Nauna nang inilabas sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na papalitan ng ABS-CBN ang pantanghaling programa ni Willie Revillame na Wowowee (CLICK HERE to read related article).
Pero imbes na back-to-back show nina Kris Aquino at Robin Padilla, gaya ng naunang naibalita ng PEP, kinumpirma ng ABS-CBN sa pamamagitan ng statement na pinadala nito sa PEP na magkakasama sa iisang show ang dalawang artista.
Heto ang official statement mula sa Kapamilya station:
"Ilulunsad na ng ABS-CBN ang isang bagong noontime show sa Sabado, July 31. Ito ay ang Pilipinas, Win Na Win!, na pagtatampukan nina Robin Padilla, Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion, Pokwang, at Kris Aquino. Ang programa ay isang game-at-variety show na tiyak na magbibigay sigla at pag-asa sa mga Pilipino saan mang panig ng mundo.
"Ang Pilipinas, Win Na Win! ay papalit sa Wowowee. Si Willie Revillame, sa pamamagitan ng kanyang manager na si Arlene de Castro, ay nasabihan na tungkol sa pagbabagong ito. Napaalam na rin kay Willie ang programang pinaplano para sa kanya at ito raw ay ipapahayag ng network sa takdang panahon.
"Ang Pilipinas, Win Na Win! ay pamumunuan nina Direk Johnny Manahan, Creative Director Bobot Mortiz, Business Unit Head Jay Montelibano, Executive Producers Phoebe Anievas and Rancy Recato. Ito ay mapapanood pagkatapos ng Showtime."
Matatandaang nag-host ng isang linggo si Robin sa Wowowee at binigyan ng offer noon na maging permanenteng host ngunit tinanggihan ito ng aktor. (CLICK HERE to read related article.)
Kasama rin sa magiging co-host ay si Pokwang, na sa panayam nito kay Mario Dumaual ng TV Patrol ay naluha sa tuwa noong nalaman ang bagong balita.
"Kaya talaga ngang nagulat ako, na wala akong alam..." magkasamang iyak at ngiting pahayag ng komedyana. "Thank you. Nagpapasalamat naman po ako dahil alam ko at nararamdaman ko na...Salamat po."
Reaksiyon naman ni Kris na nagpadala ng mensahe mula sa Amerika, sinabi nito na masaya siya sa pagbabalik niya sa telebisyon at pati na rin ang oportunidad na makatrabaho sina Robin, Pokwang at iba pa sa Pilipinas, Win Na Win!
Na-retain din si Valerie Concepcion. At ayon sa manager nitong si Becky Aguila, malaking surpresa at blessing daw sa kanila ang bagong show.
Hindi naman nakapagbigay ng pahayag si Mariel dahil namamaga pa diumano ang lalamunan nito.
Nagpasalamat naman si Robin sa pamamagitan ng text message. Aniya, isang panibagong oportunidad na makapagpasaya at makapagbigay ng tulong sa mga kababayan as buong daigdig.
Wala pang nakukuhang reaksiyon mula sa dating host ng Wowowee na si Willie Revillame.






kinabog
July 28, 2010
23:10 PM
-------
ang poor ang gma dahil bumabagsak ang stock value, pullout pa ads..talunan pa sa ratings kaya nagtiis sa 1 figure ratings na PEOPLE'S RATING hahahhah
tanungin mo si GOZON? kawawa ang gma..
kinabog
July 28, 2010
23:10 PM
--------
BITTER KA LANG...HAHAHAHAHAH..ur gma is still undisputed no. 2...or 3? hahahhaa
phrexxx
July 28, 2010
23:02 PM
______________________________
hunghang anong akala mo sa Probe Team?
at ABS pumayag na ipasok ang Viva artist sa kanila na dati puro Star Magic talent lang aber?
so CORRECTION, ikaw ang mag esep esep!
poor you and poor ABS.
hahahahahahahahahahahahahahahahaha!
yesyesyo
July 28, 2010
22:17 PM
ihanda na rin ang mga hukay para sa twist and shout, M3, simply KC, at panahaon ko to...
___________________________
isama pa ang ASAP to the XV level ang kacheapan.
hahahahahahahaahahahaha!
ayluvhue114
July 28, 2010
19:15 PM Tama ang Eat Bulaga ay produced ng TAPE at ndi ng GMA7. Kasi ndi kurakot at mapagsamantala ang GMA7 tulad ng ABS.
Dati nasa ABS ang Eat BUlaga, pero nung nagre rate at ito at bumenta sa taong bayan, ABS wanted to owned and produce Eat Bulaga. Kaya nga lumipat ang EB sa GMA7 dahil dun.
Sugapa kasi ang ABS, basta nagrate gusto nila sila na magproduce at makinabang!
------------
CORRECTION..esep esep muna huwag pairalin ang kabobohan.. 4 ur info, lumipat ang EB dahil abs-cbn made an innovative wise decision to bring the company to a higher level..dahil sa katalinuhan ng mga executive ng abs they decided to produce their own show and will not allow block timer like EB. kahit napakataas ng ratings ng EB, abs let them go..they risk and it's worth it...dahil lahat ng shows ng abs sarili nilang produce.
ang gma..dahil poor station, pumayag sa EB just to boat their ratings. take note, kunti lang ki
chances2010
July 28, 2010
21:29 PM hahaha...walang hiyang GMA...tinapat ang kapuso movie festival sa showtime para manalo lang sila...atat na atat talaga sa ratings ang GMA... kadiri!!!!
--------
DONT WORRY mataas man ang rating ng movies na pinantapat nila wla naman income diyan dahil walang gustong magput ng ads..hahahah kaya kampante talaga ang abs..cant even accomodate sa dami nang gustong magadvertise...
sayang itong valerie na ito...ayan, hanggang dyan na lang ang career mo iha....
lagi naman pilipino movies ang filler ng gma kapag nabakante ang timeslot muna ha.
promo ito ng bagong show, idadawit nyo ibang station. tsk tsk tsk
talagang hanap ratings agad ah...
hay naku, maka-pintas nga lang talaga....
sigurado, arte arte ito kasi kasama si kris. andyan pa mariel at nahahawa nang valerie...