"I think kung nakita nilang miserable ako dun sa bakasyon at nag-iiyak ako do'n, do'n nila mapi-feel na there's something wrong. Pero kung nakita naman nila na magaan ang pakiramdam ko, nung nanay nila, masaya kami, hindi sila magtatanong. Di ba? Yung parang wala silang hinanap," says Kris Aquino about her U.S. trip with sons Josh and Baby James, without husband James Yap.
PART 1. Kris Aquino says her sons did not ask for James when they were on U.S. vacation
Saturday, July 31, 2010
04:46 AM
Rating
Dumating kahapon ng madaling-araw, July 30, ang TV host-actress na si Kris Aquino mula sa tatlong linggong pagbabakasyon sa U.S. kasama ng mga anak niyang sina Josh at Baby James.
Kasabay ng kanyang pagbabalik ay ang pagsalubong ng mga intrigang iniwan niya at umusbong habang wala siya sa bansa. Kaya naman paglapag ng eroplanong sinasakyan ay isang exclusive interview agad ang ibinigay sa kaibigan at manager na si Boy Abunda sa airport pa lang.
Ipinalabas ang unang bahagi ng panayam ni Boy kay Kris kagabi rin sa late-night showbiz talk show ng ABS-CBN na SNN: Showbiz News Ngayon. Ang ikalawang bahagi, kung saan sinagot ni Kris ang tungkol sa hiwalayan nila ng asawang si James Yap, ay ipalalabas sa The Buzz sa Linggo, August 1. Ang dalawang showbiz talk shows na nabanggit ay dating mga programa ni Kris kasama si Boy, na matalik at matagal na niyang kaibigan.
Matatandaang pinili niyang iwanan ang mga ito matapos manalo sa nakaraang elekisyon ang kapatid niyang si President Noynoy Aquino, upang wag na raw dumami pa ang ipasasagot na isyu sa presidente. Kilala kasi si Kris bilang media magnet. Ang anumang sabihin nito ay nagkakarun ng media coverage, liban pa sa talagang media savvy ang actress at host.
U.S. VACATION. Unang kinumusta ni Boy ang pagbababakasyon nila.
"It's nice to be back!" masayang bungad ng TV host-actress. "It was really a good vacation for the three of us. I mean, ako, si Josh, si Baby James, kasi yun yung time namin talaga na nabawi ko sa kanila lahat ng panahon na nawala sa kanila because of the campaign [last election].
"It was good to be semi-anonymous," nangingiting patuloy ni Kris. "Marami ring Pinoy na nagtatrabaho sa Disney, pero they were really so nice. So, yung cruise namin masaya. Yung Disneyworld, I became fit kasi naka-on yung pedometer dun sa iPhone ko. So, in a day, nakaka-six to seven miles kami kasi lakad ka nang lakad. Ako, makikita n'yo lahat ng pictures, ako yung taga-push ng stroller ni Bimby [palayaw ni Baby James].
"'Tapos, first time niya ma-experience mag-rollercoaster. Si Bimby, I'm so proud kasi may height requirement, 40 inches. Forty-two inches na siya! Normally, that 40 inches para for you to be about five years old, so matangkad talaga anak ko, nakasakay ng lahat ng rollercoaster!" Tatlong taon na si Baby James.
Bukod sa mga nabanggit ni Kris, ang isang bagay pa raw na nagawa niya noong nasa U.S. sila ay ang paglalaba.
Kuwento niya, "Oo, pinaglaba ko sila nung nasa Disney cruise kami... Kasi yung mga nag-aayos ng kuwarto, they were outside kasi. Bawat floor, parang may laundry room. 'Tapos yung mga Pinoy, sinabi talaga, 'Ma'am, kayo po naglalaba?' Sabi ko, 'Oo, kasi nagsu-swimming yung mga yaya!'"
Ayon pa kay Kris, walang signal ang telepono niya during the entire cruise kaya nawalan siya ng contact sa mga malalapit na tao sa kanya dito sa Pilipinas.
"So, for five nights, we were really taken away from the world," sabi niya.
