Here is the full transcript of President Benigno "Noynoy" Aquino III's first State of the Nation Address (SONA), which he delivered at the Session Hall of the House of Representatives in Batasan Pambansa Complex in Quezon City this afternoon, July 26:
"Mga minamahal kong kababayan:
"Sa bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isang sangandaan.
"Sa isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan. Ang pagtanaw sa interes ng nakakarami, ang pagkapit sa prinsipyo; at ang pagiging tapat sa sinumpaan nating tungkulin bilang lingkod-bayan. Ito po ang tuwid na daan.
"Sa kabilang banda ay ang pag-una sa pansariling interes. Ang pagpapaalipin sa pulitikal na konsiderasyon, at pagsasakripisyo ng kapakanan ng taumbayan. Ito po ang baluktot na daan.
"Matagal pong naligaw ang pamahalaan sa daang baluktot. Araw-araw po, lalong lumilinaw sa akin ang lawak ng problemang ating namana. Damang-dama ko ang bigat ng aking responsibilidad.
"Sa unang tatlong linggo ng aming panunungkulan, marami po kaming natuklasan. Nais ko pong ipahayag sa inyo ang iilan lamang sa mga namana nating suliranin at ang ginagawa naming hakbang para lutasin ang mga ito.
"Sulyap lamang po ito, hindi pa ito ang lahat ng problemang haharapin natin. Inilihim at sadyang iniligaw ang sambayanan sa totoong kalagayan ng ating bansa.
NATIONAL BUDGET. "Sa unang anim na buwan ng taon, mas malaki ang ginastos ng gobyerno kaysa sa pumasok na kita. Lalong lumaki ang deficit natin, na umakyat na sa 196.7 billion pesos. Sa target na kuleksyon, kinapos tayo ng 23.8 billion pesos; ang tinataya namang gastos, nalagpasan natin ng 45.1 billion pesos.
"Ang budget po sa 2010 ay 1.54 trillion pesos.
"Nasa isandaang bilyong piso o anim at kalahating porsyento na lang ng kabuuan ang malaya nating magagamit para sa nalalabing anim na buwan ng taong ito.
"Halos isang porsyento na lang po ng kabuuang budget ang natitira para sa bawat buwan.
"Saan naman po dinala ang pera?
"Naglaan ng dalawang bilyong piso na Calamity Fund bilang paghahanda para sa mga kalamidad na hindi pa nangyayari. Napakaliit na nga po ng pondong ito, ngunit kapapasok pa lang natin sa panahon ng baha at bagyo, 1.4 billion pesos o sitenta porsyento na ang nagastos.
"Sa kabuuan ng 108 million pesos para sa lalawigan ng Pampanga, 105 million pesos nito ay napunta sa iisang distrito lamang. Samantala, ang lalawigan ng Pangasinan na sinalanta ng Pepeng ay nakatanggap ng limang milyong piso lamang para sa pinsalang idinulot ng bagyong Cosme, na nangyari noong 2008 pa.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
239 delightful15
238 pusotisipmo
237 pusotisipmo
236 Cheska19
235 Cheska19
234 Cheska19
233 lupine
232 foxypnay
231 Syete
230 2828cris
229 alexitorin
228 gabi4ever
227 manjo
226 agi07
AT UNG PRIME COMMODITIES LIKE RICE, SUGAR, COFFEE, DAPAT SUBSIDISED ANG MGA ETO.
AT ANG AGRICULTURE DAPAT BIGYAN NG MALAKING PANSIN TO SUSTAIN OUR REQUIREMENTS.
SANA, SONA.
225 kamoteugly
EncantadiangL
obo
July 27, 2010
12:48 PM
hay naku, hanggat walang disiplina ang mga pinoy diyan sa pinas, walang asensong magaganap. karamihan sa mga pinoy, mapanghusga, gusto ang marangyang buhay pero sa pinakamadaling paraan gustong gawin, daming kriminal na kahit sa harap ng bahay o loob ng sasakyan, di ka sasantuhin. gusto opisyal lang ang magtrabaho habang naghihintay ng pagbabago sa gobyerno. iisa lang ang presidente at kahit na siya pa pinakamatalino, pinakamabait at pinakamagaling kung ang nasasakupan naman niya ay walang disiplina, walang kooperasyon at walang takot sa Diyos eh wala talagang mangyayari. Hanggang Thirld world lang ang bagsak ng Pinas coz that what we deserve. Kung gusto mo ng pagbabago, simulan mo sa sarili mo!
Grabeeh ka naman sobrang sama naman tingin mo sa kapwa mo Pilipino. Ikaw ang isa sa dahilan kung bakit d umasenso ang bansa naten. Sabi mo karamihan sa pinoy mapanghusga - uu nga sa palagay ko ikaw ang best example nun.
224 shobizaddict
223 shobizaddict
222 chevalier
221 ichigo510
220 chevalier
more comments