang vision na sinasabi para sa bansa puro paninisi lng, nagpi-playing safe lang atleast kung wla syang magawa sa Pilipinas c Gloria pa rin ang sisisihin. Ngayon ipakita mo ang yong galing PNoy, wag hanggang dada ng dada lang lalabas na kakatawa ang bansa natin.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 30  mollysam

    07/26/2010 | 06:34 PM
    well said,i have given hope sa mga sinabi ni Pnoy.mag pag asa pa naman ang PInas bsta tulong tulong.God Bless Pnoy!God Bless PILIPINAs!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 29  magsasaka

    07/26/2010 | 06:34 PM
    Sa NFA marami ng kabalastugan nangyari, NOv. 2009 kakapusan daw ng bigas kaya nag-angkat ng todo-todo, kaming magsasaka naman ang nahirapan sa dahilan ng bagsak presyo ang aming palay sa traders. ang aming gamit na abono ay nanggagaling pa sa association. malaki kasi kick back pagnag-angkat kaysa bumili ng palay sa amin. pambihirang Arroyo admi. mga tanging ina nyong lahat!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 28  shuttle_69

    07/26/2010 | 06:32 PM
    3
    yanzee
    July 26, 2010
    17:58 PM

    akopalagi

    ayan ka na naman, umpisa ka na nman ng gyera. di ba pwede mag comment ng di kasama ang dos
    -----------------------
    di lang dos ang kasali dyan. group of companies nila.
    __

    tinamaan kaagad. sapul!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 27  megz_940

    07/26/2010 | 06:31 PM
    tama lang po na sabihin nya yan sa simula ng administrasyon nya para alam ng lahat ang pagsisimulan nya at kung paano sa tulong ng mamamayan e masisimulan ang pagbabago...

    mabuhay ka PNOY!!.. at sana anjan lagi ang transparency at accountability sa administrasyon mo...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 26  atkinson

    07/26/2010 | 06:30 PM
    comment 15 heavensent......siguro si Mikey Arroyo ka, o baka naman si Luli ka o si Datu....Ano gusto mo, baliwalain na lang ang mga ninakaw ng pamilyang Arroyo.........
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 25  popstar

    07/26/2010 | 06:29 PM
    A transparent president. About time :. I like that very much. No promises, just the facts and possible steps to take to recover. Great for him to have identified the problems and let the people know where the country REALLY stands at this time. Also for every one of us to know where we may be able to contribute to the solutions in our own ways.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 24  johnmico

    07/26/2010 | 06:27 PM
    Nagsimula bumagsak economy natin dahil sa iyong nanay... I don't think na d j Kaya mag corrupt.. Lukas na yan sa pulitiko... Dami u satsat
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 23  AkoPalagi_II

    07/26/2010 | 06:27 PM
    3
    yanzee
    July 26, 2010
    17:58 PM

    akopalagi

    ayan ka na naman, umpisa ka na nman ng gyera. di ba pwede mag comment ng di kasama ang dos
    -----------------------
    di lang dos ang kasali dyan. group of companies nila.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 22  missPsycho

    07/26/2010 | 06:27 PM
    ok, what he did was partly right and partly wrong. instead naman nag focus sya dun sana sinabi nlang nya kung ano ang magagawa nya para naman mabigyan nang pag-asa ang mga taong nakikinig sa kanya. parang gusto ni noy na puro galit at walang pag-asa ang maramdaman ng mga pinoy. Solusyon ang kailangan natin d puro sisihan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 21  shuttle_69

    07/26/2010 | 06:27 PM
    15
    heavensent143
    July 26, 2010
    ___

    cgurado taga-distrito ka ng mga arroyo sa pampanga. ha ha ha.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 20  atkinson

    07/26/2010 | 06:24 PM
    Sa siyam na taon na nakaupo si Gloria, siguradong nalinis na nila kung ano man ang ninakaw nila. Ang pera ay nailabas na ng Pilipinas ng mga anak ni Gloria na sila Mikey at Datu. Magsisiguro yan na walang ebidensiya na makukuha sa kanila bago yan lumabas sa Malacanang. Saksakan ng kapal ang mga mukha niyan. Pamilya ng magnanakaw.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About