Nauna nang inilabas sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na papalitan ng ABS-CBN ang pantanghaling programa ni Willie Revillame na Wowowee (CLICK HERE to read related article).
Pero imbes na back-to-back show nina Kris Aquino at Robin Padilla, gaya ng naunang naibalita ng PEP, kinumpirma ng ABS-CBN sa pamamagitan ng statement na pinadala nito sa PEP na magkakasama sa iisang show ang dalawang artista.
Heto ang official statement mula sa Kapamilya station:
"Ilulunsad na ng ABS-CBN ang isang bagong noontime show sa Sabado, July 31. Ito ay ang Pilipinas, Win Na Win!, na pagtatampukan nina Robin Padilla, Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion, Pokwang, at Kris Aquino. Ang programa ay isang game-at-variety show na tiyak na magbibigay sigla at pag-asa sa mga Pilipino saan mang panig ng mundo.
"Ang Pilipinas, Win Na Win! ay papalit sa Wowowee. Si Willie Revillame, sa pamamagitan ng kanyang manager na si Arlene de Castro, ay nasabihan na tungkol sa pagbabagong ito. Napaalam na rin kay Willie ang programang pinaplano para sa kanya at ito raw ay ipapahayag ng network sa takdang panahon.
"Ang Pilipinas, Win Na Win! ay pamumunuan nina Direk Johnny Manahan, Creative Director Bobot Mortiz, Business Unit Head Jay Montelibano, Executive Producers Phoebe Anievas and Rancy Recato. Ito ay mapapanood pagkatapos ng Showtime."
Matatandaang nag-host ng isang linggo si Robin sa Wowowee at binigyan ng offer noon na maging permanenteng host ngunit tinanggihan ito ng aktor. (CLICK HERE to read related article.)
Kasama rin sa magiging co-host ay si Pokwang, na sa panayam nito kay Mario Dumaual ng TV Patrol ay naluha sa tuwa noong nalaman ang bagong balita.
"Kaya talaga ngang nagulat ako, na wala akong alam..." magkasamang iyak at ngiting pahayag ng komedyana. "Thank you. Nagpapasalamat naman po ako dahil alam ko at nararamdaman ko na...Salamat po."
Reaksiyon naman ni Kris na nagpadala ng mensahe mula sa Amerika, sinabi nito na masaya siya sa pagbabalik niya sa telebisyon at pati na rin ang oportunidad na makatrabaho sina Robin, Pokwang at iba pa sa Pilipinas, Win Na Win!
Na-retain din si Valerie Concepcion. At ayon sa manager nitong si Becky Aguila, malaking surpresa at blessing daw sa kanila ang bagong show.
Hindi naman nakapagbigay ng pahayag si Mariel dahil namamaga pa diumano ang lalamunan nito.
Nagpasalamat naman si Robin sa pamamagitan ng text message. Aniya, isang panibagong oportunidad na makapagpasaya at makapagbigay ng tulong sa mga kababayan as buong daigdig.
Wala pang nakukuhang reaksiyon mula sa dating host ng Wowowee na si Willie Revillame.






kewl
July 30, 2010
16:19 PM next week....31yrs na ang eat bulaga!!! kaya nyo yan??? tapatan nyo! hahaha
--------
Eh ano naman ngayon....? buti sana kung yang 31 years na existence na yan eh kanyang kanya ng gme...duh!
ipur
July 30, 2010
16:32 PM
----------------------------
sensya na wala kasi ako sa pinas e so mas una ang date jan...bakit bawal ba magkamali??? matatapos na pala ang july ngayon....ngayon na pala....
Tsk, tsk, who knew na sa labang,
Willie Revillame vs Jobert Saculdito,
babagsak ang isang Willie Revillame.
The straw that broke the camel's back. Inabuso masyado ni Willie ang ABS-CBN at ang taumbayan. Kaya sa isang lightweight na Jobert, bumagsak na siya. NA OVERLOAD na kasi, dahil kasama sa pagbagsak rin niya ang resulta ng mga previous ABUSES niya.
ABS had to axe wowowee, kc, altho, ABS is d producer--eh ang mga detalye ng mga segments nito ay authorship ni Willie!! in fairness to Willie, he almost singlehandedly authored everything that the show offered sa viewers!! lyk yun sa Wille of Fortune, kht mga spiels ng mga co-hosts nya na tumatak sa tao--sya ang nagbibgy ng go signal kung ok o hindi!! pati musical scoring, sya din ang director--kaya nga minsan, sinisita nya even on air, ang musical scorer nya pag nale-late maglagay ng scoring o sound effect sa bawat dialogue na bitiwan nya o ng mga contestants..
----------
IYON NAMAN PALA, one man band ang show niya. Bakit di na lang siya ang mag produce ng sarili niyang show, siya na ang creative director, ang sound editor, ang cameraman, ang scriptwriter, siya na rin ang buyer of ads. Bakit na mumuproblema pa siya na bigyan ng show ng ABS-CBN. E di bayaran niya ang kontrata niya, para makawala na siya sa kontrata na iyon, mayaman naman na siya, di ba? T
I just hope that Mr. Revillame does not go back doing another show with ABS CBN.
------------
Who makes this decision ba?
Di mo ba nakita iyong interview recently kay Willie Revillame, na tikom lang ang bibig niya, when asked if he was returning to WOWOWEE at the end of the month? Katabi niya si Edgar Mortiz, at tatawa tawa lang sila. Who knows kung sino sino ang gumagapang FOR Willie, to get back to a tv show, di nga ba, may balitang bibigyan ng bagong tv show si Willie sa ABS-CBN? Sulatan si Gabby Lopez, and let your sentiments known. I-frozen delight na si Willie Revillame ng tulayan, hanggang sa mag expire ang kontrata niya.
19:44 PM
congratulations to abs-cbn, ibinalik na pala si willy... sa pinanggalingan nya... he-he-he.
------------
Huwag kang pasisiguro. Nariyan pa rin ag mga backers ni Willie Revillame, ready to bring him back, pag nalingat ang publiko. Thanks to madaldal na Cristy Fermin at na-trimbehan ang madlang pipol. Ang nakapagtataka, bakit ginawa pa ring CREATIVE DIRECTOR si Edgar BOBOT MORTIZ, sa bagong show na ito? Si BOBOT ang CREATIVE DIRECTOR ng WOWOWEE. Isa rin siya sa may pakana ng kabastusan sa WOWOWEE, si Willie Revillame nga lang ang nakikita natin. What's up with that Charo Santos Concio? NEPOTISM to the max naman ito. Dahil ba brother-in-law mo siya?
kewl
next week....31yrs na ang eat bulaga!!! kaya nyo yan??? tapatan nyo! hahaha
-----------------------
uy, supporter ka ba talaga sa show na yan? di next week ang ika 31th year n'ya... ngayon na!!! mang-aasar ka lang, di mo pa alam ang details...hahahahahaha
skygem13
PILIPINAS WIN NA WIN!!! SABADO NA PO!
-----------------------
wow, isang tulog na lang...
bilis bilisan na. siguro walang tulugan na to mamaya para sa gagawing panguntra bukas...hahahahahaha