Habang wala si Kris Aquino sa bansa ay kung anu-anong balita ang lumabas tungkol sa kanya. Kasama na rito ang pagli-link sa kanya sa iba't ibang lalake. Ayon pa sa mga balita, ang mga lalakeng ito raw ang dahilan kung bakit naghiwalay si Kris at ang mister niyang si James Yap.
Kaya sa panayam ni Boy Abunda kay Kris para sa SNN ay inisa-isa nito ang mga lalakeng iniuugnay sa TV host-actress.
Inuna muna ni Boy ang co-stars ni Kris sa teleserye niyang katatapos lang sa ABS-CBN na Kung Tayo'y Magkakalayo, na sina Coco Martin, Gerald Anderson, at Gabby Concepcion. Pagkatapos nito ay sinunod niya ang co-host niya sa Pilipinas, Win Na Win! at dating karelasyon na si Robin Padilla, at sa huli ay ang mga pulitikong sina Senator Francis "Chiz" Escudero at Makati Mayor Jejomar "Junjun" Binay, Jr.
COCO MARTIN. "Alam mo kasi, kami ni Coco, hindi kami talaga nagkasundo nung umpisa," pag-amin ni Kris. "Nagkabuwisitan kami. Nabuwisit siya sa akin, nabuwisit ako sa kanya. And then the campaign started, and I saw how devoted he was to Noy... he went all-out sa campaign. Napamahal siya sa buong pamilya. So he's really a friend now.
"And I asked [Coco's] permission, ha, before this interview, and I said, 'Bumubusina ako sa iyo, ha?' Kasi we were close enough for me to know na pinopormahan niya si Erich [Gonzales]. Sorry! Maloka na kayong lahat, pero alam ni Coco 'yan, nagpaalam ako na sasabihin ko 'yon! Para tapos na, di ba? Clear."
GERALD ANDERSON. "Utang na loob!" bulalas ni Kris. "Doon talaga ako napa-'Ano?' Talagang no... Yun talaga, that was really ano talaga... But you know, si Kim [Chiu] at si Gerald, I also know, hindi naman ako ganun ka-clueless kasi nag-text si Kim sa akin while I was abroad. Hingaan ako ng sama ng loob no'n, alam ko may mga problema sila. And alam ko maraming iniintriga sa kanila ngayon. So, ang sasabihin ko lang, simple, I love both of them. They're like my younger brother, my younger sister, because we really had a good working relationship." (CLICK HERE to read related story.)
GABBY CONCEPCION. "No way! Because why? He's married! I know what it's like, di ba? So I will never encourage that," sabi ni Kris.
ROBIN PADILLA. "They're in love! Mariel [Rodriguez] and Robin are in love! So, let us let them stay in love!" natatawang sabi ni Kris.
Kinuha rin ni Boy ang reaksiyon ni Kris tungkol sa sinabi ni Robin sa isang interview na kung sa kaliwang dibdib niya ay naka-tattoo ang pangalan ni Sharon Cuneta, kung magpapa-tattoo daw siya sa kanan, ang ilalagay niyang pangalan ay Kris Aquino.
"Utang na loob! Hoy, bawiin mo 'yan! Mariel ang ilagay mo do'n!" protesta naman ni Kris.
SENATOR CHIZ ESCUDERO. "Maganda po ang kuwentong ito!" natatawang umpisa ni Kris sa pagli-link sa kanila ng senador. "Kasi, Boy, ganito, proclamation ni P-Noy sa Batasan. Sumama ako kay P-Noy paakyat, and then nakita niya si Senator Chiz at sinabi niyang, 'O, Kristina, si Chiz.' Sabi ko, 'Senator, thank you so much for all the help.' And then I said this—may mga nakarinig, so siguro dun nagsimula, hindi ko alam—I said, 'O, Senator, sa 2016, puwede tayong magtambalan at may slogan na tayo—Chizzy Krissy!' Okay? Then he said, 'Game ako diyan.'
"That's it, Boy, hindi ko po alam kung saan nanggagaling 'yang balitang 'yan kasi 'yan talaga, sobrang imbento. And again, Boy, he's [Sen. Chiz] married, he has twins. I also know what it's like na matsismis yung asawa mo na hindi namamatay ang tsismis. Maawa tayo sa asawa niya, maawa tayo sa pamilya. And, please, maawa kayo sa akin at sa mga kapatid ko. Kasi the last thing I want is to be accused as being a homewrecker!"
MAYOR JUNJUN BINAY. "Among everybody na nili-link sa akin, he's the only one I have been communicating with," sabi ni Kris. "Kaklaruhin ko po, hindi siya nanliligaw sa akin. Pero matalik ko siyang kaibigan. Nakilala ko siya when I was grieving for my mother. Nakilala niya ako when he lost his wife."
Halos magkasunod na namatay ang ina ni Kris at ang asawa ni Mayor Junjun noong nakaraang taon. Si President Cory ay namatay noong August 1, 2009, pagkatapos ng mahigit isang taong pakikipaglaban sa colon cancer. Ang misis naman ni Mayor Junjun na si Kennely Ann Lacia Binay ay namatay noong August 11, 2009, sa kumplikasyon sa kanyang panganganak sa ikaapat nilang anak. Twenty-nine years old lamang ang asawa ng dating konsehal ng Makati nang bawian ito ng buhay.
"In that span of one year," patuloy ni Kris, "both our lives have changed so much. He's been good to me. A true friend. Kung tatanungin n'yo ako, nasa kanya yung mga qualities that I admire in a man."






Krissy...GO..........GO........GO........
We love you.....................
From her interviews abt Jun JuN Binay, she's implying that there's something going on between the two of theM. Her Lawyers are saying her marriage to James was not legal and non existent, tsk tsk tsk. Kris wants to marry someone powerful.
Mahiya ka naman sa mga kapatid mo oi Krizzy crazy. Ausin mo muna ung problema ninyo ni James bago ka mag landi at power tripping.
Mas maganda ang Win na Win pag c Robin lang.
Galit sila kay Kris, ayaw nila kay Kris, nasusuka na daw sila kay kris.......and yet, binabasa nila lahat ng article about Kris, pinapanood nila ang mga shows ni Kris.
Aminin na kasi ninyo....hirap na hirap kayong i detach ang sarili ninyo kay Kris. You can never ignore a KRIS AQUINO and that is a FACT.
Bakit hindi ninyo gayahin si Kris. She choose who she wants to stay in her life, after all, it is her life.
Pero ang mga Kris haters, hindi nila maiwan si Kris. Hindi sila maka detach kay Kris. Hirap na hirap silang alisin si Kris sa buhay nila.
1 Narcissistic PD
2 Histrionic PD
3 Manic disorder - nymphomaniac
wag naman ganyan katatapos pa namn niya sa PTSD posttraumatic stress disorder pero mukha naman naka-recover agad. Think she need treatment modalities with regards to maladaptive patterns of her behavior.
DI NA TITINO SI KRIS.... Kawawa naman ang mga kapatid nya...