DARING SCENES. Balita namin, may daring scenes sa Sa 'Yo Lamang sina Coco at Shaina Magdayao. Tinanong namin kung magpapaalam ba siya sa boyfriend ni Shaina na si John Lloyd Cruz bago kunan ang nasabing eksena.
"Sabi ko nga, napaka-mature, hindi ko in-expect na tatanggapin ni Shaina yung role, kasi sobrang mature, may bed scene kami. Ex-girlfriend ko siya na nabuntis ko, na nagpunta sa akin para ipaalam niya na buntis siya, pero ayoko namang tanggapin kasi that time hindi kami, and pilit siyang bumabalik sa akin, pero tinanggap ng pamilya ko dahil buntis nga.
"Actually bilib nga ako sa kanya. Aktres talaga si Shaina lalo't nagma-mature na, at excited kami pareho. Pero sabi nga niya, kailangan naming mag-bonding para at least mas maayos, mas kampante. Sana nga may time na lumabas kami para makapagkuwentuhan...
"Nahihiya ako kay John Lloyd. Nung pictorial nga, binibiro ko si Shaina, sabi ko, 'Nahihiya ako, kinakabahan ako, nahihiya ako kay Lloydie.' Ang sabi niya sa akin, ba't daw ako mahihiya dun? Siyempre aktor daw si Lloydie at alam nito ang ganung mga sitwasyon."
Unang nakilala at nakabuo ng pangalan si Coco sa mga indie films. Pinakumpara namin sa kanya ang paggawa ng indie films at mainstream at kung bukas pa rin siya sa paggawa ng indie movies.
"Dito sa maintstream sobrang relaxed kasi siyempre nandiyan na ang lahat ng kailangan mo. Sa indie naman medyo bunong braso, e. Dun ako na-train, kaya mas simple sa akin ang paggawa ng mga mainstream. Sabi ko nga, dahil well-budgeted siya, kumpleto ito, at maraming nakatutok sa iyo. 'Saka di rin ako ganung nahirapang mag-adjust, dahil si Direk Laurice Guillen ang unang direktor na makakatrabaho ko, at sanay siya sa paggawa ng indie films kasi part siya ng Cinemalaya. Alam niya i-handle ang mga actors na gaya ko.
"I will be making an indie film next year, and I will not leave doing indie films, with Direk Brillante Mendoza. Dun ako nagsimula and never kong tatalikuran yung pinanggalingan ko."






From K to K : katherine luna to kris aquino, yung kay katherine totoo, yung kay kulang sa pansin na kris, kacheapang gimik.
From E to E: Esturco to Endrinal., Esturco yung manager nya dati na bugaloo na rason kung bakit nandiri si coco sa sarili niya at ninais mag TNT sa Canada. Psalamat si coco kay endrinal dahil sinalba siya sa putikan. Pero Coco, please makipagkalas ka na kay brillante mendoza kasi mamalasin ka nyan, pinagsasabay mo ang dalawang jowa. You cant have the best of both worlds dahling!
lawrenzo
August 1, 2010
15:34 PM may movie kasi silang gagawin ang Dalaw intended for MMFF kaya siguro may anggulong ganito lol!
Sugar Mommy naman ang dating ni Kris dito lol!
___
baka SERBIS 2 ang tittle...or pwede rin SERBISYO.
Sugar Mommy naman ang dating ni Kris dito lol!
tama yan kausapin mo sarili hahaha
back sa topic
coco loco hindi papayag ang manager no sharing daw hahaha gimik lang kaninong name ba dapat isabit edi dun sa maamoy na
shuttle_69
July 31, 2010
20:44 PM i said KADIRI because coco is pinag-pasapasahan na ng mga bading at matrona tapos si kris nakipa -ah -oh-ah oh pa kay coco kung toto man, so it's really KADIRI.
..
yung panghuhusga mo mas kadiri ka eewww.
sabi mo alam ng lahat sa showbiz
bakit, tagashowbiz ka ba? star ka ba? hahaha feelingera. kung star ka bakit wala kang magawa at nagbabasa ka ng pep? hahahaha