Here is the full transcript of President Benigno "Noynoy" Aquino III's first State of the Nation Address (SONA), which he delivered at the Session Hall of the House of Representatives in Batasan Pambansa Complex in Quezon City this afternoon, July 26:
"Mga minamahal kong kababayan:
"Sa bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isang sangandaan.
"Sa isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan. Ang pagtanaw sa interes ng nakakarami, ang pagkapit sa prinsipyo; at ang pagiging tapat sa sinumpaan nating tungkulin bilang lingkod-bayan. Ito po ang tuwid na daan.
"Sa kabilang banda ay ang pag-una sa pansariling interes. Ang pagpapaalipin sa pulitikal na konsiderasyon, at pagsasakripisyo ng kapakanan ng taumbayan. Ito po ang baluktot na daan.
"Matagal pong naligaw ang pamahalaan sa daang baluktot. Araw-araw po, lalong lumilinaw sa akin ang lawak ng problemang ating namana. Damang-dama ko ang bigat ng aking responsibilidad.
"Sa unang tatlong linggo ng aming panunungkulan, marami po kaming natuklasan. Nais ko pong ipahayag sa inyo ang iilan lamang sa mga namana nating suliranin at ang ginagawa naming hakbang para lutasin ang mga ito.
"Sulyap lamang po ito, hindi pa ito ang lahat ng problemang haharapin natin. Inilihim at sadyang iniligaw ang sambayanan sa totoong kalagayan ng ating bansa.
NATIONAL BUDGET. "Sa unang anim na buwan ng taon, mas malaki ang ginastos ng gobyerno kaysa sa pumasok na kita. Lalong lumaki ang deficit natin, na umakyat na sa 196.7 billion pesos. Sa target na kuleksyon, kinapos tayo ng 23.8 billion pesos; ang tinataya namang gastos, nalagpasan natin ng 45.1 billion pesos.
"Ang budget po sa 2010 ay 1.54 trillion pesos.
"Nasa isandaang bilyong piso o anim at kalahating porsyento na lang ng kabuuan ang malaya nating magagamit para sa nalalabing anim na buwan ng taong ito.
"Halos isang porsyento na lang po ng kabuuang budget ang natitira para sa bawat buwan.
"Saan naman po dinala ang pera?
"Naglaan ng dalawang bilyong piso na Calamity Fund bilang paghahanda para sa mga kalamidad na hindi pa nangyayari. Napakaliit na nga po ng pondong ito, ngunit kapapasok pa lang natin sa panahon ng baha at bagyo, 1.4 billion pesos o sitenta porsyento na ang nagastos.
"Sa kabuuan ng 108 million pesos para sa lalawigan ng Pampanga, 105 million pesos nito ay napunta sa iisang distrito lamang. Samantala, ang lalawigan ng Pangasinan na sinalanta ng Pepeng ay nakatanggap ng limang milyong piso lamang para sa pinsalang idinulot ng bagyong Cosme, na nangyari noong 2008 pa.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
79 jeheil
Kahit anong gawin ng tao hindi siya lubos na magtatagumpay.
Sa Kaharian ng Diyos tayo dapat aasa.
78 rouge09
ano ba ibig sabihin ng state?
ang daming pinoy na ayaw sa politikong nagpa-promise dahil gawain ito ng mga TRAPO. sa SONA ni PNoy he did not promised like what gloria did. he is not a TRAPO but pinoys easily forgot!
ang daming pinoy marurunong pero what they mean by state is promise. they want PNoy's state of the name a promise of the nation and forgot or too idiot to mean state as promise or promises.
77 atkinson
76 gareen
75 missPsycho
ang kitid naman ng utak mo. di naman lahat ng sumalungat sa SONA ni noy ay pro GMA na. I voted for noy, pero d ko nagustuhan yung SONA nya. d ba dapat ang SONA ay pag bigay pag-asa sa mga taong inapi ng nakaraang administrasyon? anong ginawa nya? mas lalo nyang binigyan ng rason na magalit ang mga tao sa mga arroyo. sana nagbigay sya ng mga solution sa mga problema, d yung dinagdagan nya. TWO WRONGS COULD NEVER BE RIGHT
74 Marietta123
73 snowsheen
72 shuttle_69
July 26, 2010
20:17 PM
____
ano ang gusto mong mangyari? aba karapatan ng bawat filipino na malaman ang walang kahiyaan ng glorya administrasyon. hindi dapat ibali-wala yun noh!
hindi lang maganda pakinggan sa tainga ng mga maka-arroyo ang katotohanan na inexpose ni PNOY. like you.
71 shuttle_69
July 26, 2010
19:27 PM
___
anong bias ang pinag-sasabi mo? tanong ko nabasa mo na ba ang full transcript ng sona niya? tanong ko ulit? naiintindihan mo?
IT’S NOT that you LACK common sense, IT’S JUST THAT YOU’RE a crack moron.
70 nagpapakatotoolang
69 shoogie
And please lang wag na nating iasa ang lahat sa gov't...
Magsumikap tayong lahat
68 teenette16
67 AstigOFW_1
66 lovejlc
baket ba kasi ang ugali ng iba natin kababayan eh manghusga ng manghusga agad? almost mag 1month pa lang pres. c PNoy ganun ba kadali pra masolusyonan ang prblema? at isa pa kung puro kayo kontra sa mga hakbang ng Presidente sa tingin nyo ba masusulosyonan lahat yon? kung ang gwin nyo eh tulungan cya sure magagawa ng maayos lahat yan kaso sa 100 porsyento na nsa posisyon 30 porsyento lang tlaga ang hndi at wlang balak na kumuha sa kaban ng bayan..
kelan ba nwla ang reklamo? kasi sa halip na pansinin ang nagagawa na mgnda khit yon maliit na bagay lang mas pnapansin at hinahanap yon bagay na ggamitin nila panira ..
im proud na kaw binoto ko PNoy.. proud to be filipina..
GOD guide and bless the philippines
65 AkoPalagi_II
kcprettyangel
July 26, 2010
19:47 PM
aber, mag-kano utang ni ERAP sa loob 2 taon at 6 buwan na panunungkulan?
64 qpinoy
___________________________________
bukas ba ang pag-iisip mo iha? dapat lang na ihayag nya ang totoong kalagayan ng bansa kesa sa takpan niya ng pangako ang di magandang status ng ating bansa. dapat lang na ihayag ang mga kabaluktutan ng nakaraang administrasyon ng malaman ang katotohanan. wag kayong masyadong atat halos isang buwan pa lang nakaupo ang presidente ng bansa, hindi siya superman para maayos kaagad ang problema. magdasal na lang kayo kesa sa mga wlang kwenta na mga comment ninyo makakatulong pa ang panalangin kesa sa walang kwentang usapan. lets pray for our country. sana naman kahit minsan maging makabuluhan naman ang ating mga ginagawa. inuubos ny
63 Akihir0
62 kcprettyangel
61 happy_pinoy
Guys, di naman naninisi si P-noy sinabi lang nya kung ano lang ang natitirang pondo ng bansa para sa taong ito. He laid down his plans. For me, this is a good start for P-noy. I'll wait for the next state of the nation address...masyadong maaga para husgahan natin sya wala pa syang 1 month.
60 peach_n_plum
more comments