Pagkatapos nito ay ikinuwento na niya ang iba pa nilang ginawa sa bakasyon nila.
"So, every night, nakanood kami ng mga Disney presentations na Broadway quality. Nakapunta kami sa Bahamas, na feeling ko naman, dyusko, di hamak mas maganda ang Boracay... Oo, I swear! Yung Castaway Cay nila, na island ng Disney [sa Bahamas], yun ang maganda. Pero kung tatanungin n'yo ako, kulang lang tayo sa pag-push, pero kayang-kaya natin 'yon.
"But Florida was a wonderful experience kasi I could be a child again through their eyes. Hindi mo iindahin yung init, yung pagod, yung pila, kasi ang saya! Talagang in heaven yung dalawa ko."
HOMECOMING. Naging espesyal din daw para kay Kris ang pagbisita nila sa Boston, Massachusetts, kung saan nanirahan ang pamilya Aquino sa loob ng tatlong taon. Ito yung panahong kasama pa nina Kris at ng kanyang apat na kapatid ang mga magulang nilang sina former President Cory Aquino at former Senator Ninoy Aquino.
"Sabi ko nga, I was telling my sisters na... nagte-text ako na, 'I never realized it was this beautiful, na ang suwerte natin na we had those three years to be with our mom and dad na kumpleto tayo, na ganun kaganda yung lugar.'
"Tapos dumalaw kami dun sa dati kong school, do'n sa church kung saan kami nagsisimba. Dumaan kami doon sa bahay namin, nag-picture taking and all... Pumunta kami sa favorite na restaurant ni P-Noy [President Noynoy Aquino], kinunan namin ng pictures lahat ng pizza na kinain namin. 'Tapos sinabi ko sa kanya [P-Noy], 'O, ikinain ka na lang namin.'"
Tinanong ni Boy si Kris kung ano ang halaga ng tatlong taong nanirahan sila sa Boston. Pero imbes na sagutin kung ano ang kahalagahan ng paninirahan nila noon, sinabi ni Kris ang kahalagahan ng pagbabalik niya roon.
"Ang halaga na lang ng pagdalaw ngayon, hindi ako malungkot," sabi niya. "Kasi, alam ko, come Sunday [August 1], it will be very emotional for all of us. Tinatanong ni Pinky [Kris's sister], 'Naluha ka?' Sabi ko, 'No.' Kasi na-feel ko we were so blessed na nabigyan kami ng pagkakataon na magkaroon ng normal na buhay. Kaya kung may halaga ang pagdalaw namin doon, it made me so grateful for my childhood."
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- PEP SPECIAL REPORT PART 2 : Kris Aquino's lawyer says actress's petition to nullify marriage to James Yap was not given "special accommodation"
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Kris Aquino's marriage to James Yap is now officially annulled
- Kris Aquino keeps mum on reports the court has ruled on her petition for annulment of marriage with James Yap
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Marian Rivera on working with Dingdong Dantes: "Mas tumindi kung ano man meron kami ni Dong. Hindi lang as partners...pati friendship namin."
- Comedienne Mosang says she lost P105,000 in a scam
- JC Tiuseco denies rumors he's courting Sarah Lahbati
- Alex Gonzaga hosts new game show with Chris Tiu
- Saab Magalona enjoys playing a villainess in new series
- Liz Uy keeps mum about rumored romance with Ely Buendia; refuses to comment on PNoy-Grace Lee hookup
-
Theater
Cirque Mother Africa will be presented from April 19-22 at Resorts World Manila
Dancers, percussionists, singers, acrobats and contortionists will impress audiences with a unique African-themed spectacle.
-
Fact or Fiction
Ogie and Manilyn share drama moments in new serye, Daldalita.
-
Homes and Family
Priscilla Meirelles reveals how pregnancy made her world "turn 360 degrees"
She says her initial plan was to get pregnant two years after her wedding, but she realizes, "God's time is the perfect time."
-
Health and Beauty
Dimples Romana's fuss-free beauty regimen
The Kapamilya actress believes that preparation is the key to fight ageing.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
Advertisement

