Meryll Soriano on her second Cinemalaya Best Actress award: "Tsamba lang 'yon!"


 
"Napaka-natural naman sa akin na gumawa ng indie. Ito na yung buhay ko. Taon-taon, [halos] meron ako sa Cinemalaya," says Meryll Soriano, who won her second Cinemalaya Best Actress award for her performance in Donor.

Meryll Soriano on her second Cinemalaya Best Actress award: "Tsamba lang 'yon!"

William R. Reyes

Rating

Sa Cine Adarna ng University of the Philippines Film Institute (UPFI) pinapanood ni Meryll Soriano ang karamihang entries sa Cinemalaya 2010. Ongoing sa UP ang festival simula July 20 hanggang sa Biyernes, July 30.

 

"Ang layo kasi ng CCP [Cultural Center of the Philippines, venue ng Cinemalaya, mula July 9-18, 2010], di ba? Napanood ko doon yung pelikula ko lang, yung Donor, kaya nakonsensiya naman ako," bungad ni Meryll sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last July 21.

 

Sa nabanggit na Directors' Showcase entry nagwaging Best Actress si Meryll Soriano. Napili ring Best Picture ng nasabing kategorya ang Donor. Ang kuwento'y tungkol sa organ trafficking at iba pang ilegal na gawaing kinakasangkutan ng pangunahing tauhang si Lizette Bernal (Meryll) na may live-in lover na batugan, si Danny (Baron Geisler).

 

"Grabe din talaga yung bakulaw na 'yon!" biro ni Meryll, patungkol kay Baron na kasama niyang nanalo ng parangal (Best Actor) para sa Donor. "Mahusay talaga, e. Galing!"

 

Naging magandang ideya na pagsamahin sa Donor ang dalawang past winners ng Cinemalaya full-length feature category: Meryll Soriano (Cinemalaya 2005 Best Actress, for Aloy Adlawan's Room Boy) and Baron Geisler (Cinemalaya 2008 Best Actor, for Francis Xavier Pasion's Jay).

 

"Pressure talaga kay Mark Meily!" natatawang komento ni Meryll, na ang tinutukoy ay ang direktor ng Donor.

 

Bukod sa pagwawagi nina Meryll at Baron, nanalo pa ng tatlong parangal ang Donor: Best Supporting Actress (Karla Pambid), Best Production Design (Aped Santos), at Directors' Showcase Best Picture. 

 

Donor was cited "for its mastery of nearly all the technical elements of filmmaking, its all-too real depiction of the compromises and sacrifices that Filipinos go through to get out of the poverty trap, and its engaging portrayal of a woman forced to donate a part of her body in order to discover herself."

 

Dahil nanalong Best Picture (Directors' Showcase) ng Cinemalaya 2010, dalawa ang screening ng Donor sa UP Cine Adarna: sa July 28 (Wednesday), 5 p.m.; at July 30 (Friday), 7:30 p.m.

 

ON DOING DONOR. Hindi ba nagkaroon ng pag-aalinlangan si Meryll nang i-offer sa kanyang magbida sa Donor, na ang dating title ay Isang Pirasong Buhay, with its delicate theme and characterization?

 

"Hindi naman," sagot niya. "Kasi ako, ang golden rule ko sa paggawa ng pelikula, babasahin ko muna yung script. Kahit excited na excited akong makatrabaho ang direktor, importante sa akin yung material.

 

"I've been in this business for a very long time already," sabi pa ng aktres, na nagsimula rin sa showbiz bilang isang child star. As a grown-up, nahasa siya sa pagganap sa mga pelikulang drama, then lately sa mga indie movies na tulad ng Donor ay nagbibigay sa kanya ng self-fulfillment bilang aktres.

 

"Parang masarap din, e. Nakikita mo, nanonood ka ng ibang pelikula, sa ibang bansa, mga indie films, mga art films... Donor is something that I really wanted to do. Walang overacting... And you know, as an actor, you wanna try different things," makahulugang sabi pa ng premyadong aktres.

 

"Tsamba lang 'yon," sambit naman ni Meryll sa punang isa na siyang multi-awarded actress with two Best Actress awards from Cinemalaya (for Meily's Donor and Adlawan's Room Boy) and an Urian Best Supporting Actress trophy for Ron Bryant's Rotonda (2006), na entry rin sa Cinemalaya nang taong 'yon.

 

She's particularly happy over her latest win.

 

"Pana-panahon lang, e. Pero magaling talaga si Mark Meily. Pangarap ko talaga siyang maging direktor," sabi niya of her director, whose past full-length features, like Crying Ladies (2003), La Visa Loca (2006) and Baler (2008), ay pinanonood daw lahat ni Meryll.

 

"Gustung-gusto ko yung Crying Ladies!" sambit ng aktres. "Fan na fan ako! Sabi ko nga... tinanong ko pa siya, 'Talaga bang gusto mo akong kunin?'"

 

Unang nagkasama sina Meryll at Direk Mark sa TV commercial shoot para sa isang disposable diaper brand, kung saan gumanap as mom and baby ang real-life mag-inang sina Meryll at Elijah, ang two-year-old son ni Meryll sa nakahiwalayang aktor na si Bernard Palanca.

 

AUNT MARICEL. Kinumusta rin ng PEP kay Meryll ang kanyang actress-aunt na si Maricel Soriano. Sabi niya'y si Marya ang unang bumati sa kanya upon her winning. No doubt, Maricel is very happy for her actress-niece.

 

"Oo, siya nga yung unang nag-congratulate!" banggit ni Meryll. "Sabi ko, 'Ang galing mo naman. Alam mo agad!' Sagot niya, 'Of course! Ako pa!'"

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
33 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement