Cogie Domingo feels "weird" about love scenes with fellow actor Sid Lucero   

Mell T. Navarro
Tuesday, August 03, 2010 @ 11:48AM  |  32759 views

 

"Nilapit sa akin ang project, nag-usap kami, okey naman. Sabi ko kasi, gusto ko something unique, something new sa story, something new sa pagbabalik ko. So, ayun, binigyan nga ako ng something new!" says Cogie Domingo about his comeback film.

Photo By: Sany Chua













Mistulang bomba o malaking pasabog ang pagbabalik-pelikula ni Cogie Domingo makalipas ang ilang taong pagkawala nito sa local movie scene. Ang aktor ay kinikilalang isa sa mga pinakamahusay sa mga young artists sa industriya. Umani siya ng nominations para sa pelikula ni Joel Lamangan na Death Row (2000).

Ngunit huli siyang nakita noon pang 2006 Metro Manila Film Festival, sa pelikulang Mourning Girls, na idinirek ni Gil Portes. Ang mga huling nilabasang projects naman nito sa telebisyon ay mga produksyon ng GMA-7 na Love to Love at Bakekang, noon ding 2006.

Apat na taon ding nawala sa sirkulasyon si Cogie.

Kamakailan ay nagsilbing TV comeback niya ang isang guesting sa drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya. At sa pelikula naman ay ang kontrobersyal na indie film, Muli.

Ang comeback film ni Cogie na Muli ay isang powerful at epic gay love story kasama ang isa pang kinikilalang napakahusay na young actor, si Sid Lucero. Ito ay nagkaroon ng premiere showing sa Little Theatre ng Cultural Center of the Philippines (CCP) noong July 17, bilang NETPAC entry ng Cinemalaya 2010. Doon nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang comebacking actor.

May special screening ulit ang obra ni Direk Adolf Alix Jr. ngayong Miyerkules, August 4, 6 p.m., sa Cine Adarna ng UP Diliman, Quezon City. At tulad ng sa CCP showing, inaasahang dadagsa muli ang mga film enthusiasts at mga fans nina Cogie at Sid.

GAY ROLE. Sa panayam ng PEP kay Cogie paglabas pa lang ng teatro ng CCP, inamin nitong nanibago siya at nabigla sa kanyang napanood. Ayon sa 24-year-old actor, curious siya kung ano ang magiging reaction ng kanyang mga magulang sa comeback film niyang ito, kung saan gumaganap siyang closet gay lawyer.

"From the start, alam ng parents ko ang concept o story ng movie. Hindi ko lang alam ang magiging reaction nila pag napanood nila, sana okay naman," saad ni Cogie, na nadagdagan ang timbang ngayon.

Pag-amin niya, "Nakasama at nakausap naman ng parents ko si Direk Adolf, so alam nila mula noon. E, sa Hollywood naman, may mga ganitong films din, and kung maganda naman ang pagkakagawa, why not, sabi ko noong unang in-offer ito."

Si Cogie ay mina-manage na ngayon ni Noel Ferrer, ang manager din nina Ryan Agoncillo, Paolo Bediones, Joross Gamboa, Edgar Allan Guzman, at iba pa.

Kumusta ang kanyang preparasyon bago siya bumalik sa showbiz after four years of absence?

"Okay lang, medyo mahirap nang kaunti, pero okey lang," maikling pahayag ni Cogie. 

Kakaibang role ang ginampanan ni Cogie sa Muli. Sa totoong buhay, naba-blind item din si Cogie diumano na may gay lover dati man o ngayon. May pagkakahawig ba ang role sa real life?

"Malayo. Malayung-malayo!" bulalas niya. "Wala, malayo talaga at hindi po totoo yun. Yung mga blind items, sorry, I'm not aware. Pero wala pong katotohanan yun."

STRUGGLES. Sa lowest moments ni Cogie, na problematic siya sa career man o personal life, ano ang pinakamahirap na "struggle" o pagsubok ang kanyang naranasan?

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

21 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name