PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cogie Domingo feels "weird" about love scenes with fellow actor Sid Lucero

Cogie Domingo avoids questions about Angel Locsin.
by Mell T. Navarro
Published Aug 3, 2010
"Nilapit sa akin ang project, nag-usap kami, okey naman. Sabi ko kasi, gusto ko something unique, something new sa story, something new sa pagbabalik ko. So, ayun, binigyan nga ako ng something new!" says Cogie Domingo about his comeback film.

Mistulang bomba o malaking pasabog ang pagbabalik-pelikula ni Cogie Domingo makalipas ang ilang taong pagkawala nito sa local movie scene. Ang aktor ay kinikilalang isa sa mga pinakamahusay sa mga young artists sa industriya. Umani siya ng nominations para sa pelikula ni Joel Lamangan na Death Row (2000).

Ngunit huli siyang nakita noon pang 2006 Metro Manila Film Festival, sa pelikulang Mourning Girls, na idinirek ni Gil Portes. Ang mga huling nilabasang projects naman nito sa telebisyon ay mga produksyon ng GMA-7 na Love to Love at Bakekang, noon ding 2006.

Apat na taon ding nawala sa sirkulasyon si Cogie.

Kamakailan ay nagsilbing TV comeback niya ang isang guesting sa drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya. At sa pelikula naman ay ang kontrobersyal na indie film, Muli.

Ang comeback film ni Cogie na Muli ay isang powerful at epic gay love story kasama ang isa pang kinikilalang napakahusay na young actor, si Sid Lucero. Ito ay nagkaroon ng premiere showing sa Little Theatre ng Cultural Center of the Philippines (CCP) noong July 17, bilang NETPAC entry ng Cinemalaya 2010. Doon nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang comebacking actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May special screening ulit ang obra ni Direk Adolf Alix Jr. ngayong Miyerkules, August 4, 6 p.m., sa Cine Adarna ng UP Diliman, Quezon City. At tulad ng sa CCP showing, inaasahang dadagsa muli ang mga film enthusiasts at mga fans nina Cogie at Sid.

GAY ROLE. Sa panayam ng PEP kay Cogie paglabas pa lang ng teatro ng CCP, inamin nitong nanibago siya at nabigla sa kanyang napanood. Ayon sa 24-year-old actor, curious siya kung ano ang magiging reaction ng kanyang mga magulang sa comeback film niyang ito, kung saan gumaganap siyang closet gay lawyer.

"From the start, alam ng parents ko ang concept o story ng movie. Hindi ko lang alam ang magiging reaction nila pag napanood nila, sana okay naman," saad ni Cogie, na nadagdagan ang timbang ngayon.

Pag-amin niya, "Nakasama at nakausap naman ng parents ko si Direk Adolf, so alam nila mula noon. E, sa Hollywood naman, may mga ganitong films din, and kung maganda naman ang pagkakagawa, why not, sabi ko noong unang in-offer ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Cogie ay mina-manage na ngayon ni Noel Ferrer, ang manager din nina Ryan Agoncillo, Paolo Bediones, Joross Gamboa, Edgar Allan Guzman, at iba pa.

Kumusta ang kanyang preparasyon bago siya bumalik sa showbiz after four years of absence?

"Okay lang, medyo mahirap nang kaunti, pero okey lang," maikling pahayag ni Cogie.

Kakaibang role ang ginampanan ni Cogie sa Muli. Sa totoong buhay, naba-blind item din si Cogie diumano na may gay lover dati man o ngayon. May pagkakahawig ba ang role sa real life?

"Malayo. Malayung-malayo!" bulalas niya. "Wala, malayo talaga at hindi po totoo yun. Yung mga blind items, sorry, I'm not aware. Pero wala pong katotohanan yun."

STRUGGLES. Sa lowest moments ni Cogie, na problematic siya sa career man o personal life, ano ang pinakamahirap na "struggle" o pagsubok ang kanyang naranasan?

