PART 1. Kris Aquino says her sons did not ask for James when they were on U.S. vacation

Erwin Santiago
"Carpe diem!"
Saturday, July 31, 2010 @ 04:46AM  |  120416 views

 

"I think kung nakita nilang miserable ako dun sa bakasyon at nag-iiyak ako do'n, do'n nila mapi-feel na there's something wrong. Pero kung nakita naman nila na magaan ang pakiramdam ko, nung nanay nila, masaya kami, hindi sila magtatanong. Di ba? Yung parang wala silang hinanap," says Kris Aquino about her U.S. trip with sons Josh and Baby James, without husband James Yap.

Photo By: Courtesy of ABS-CBN













HOMECOMING. Naging espesyal din daw para kay Kris ang pagbisita nila sa Boston, Massachusetts, kung saan nanirahan ang pamilya Aquino sa loob ng tatlong taon. Ito yung panahong kasama pa nina Kris at ng kanyang apat na kapatid ang mga magulang nilang sina former President Cory Aquino at former Senator Ninoy Aquino.

"Sabi ko nga, I was telling my sisters na... nagte-text ako na, 'I never realized it was this beautiful, na ang suwerte natin na we had those three years to be with our mom and dad na kumpleto tayo, na ganun kaganda yung lugar.'

"Tapos dumalaw kami dun sa dati kong school, do'n sa church kung saan kami nagsisimba. Dumaan kami doon sa bahay namin, nag-picture taking and all... Pumunta kami sa favorite na restaurant ni P-Noy [President Noynoy Aquino], kinunan namin ng pictures lahat ng pizza na kinain namin. 'Tapos sinabi ko sa kanya [P-Noy], 'O, ikinain ka na lang namin.'"

Tinanong ni Boy si Kris kung ano ang halaga ng tatlong taong nanirahan sila sa Boston. Pero imbes na sagutin kung ano ang kahalagahan ng paninirahan nila noon, sinabi ni Kris ang kahalagahan ng pagbabalik niya roon.

"Ang halaga na lang ng pagdalaw ngayon, hindi ako malungkot," sabi niya. "Kasi, alam ko, come Sunday [August 1], it will be very emotional for all of us. Tinatanong ni Pinky [Kris's sister], 'Naluha ka?' Sabi ko, 'No.' Kasi na-feel ko we were so blessed na nabigyan kami ng pagkakataon na magkaroon ng normal na buhay. Kaya kung may halaga ang pagdalaw namin doon, it made me so grateful for my childhood."

Ang tinutukoy ni Kris na petsa, August 1, ay ang unang anibersaryo ng kamatayan ni President Cory.

BONDING WITH HER SONS. Isa pang ikinatutuwa ni Kris sa bakasyon nilang ito ay ang bonding nilang mag-iina. Pero panay rin daw ang "pag-aaway" nina Josh at Baby James.

Ani Kris, "Hindi nagbago from the time we arrived to the time we left, iisa ang pinag-aawayan nila sa gabi. Si Kuya tatabi, si Bimby mag-iiyak na, 'Kuya, out, other mama ka.' Pinahahanap niya ng ibang nanay ang kuya niya! 'Tapos mag-aaway kaming tatlo, pagsasabihan ko yung isa, pagsasabihan ko yung isa, and then finally matutulog kami."

Pero tuwing nagbabanyo raw siya ay magkabati yung dalawa.

"Yes, loving sila pag wala ako doon," sabi ni Kris. "That's the one thing I did experience that I have not been able to experience here—sabay kaming matulog, sabay kaming magigising. Masarap 'yon... Tiniis ko na na-obsess si Bimby sa Cartoon Network, tuwang-tuwa siya!"

Dagdag niya, "I think, for my kids talaga, it was a chance talaga to just really be family without all the attention."

DID THEY ASK FOR JAMES? Sa tatlong linggong pagbabakasyon at pag-iikot nila sa Amerika, was there a time na nagtanong ang mga bata tungkol kay James?

"Well, James naman is calling Jerbel [yaya of Baby James]," sagot ni Kris. "Kasi ibinigay ko yung number ni Jerbel, 'tapos nakapag-uusap naman sila... Ahm, parang hindi naman [nagtanong ang mga bata].

"'Eto na lang siguro ang sasabihin ko: your children would always take their cue from you. I think kung nakita nilang miserable ako dun sa bakasyon at nag-iiyak ako do'n, do'n nila mapi-feel na there's something wrong. Pero kung nakita naman nila na magaan ang pakiramdam ko, nung nanay nila, masaya kami, hindi sila magtatanong. Di ba? Yung parang wala silang hinanap, kasi siguro naman, napunuan ko lahat 'yon at talagang sinikap ko na... Boy, naman, hindi ako marunong lumangoy, lumangoy ako, nag-beach kami, nag-boating kami. Takot ako sa dagat! Pero para yung fish feeding na 'yon, para si Finding Nemo makita namin, ginawa ko.

"If it's about what we're going through before leaving, I would have to say na matagal na silang may preview of what was to come... Nakita naman nila kung ano ang pinagdaanan namin, hindi naman naging sikreto. And I will admit to all of you na part of the reason why I said that it was time to really move on, because ilang beses nang nakita ni Baby James na nag-aaway [kami] at umiiyak ako. And I think that was not healthy. And I think na naiintindihan niya because I always explain," pagsisiwalat ni Kris.

« Prev  1  2  3  Next »

Related Articles

151 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name