Magsisimula na sa Lunes, August 2, ang pinakabagong morning show ng GMA-7 na Love Ni Mister, Love Ni Misis, kunsaan hosts ang mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.
At sa morning show na ito, puwede nang lumabas ang kanilang sikat na kambal na sina Maverick at Cassandra, na mas kilala as Mavy and Cassy. Nine years old na ang twins.
Never pa nakapag-guest sa anumang talk show ang kanilang mga anak, at hinahanda na raw nila ang dalawa sa araw na magiging special guests sila.
Kuwento ni Zoren, kahit na kilalang-kilala na ang kanilang kambal dahil sa rami ng commercials na nagawa na nila, mahiyain pa rin daw ang mga ito at hindi sanay na napapaligiran ng maraming tao.
"Nahihiya pa rin nga sila kapag may mga taong nakatitig sa kanila. Hindi pa sila sanay na may audience sila. Sanay lang silang gumawa ng commercial kasi iilang tao lang naman ang nakapaligid, e.
"Kaya inuunti-unti namin sila ni Mina na masanay sa maraming tao. Pero okey lang naman sa amin ni Mina na nandoon pa rin ang pagkamahiyain nila. It means na hindi nila iniisip na kilalang-kilala na sila ng marami," ngiti ni Zoren.
LEARNING TO SPEAK TAGALOG. Naka-enroll sa iba't ibang workshops sina Mavy at Cassy tulad ng singing, dancing, at pagsalita ng Tagalog. Gusto kasi nina Mina at Zoren na mag-enjoy ang dalawa sa unang paglabas nila sa isang talk show.
"In fairness, maayos na ang pananalita nila ng Tagalog. Natututo na rin kahit papa'no," tawa ni Mina.
"Kami naman ni Zoren, we are looking forward na makasama namin ang kambal sa show. Kasi family show na namin ito kung tutuusin, kaya gusto namin na maging part na sila. Basta walang maging problema sa school nila at sa kung anu-anong bagay, mapapanood sila sa show namin ng tatay nila."
Gusto ni Zoren na matutong magsalita ng Tagalog ang dalawa para maganda raw ang pakikipag-communicate nila sa ibang tao, lalo na sa mga bata kasing-edad nila.
"Lumaki kasi ang kambal na English ang pinaka-language nila. Pero mas gusto nga namin ni Mina na matuto silang mag-Tagalog. Paunti-unti rin namin ginagawa iyon. Sa bahay, kinakausap namin sila in Tagalog at gusto namin Tagalog din ang sagot nila.
"Wala namang masama, di ba? Pinapalaki namin bilang mga Pinoy ang mga bata kaya dapat mahalin nila ang lengguahe natin. Agree naman si Mina kasi gusto rin niyang makipag-interact ang kambal sa ibang bata. Ayaw naming naiilang sila kapag kinausap sila in Tagalog."
KIDS' LEAD. Ano naman kaya ang magiging topic nila kapag natuloy na ang pag-guest ng dalawa?
"Marami naman kaming napag-uusapan kapag magkakasama kami. Siguro one is tungkol sa school nila. Masipag mag-aral ang dalawang 'yan kaya proud parents kami ni Tatay," ngiti pa ni Mina.
"'Tapos, puwede naming pag-usapan ang mga hilig nila at kung ano ang gusto nilang maging paglaki nila. Endless naman ang topics kapag parents and their children ang nasa isang show. Huwag lang sana nila akong paiyakin kasi alam nilang very emotional ako. Gusto ko yung masaya kaming nag-uusap."






BelleGrey
I agree. I actually have friends in the Philippines who have kids living there and yet don't know how to speak Tagalog. Ano ba yun? Talaga bang fad yan sa Pilipinas na ang mga bata kinakausap ng English para maging quot;inquot; sa ibang bata? My son speaks English and doesn't understand Tagalog at all, but then he's in the States and he was raised here. Ang weird naman na sa Pilipinas ka lumaki pero di ka marunong magTagalog. How sick and warped can that be? Ask any asian or ANY citizen of another country, that would be a tad sick.
Monicafer
August 1, 2010
23:24 PM
Since the kids were born in the US, I guess Zoren and Carmina are looking forward to the day when the kids will live in the US that's why english speaking sila. Hopefully tama ang kanilang grammar. Dito sa Tate magaling magsalita ng english pero mali-mali lalo na sa pagsusulat.
--------------------
Yet, the US is a very rich and successful country.
And please Zoren dont glorify your house-husband status.Nothig against it,but that is not the way it should be.
The twins can understand Tagalog very well but they prefer to speak English because that is the meduim used in their Int'l School.No big deal about it actually children should be taught English at a very young age para mahasa sila kasi ang Tagalog or native language kahit sa street matututunan natin yan but with proper English Grammer, Man you have to go to school to learn it!
ang epokrito nyo naman f ang tagalog ay purong pilipino talaga... wake up! kc sana Alibata ang gamit natin kc yun talaga ang root language natin!
Choice naman nila kung ano gusto nila at sa tingin nila mabuti para sa mga anak nila. Be frank and straight na pinalaki nilang english speaking mga anak nila which is wala naman masama.
Anyhow..still love this family!
KanDm, bisaya ka day? hehehehehehe! Carmina dili carmena, hehehehehe
It was very sudden. Rushed na rushed. Is it because the show of KC, while not a top-rater, has beaten the rival shows on GMA 7 several times during the last weeks of July both in terms of rating AND ADVERTISEMENT?
ang pinoy wla ng identity,halos kse mga banyaga na mapa pagkain, sports etc. language na nga lang ang natitira pero parang mawawala na din.
aug2 ba or 9 airing ng show na to? napa ka conflicting ng reports, ang kahihinatnan nito, walang manunood ng show. sa startalk kahapon aug 8 naman. ang gulo ng gma ha
mali namn tong write up na never pang nag appear s kahit na anong talkshow ang twins...maybe absent ung ngsualt nito that time!hehe...
buloch!
hanggang ngayon di pa nirerevise ang article na mali-mali.
di pa naguumpisa ang show mangaagaw na ng credit. they guested nga sa simply kc. bat ayaw nyo iacknowledge? hahahhaa