PART 1. Kris Aquino says her sons did not ask for James when they were on U.S. vacation

Erwin Santiago
"Carpe diem!"
Saturday, July 31, 2010 @ 04:46AM  |  120416 views

 

"I think kung nakita nilang miserable ako dun sa bakasyon at nag-iiyak ako do'n, do'n nila mapi-feel na there's something wrong. Pero kung nakita naman nila na magaan ang pakiramdam ko, nung nanay nila, masaya kami, hindi sila magtatanong. Di ba? Yung parang wala silang hinanap," says Kris Aquino about her U.S. trip with sons Josh and Baby James, without husband James Yap.

Photo By: Courtesy of ABS-CBN













Dumating kahapon ng madaling-araw, July 30, ang TV host-actress na si Kris Aquino mula sa tatlong linggong pagbabakasyon sa U.S. kasama ng mga anak niyang sina Josh at Baby James.

Kasabay ng kanyang pagbabalik ay ang pagsalubong ng mga intrigang iniwan niya at umusbong habang wala siya sa bansa. Kaya naman paglapag ng eroplanong sinasakyan ay isang exclusive interview agad ang ibinigay sa kaibigan at manager na si Boy Abunda sa airport pa lang.

Ipinalabas ang unang bahagi ng panayam ni Boy kay Kris kagabi rin sa late-night showbiz talk show ng ABS-CBN na SNN: Showbiz News Ngayon. Ang ikalawang bahagi, kung saan sinagot ni Kris ang tungkol sa hiwalayan nila ng asawang si James Yap, ay ipalalabas sa The Buzz sa Linggo, August 1. Ang dalawang showbiz talk shows na nabanggit ay dating mga programa ni Kris kasama si Boy, na matalik at matagal na niyang kaibigan.

Matatandaang pinili niyang iwanan ang mga ito matapos manalo sa nakaraang elekisyon ang kapatid niyang si President Noynoy Aquino, upang wag na raw dumami pa ang ipasasagot na isyu sa presidente. Kilala kasi si Kris bilang media magnet. Ang anumang sabihin nito ay nagkakarun ng media coverage, liban pa sa talagang media savvy ang actress at host. 

U.S. VACATION. Unang kinumusta ni Boy ang pagbababakasyon nila.

"It's nice to be back!" masayang bungad ng TV host-actress. "It was really a good vacation for the three of us. I mean, ako, si Josh, si Baby James, kasi yun yung time namin talaga na nabawi ko sa kanila lahat ng panahon na nawala sa kanila because of the campaign [last election].

"It was good to be semi-anonymous," nangingiting patuloy ni Kris. "Marami ring Pinoy na nagtatrabaho sa Disney, pero they were really so nice. So, yung cruise namin masaya. Yung Disneyworld, I became fit kasi naka-on yung pedometer dun sa iPhone ko. So, in a day, nakaka-six to seven miles kami kasi lakad ka nang lakad. Ako, makikita n'yo lahat ng pictures, ako yung taga-push ng stroller ni Bimby [palayaw ni Baby James].

"'Tapos, first time niya ma-experience mag-rollercoaster. Si Bimby, I'm so proud kasi may height requirement, 40 inches. Forty-two inches na siya! Normally, that 40 inches para for you to be about five years old, so matangkad talaga anak ko, nakasakay ng lahat ng rollercoaster!" Tatlong taon na si Baby James.

Bukod sa mga nabanggit ni Kris, ang isang bagay pa raw na nagawa niya noong nasa U.S. sila ay ang paglalaba.

Kuwento niya, "Oo, pinaglaba ko sila nung nasa Disney cruise kami... Kasi yung mga nag-aayos ng kuwarto, they were outside kasi. Bawat floor, parang may laundry room. 'Tapos yung mga Pinoy, sinabi talaga, 'Ma'am, kayo po naglalaba?' Sabi ko, 'Oo, kasi nagsu-swimming yung mga yaya!'"

Ayon pa kay Kris, walang signal ang telepono niya during the entire cruise kaya nawalan siya ng contact sa mga malalapit na tao sa kanya dito sa Pilipinas.

"So, for five nights, we were really taken away from the world," sabi niya.

Pagkatapos nito ay ikinuwento na niya ang iba pa nilang ginawa sa bakasyon nila.

"So, every night, nakanood kami ng mga Disney presentations na Broadway quality. Nakapunta kami sa Bahamas, na feeling ko naman, dyusko, di hamak mas maganda ang Boracay... Oo, I swear! Yung Castaway Cay nila, na island ng Disney [sa Bahamas], yun ang maganda. Pero kung tatanungin n'yo ako, kulang lang tayo sa pag-push, pero kayang-kaya natin 'yon.

"But Florida was a wonderful experience kasi I could be a child again through their eyes. Hindi mo iindahin yung init, yung pagod, yung pila, kasi ang saya! Talagang in heaven yung dalawa ko."

1  2  3  Next »

Related Articles

151 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name