Here is the full transcript of President Benigno "Noynoy" Aquino III's first State of the Nation Address (SONA), which he delivered at the Session Hall of the House of Representatives in Batasan Pambansa Complex in Quezon City this afternoon, July 26:
"Mga minamahal kong kababayan:
"Sa bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isang sangandaan.
"Sa isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan. Ang pagtanaw sa interes ng nakakarami, ang pagkapit sa prinsipyo; at ang pagiging tapat sa sinumpaan nating tungkulin bilang lingkod-bayan. Ito po ang tuwid na daan.
"Sa kabilang banda ay ang pag-una sa pansariling interes. Ang pagpapaalipin sa pulitikal na konsiderasyon, at pagsasakripisyo ng kapakanan ng taumbayan. Ito po ang baluktot na daan.
"Matagal pong naligaw ang pamahalaan sa daang baluktot. Araw-araw po, lalong lumilinaw sa akin ang lawak ng problemang ating namana. Damang-dama ko ang bigat ng aking responsibilidad.
"Sa unang tatlong linggo ng aming panunungkulan, marami po kaming natuklasan. Nais ko pong ipahayag sa inyo ang iilan lamang sa mga namana nating suliranin at ang ginagawa naming hakbang para lutasin ang mga ito.
"Sulyap lamang po ito, hindi pa ito ang lahat ng problemang haharapin natin. Inilihim at sadyang iniligaw ang sambayanan sa totoong kalagayan ng ating bansa.
NATIONAL BUDGET. "Sa unang anim na buwan ng taon, mas malaki ang ginastos ng gobyerno kaysa sa pumasok na kita. Lalong lumaki ang deficit natin, na umakyat na sa 196.7 billion pesos. Sa target na kuleksyon, kinapos tayo ng 23.8 billion pesos; ang tinataya namang gastos, nalagpasan natin ng 45.1 billion pesos.
"Ang budget po sa 2010 ay 1.54 trillion pesos.
"Nasa isandaang bilyong piso o anim at kalahating porsyento na lang ng kabuuan ang malaya nating magagamit para sa nalalabing anim na buwan ng taong ito.
"Halos isang porsyento na lang po ng kabuuang budget ang natitira para sa bawat buwan.
"Saan naman po dinala ang pera?
"Naglaan ng dalawang bilyong piso na Calamity Fund bilang paghahanda para sa mga kalamidad na hindi pa nangyayari. Napakaliit na nga po ng pondong ito, ngunit kapapasok pa lang natin sa panahon ng baha at bagyo, 1.4 billion pesos o sitenta porsyento na ang nagastos.
"Sa kabuuan ng 108 million pesos para sa lalawigan ng Pampanga, 105 million pesos nito ay napunta sa iisang distrito lamang. Samantala, ang lalawigan ng Pangasinan na sinalanta ng Pepeng ay nakatanggap ng limang milyong piso lamang para sa pinsalang idinulot ng bagyong Cosme, na nangyari noong 2008 pa.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
59 humandynamics
kung hindi mo kayang tumanggap ng opinyon ng iba, aba huwag ka dito.
gusto mo ang nakikita mo lang ang tama? ikaw pala itong walang common sense at napaka self righteous mo ha. and for your info gusto ko rin si pnoy hindi lang ako bias katulad mo.
anyway this is not about you and me, magpaka palengkera ka sa iba.
58 AkoPalagi_II
57 pinoytayo
I have heard about the NFA anomaly before and that was already outrageous. But the impact is so different if the anomalies are laid down in actual BILLION figures! GMA indeed is small but terrible. Terribly EVIL! Nagmukhang santo si Marcos.
56 greatfanofmarian
------------
Haler! Hindi xa naninisi...he's revealing what his administration discovered about the past...he's telling all Filipinoes about the real situation of our country..Kaw yata mi prob s comprehension skill mo...anong wlang vision...magbasa k nga ulit...haaay...cguro natalo ang binoto mo last election...tsk...tsk...suportahan nlng natin ang bagong presdnte at kitang-kita namn ang pagging optimistic niya...at dpat nga magmahalan ang mga pilipino..magtulungan at hindi inggitan ang pinaiiral...
55 magsasaka
54 lovekosichona
53 lawrenzo
Di ako maka Pnoy. but I am admiring him now. Sana maging matatag siya. I am for the Philippines.. and I am not for any politicians. Gusto ko mapaganda ang Pinas. Masyado na tayong kawawa.
SUPORTAHAN SI PNOY. BITAYIN ANG MGA ARROYO.. MGA PUTSA SILA LOL!
52 kapitan29
Ngayong nailahad na ang ilan sa mga suliranin, hindi po ako naghihintay ng pangako, ang hihintayin ko po ay ang paglutas ng mga suliranin na nailahad kanina.
Maghihintay ako sa loob ng 100 days. Ito na ang panahon ng sa tingin ko ay pagbalangkas ng mga sulusyon sa mga nailatag na suliranin ng bansa. Sa susunod na mga talumpati ni Pinoy matapos ang 100 araw ng panunungkulan, dapat kongkreto na ang mga plano at aksyon na ilala
51 AkoPalagi_II
50 shuttle_69
July 26, 2010
18:58 PM
__
basahin mo ang full transcript.
kung hindi mo maintindihan, maybe you’ll learn some much needed reading comprehension skills, unfortunately no one can teach your common sense.
49 AkoPalagi_II
kundi, ganun din ang gagawin ng future presidents, dahil di naparusahan si gloria. TAMA na ungaktin ni PNoy yun.
48 magsasaka
47 fanhan
46 mironmiron
45 humandynamics
44 mibiron
43 magsasaka
42 magsasaka
41 zama_jap
40 magsasaka
more comments