"Walumpu't anim na proyekto ang paglalaanan dapat nito na hindi na sana idadaan sa public bidding. Labingsiyam sa mga ito na nagkakahalaga ng 981 million pesos ang muntik nang makalusot. Hindi pa nailalabas ang Special Allotment Release Order ay pirmado na ang mga kontrata.
"Buti na lang po ay natuklasan at pinigilan ito ni Secretary Rogelio Singson ng DPWH. Ngayon po ay dadaan na ang kabuuan ng 3.5 billion pesos sa tapat na bidding, at magagamit na ang pondo na ito sa pagbibigay ng lingap sa mga nawalan ng tahanan dahil kina Ondoy at Pepeng.
NATIONAL POWER CORPORATION. "Pag-usapan naman natin ang nangyari sa NAPOCOR. Noong 2001 hanggang 2004, pinilit ng gobyerno ang NAPOCOR na magbenta ng kuryente nang palugi para hindi tumaas ang presyo. Tila ang dahilan: pinaghahandaan na nila ang eleksyon.
"Dahil dito, noong 2004, sumagad ang pagkakabaon sa utang ng NAPOCOR. Napilitan ang pambansang gobyerno na sagutin ang dalawandaang bilyong pisong utang nito.
"Ang inakala ng taumbayan na natipid nila sa kuryente ay binabayaran din natin mula sa kaban ng bayan. May gastos na tayo sa kuryente, binabayaran pa natin ang dagdag na pagkakautang ng gobyerno.
"Kung naging matino ang pag-utang, sana'y nadagdagan ang ating kasiguruhan sa supply ng kuryente. Pero ang desisyon ay ibinatay sa maling pulitika, at hindi sa pangangailangan ng taumbayan. Ang taumbayan, matapos pinagsakripisyo ay lalo pang pinahirapan.
METROPOLITAN RAILWAY TRANSIT. "Ganito rin po ang nangyari sa MRT. Sinubukan na namang bilhin ang ating pagmamahal. Pinilit ang operator na panatilihing mababa ang pamasahe.
"Hindi tuloy nagampanan ang garantiyang ibinigay sa operator na mababawi nila ang kanilang puhunan. Dahil dito, inutusan ang Landbank at Development Bank of the Philippines na bilhin ang MRT.
"Ang pera ng taumbayan, ipinagpalit sa isang naluluging operasyon.
NATIONAL FOOD ADMINISTRATION. "Dumako naman po tayo sa pondo ng NFA.
"Noong 2004: 117,000 metric tons ang pagkukulang ng supply ng Pilipinas. Ang binili nila, 900,000 metric tons. Kahit ulitin mo pa ng mahigit pitong beses ang pagkukulang, sobra pa rin ang binili nila.
"Noong 2007: 589,000 metric tons ang pagkukulang ng supply sa Pilipinas. Ang binili nila, 1.827 million metric tons. Kahit ulitin mo pa ng mahigit tatlong beses ang pagkukulang, sobra na naman ang binili nila.
"Ang masakit nito, dahil sobra-sobra ang binibili nila taun-taon, nabubulok lang pala sa mga kamalig ang bigas, kagaya ng nangyari noong 2008.
"Hindi po ba krimen ito, na hinahayaan nilang mabulok ang bigas, sa kabila ng apat na milyong Pilipinong hindi kumakain ng tatlong beses sa isang araw?
"Ang resulta nito, umabot na sa 171.6 billion pesos ang utang ng NFA noong Mayo ng taong ito.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
39 matoy_babyron
38 zama_jap
missPsycho
July 26, 2010
18:07 PM
----------
hindi nya sinisisi ang dating administrasion..nagtatanong sya saan napunta ang pera ng taong bayan..Dapat malaman ng taong bayan na ang perang inaasahan na mapunta sa tao o ang pundo ay nasimot na..
37 AkoPalagi_II
heavensent143
July 26, 2010
18:39 PM
lol, na mis-quote.
36 shuttle_69
July 26, 2010
18:07 PM bakit pa puro sisi nlang sya sa nag daang admin? d ba pwedeng gumawa nlang sya ng paraan kung paano i solve yung problems na namana pa nya from GMA's admin? wala naman naging presidente na walang minana na problema from the preceding presidents. yan lang ba talaga ang alam nya? kawawa naman pala ang mga taong na uto nya
---------------------------
kung yung pinsan ni PNoy ang nakaupo, wala kang madididnig na ganyan sa sona kundi pambobola.
___
lalo na cguro kung si sipag at tiyaga ang presidente tiyak simu't sarap ang pilipinas.
35 AkoPalagi_II
26 days palang.
34 heavensent143
atkinson
July 26, 2010
18:30 PM comment 15 heavensent......siguro si Mikey Arroyo ka, o baka naman si Luli ka o si Datu....Ano gusto mo, baliwalain na lang ang mga ninakaw ng pamilyang Arroyo.........
-------------------------------
lol...nagbabasa ka ba ng mabuti or talagang malabo ang mga mata mo... read my comment again... baka maslap pa kita sa fez dyan!
33 AkoPalagi_II
missPsycho
July 26, 2010
18:07 PM bakit pa puro sisi nlang sya sa nag daang admin? d ba pwedeng gumawa nlang sya ng paraan kung paano i solve yung problems na namana pa nya from GMA's admin? wala naman naging presidente na walang minana na problema from the preceding presidents. yan lang ba talaga ang alam nya? kawawa naman pala ang mga taong na uto nya
---------------------------
kung yung pinsan ni PNoy ang nakaupo, wala kang madididnig na ganyan sa sona kundi pambobola.
32 missPsycho
31 skyward
30 mollysam
29 magsasaka
28 shuttle_69
yanzee
July 26, 2010
17:58 PM
akopalagi
ayan ka na naman, umpisa ka na nman ng gyera. di ba pwede mag comment ng di kasama ang dos
-----------------------
di lang dos ang kasali dyan. group of companies nila.
__
tinamaan kaagad. sapul!
27 megz_940
mabuhay ka PNOY!!.. at sana anjan lagi ang transparency at accountability sa administrasyon mo...
26 atkinson
25 popstar
24 johnmico
23 AkoPalagi_II
yanzee
July 26, 2010
17:58 PM
akopalagi
ayan ka na naman, umpisa ka na nman ng gyera. di ba pwede mag comment ng di kasama ang dos
-----------------------
di lang dos ang kasali dyan. group of companies nila.
22 missPsycho
21 shuttle_69
heavensent143
July 26, 2010
___
cgurado taga-distrito ka ng mga arroyo sa pampanga. ha ha ha.
20 atkinson
more comments