Kaya naman pala nakapagsalita nang ganito si Jean ay nabuking din siya ng press—na foreigner ang ikinukuwento niyang guy na kinakikiligan niya ngayon.
"Oo, foreigner siya," pag-amin ni Jean sa pangungulit ng press.
"So, kahit na mabasa niya ito, hindi niya maiintindihan!" tawa niya.
Taga-saang bansa ang foreigner guy na ito?
"Huwag na po," pakiusap ni Jean. "Kasi, wala pa talaga, wala pa talaga... Andun pa lang sa stage na getting to know... Kung anong age, huwag na rin nga yun dahil hindi siya mas matanda sa akin."
So, mas bata sa kanya ang lalake?
"Yun na! Yummy!" halakhak ni Jean.
So, anong feeling niya na may isang foreigner na stranger na lumapit sa kanilang grupo upang makilala siya?
"Lumapit naman, oo nga... Wala lang. Kasi nung unang paglapit niya, okey lang, hindi ako masyadong interested, kasi kasama ko yung grupo, e. Friends. Wala lang... Umupo siya sa table namin. Chumika muna, ganyan-ganyan. Tapos, tumabi na siya sa tabi ko."
Pero single ba ang guy?
"Yes!" bulalas niya. "Well, I hope so. Sana hindi siya nagsisinungaling bilang hindi ako masyadong ano... Pero I asked him. Basta, huwag na muna, wala pa nga. Pero alam mo, hindi yung pisikal, e. It's the person. Mabait talaga siya. Basta, yun lang."
Ayon kay Jean, wala pang isang buwan na magkakilala sila ng foreigner guy na ito. Masasabi ba niyang ito na ang inspirasyon niya ngayon?
"Korek!" pag-amin ni Jean. "Pero gusto ko lang i-enjoy. Kasi, may mga nanliligaw sa akin ngayon, pero alam mo yun, ito, hindi naman sobrang intense agad, yung parang kilig factor lang na parang talagang gusto mo siya."
Inamin din Jean na hindi alam ng banyagang lalake na isa siyang sikat na artista dito, pero kinalaunan ay nalaman na rin nito.
"Dati, hindi niya alam, pero ngayon, alam na niya. Dati hindi, pero nung nagkita kami ulit, ang mga tao, 'Madam...' Nagpapa-picture, gano'n. Noong nalaman niyang artista ako, dedma. Wala naman siyang pakialam. As in walang pakialam. So, ie-enjoy ko muna ito," sabi ng aktres.






try mong mag artista sige..kung gusto mo ikaw na bida...nagmamagaling ka jan..akala mo naman napag daanan mo na yung napag daanan ni jean..umayos ka nga ng pananalita mo ahh...
ms. jean wag mo nang pansinin yang mga pangit nayan...goodluck sa carre...sana makta mo na si mr.right...loveyou...
love ko kayo ni ate nic...
condolence na rin ahh..sana malagpasan mo yung mga pagsubok na pinag daanan nyo ngayon...positive lang palagi katulad ng palaging tine text sa akin ahh...loveyou...
PEACE! SANA MAGING MALIGAYA KA!