Hindi nagsimula at nagtapos sa "My Stalking Heart" episode ng Dear Friend ang team-up nina Carl Guevara at Jennica Garcia. Bukod sa upcoming sitcom na Jejemom with Eugene Domingo, sina Carl at Jennica ang guest artists this week sa primetime series ng GMA-7 na Pilyang Kerubin.
Masaya si Carl na muli silang magkakasama ni Jennica.
"Masaya ako kasi nakatrabaho ko na siya sa Dear Friend. Magaan na yung working relationship namin. Kumbaga, meron nang experience. Alam na namin kung paano saluhin ang isa't isa."
Dugtong pa niya, "Ang dami rin nagko-comment sa love team namin. Kumbaga, nakakatuwa raw. Masaya ako sa team-up naming dalawa ni Jenica. 'Tsaka ngayon, mas nararamdaman ko rin na mas nakakapag-usap na kami, mas nakakapag-bonding na rin kahit sa taping."
Kahit sila ang magka-love team, sa iba naman nali-link ngayon si Jennica—sa rumored boyfriend nito na si Alwyn Uytingco. Okey lang ba ito kay Carl?
"Oo, okey lang. Walang problema sa akin yun," sagot ng model turned actor. "Kumbaga, personal na buhay na yun. Kumbaga sa akin, screen partner ko siya. Sa trabaho, masaya ako na ka-partner ko siya. Pero sa personal na buhay, hindi ko na pinakikialaman ang personal na buhay niya."
Siya naman daw ay nananatili pa ring single after his breakup with Daiana Menezes.
"Wala pang makita, e," nakangiti niyang sabi. "Wala pang dumarating. Trabaho muna. Kumbaga, mag-focus muna sa trabaho. Pero yung manager ko, si Perry Lansigan, hindi naman niya ako pinagbabawalan na mag-girlfriend. Kumbaga, ako na rin mismo sa sarili ko, gusto ko rin na mag-focus lang muna sa trabaho. Siguro, nagkataon din kasi na wala pa talagang nakikita, wala pa talagang dumarating."
COSMO HUNK. Nag-pictorial na rin si Carl para sa Cosmo Bachelor Bash 2010, kung saan isa siya sa celebrity bachelors na rarampa sa Cosmo event on September 9.
Dahil rumampa rin siya last July 2 sa Bench Uncut fashion show na naka-underwear, anong paghahanda naman ang ginagawa niya ngayon for the Cosmo event?
"So far, hindi pa talaga ako nagpi-prepare nang todo for the Cosmo event," sabi ni Carl. "Siguro kapag mga two weeks before ng event, do'n ako magpi-prepare talaga. Masyado rin kasing mahirap kapag matagal ang preparation mo, e. Ang sabi lang sa amin, yung concept daw kasi, parang born to be wild. Yung pictorial namin, may mga kasama rin kaming hayop."
May pressure pa ba siyang nararamdaman sa pagrampa for Cosmo gaya ng naramdaman niyang pressure noon sa Bench?
"Sa Cosmo? Hindi na, siguro dahil nakarampa na ako sa Bench. Pero siyempre, kailangan mo pa rin paghandaan. Kailangan mo pa rin mag-workout. Pero, hindi na ako napi-pressure. Kung ano ang maipapakita mo, yun na yun, e," sabi ni Carl.






bruce_lee
July 28, 2010
05:40 AM
Correct, since two weeks ago pa yan, napag hahalatang may kinikilingan ang website na ito!
----------------------
182395
bakit ayaw magbukas ng comment page ng TNS rating - knock knock PEP PEP PEP PEP
---------------------------------
actually wla n nga xa sa mga latest post d2 sa PEP at tinabunan ng wlang wentang post showbiz news d2... hahha.. knowing PEP... at e2 pa ung AGB pyatas ratings nung Fri til Sun eh ndi n rin na post d2... bkit kaya? dhil ba sa sobrang taas ng ratings ng SHOWTIME at natalo pa ng ASAP XV replay episode ung party payatas? hahahahaha... AGB GMA at PEP tandem nga naman....
Pero whenever I see him, his lipgloss gay character ang naalala ko!
Well anyway goodluck!
pagbutihin mo ha
leading man material ka pa naman.
hehe
di sya ganun kagwapo pero malakas sex appeal nya.
palagi namin pinapanood ang pilyang kerubin.
fave ng pamangkin ko sina elmo magalona
more power carl
----------------------
182395
bakit ayaw magbukas ng comment page ng TNS rating - knock knock PEP PEP PEP PEP
certified_ori
g1
sorry not for display....hehehe