"Yung mali ko lang sa pamilya ko at sa trabaho ko. I'm sure you know what I mean. Kasi, pag may mga mali kang nagawa sa pamilya mo at sa trabaho mo, sino ba ang may gusto nang gano'n?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ang kinapitan ko nung mga panahong yun ay ang parents ko siyempre... Yung mga mali ko lang sa pamilya ko at sa career. Ngayon, okey naman ako, still coping up," pag-amin ni Cogie.

Mula mismo sa kanyang bibig, ano o anu-ano ba talaga ang dahilan ng kanyang pag-lie low?

"Kailangan ba talaga yun?" pasakalye muna nito. "Ewan ko...marami."

Tulad ng?

"Hindi, kailangan ko lang talagang magpahinga. Saka may inasikaso ako sa States [California], yung mga business namin sa States. So, all together, ayun."

May mga regrets ba siya sa kanyang buhay in the past?

"Wala naman po. Lahat ng ginawa ko sa buhay ko, ginusto kong gawin yun," sagot ni Cogie.

Sa mga pinagdaanan ni Cogie dati, anu-ano ang mga ayaw na niyang maranasan muli sa pagbabalik-showbiz niya?

"Okey na yun, pinagdaanan ko na yun, e," sagot niya. "Hanggang gano'n na lang po yun, iwanan ko na lang po yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano na lang ang mga natutunan niya sa mga pagsubok o trials na yun sa buhay niya noon?

"Natutunan ko po na 'wag ako basta-basta gumalaw o magdesisyon in everything that I do."


Si Cogie ay napabalita noong nagkaproblema sa droga. Ito ang itinuturong dahilan kung bakit daw biglang nanamlay ang kanyang promising career noon bilang isa sa top young actors ng bansa. Sa isang interview niya ay inamin ng batang aktor na sumubok siyang gumamit nito, pero hindi raw siya kailanman nalulong dito.

"Hindi naman po ako dumaan sa gano'ng time na nagda-drugs. Siyempre, may na-try rin ako. Pero alam mo yun, hindi naman ako naging dependent or anything," sabi ni Cogie sa panayam sa kanya ng Startalk noong May 2010. (CLICK HERE to read related story.)

LOVE SCENES WITH SID. Ayon kay Cogie, plano niyang manatili na sa Pilipinas at muling harapin ang panibagong yugto sa kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ilan pa sa mga pelikulang nagawa ni Cogie noon ay ang mga sumusunod: Deathrow (2000), Mano Po (2002), Anghel Sa Lupa (2003), Mano Po 2: My Home (2003), Kuya (2003), at So... Happy Together (2004).

After Muli ng MJM Productions, ano ang susunod na gustong gawin ni Cogie?

"Hindi ko pa po alam kung ano ang next, e. Hindi pa ako nakakapag-isip-isip. May mga dumarating, pero masyado na 'atang daring ito. Parang masyado nang daring ito para sa akin. So, hanggang dito na lang muna sa ngayon. Pahinga na muna siguro sa mga ganito [gay films], sa iba na muna siguro sa ganito. Wala lang, parang daring na kasi ito sa akin, e," saad niya.

Ilang love scenes kasi ang ginawa ni Cogie kasama si Sid sa Muli. Nagpakita rin si Cogie ng kanyang puwet, na first time niyang ginawa in his career.

So, sa hinaharap, papaano kung may offer muli sa kanya na daring roles?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Okey lang, pero 'wag na muna siguro ang ganito!" tawa niya. "Pahinga na muna siguro sa mga ganito. Pasensiya na po, kasi nabibigla pa ako, e. Parang tinodo ko na, di ba?"

Pinagsisihan ba niyang ginawa niya ang erotic gay love scenes na yun?

"Wala pong pagsisisi, okey lang, kasi ginawa ko, e. Lahat ng ginagawa ko, hindi ko pinagsisisihan. Pero kung tatanungin n'yo ako kung nahirapan ako, oo, nahirapan ako. Pero okey lang dahil nandiyan naman si Direk para alalayan ako. Sa tulong ni Direk, sa tulong ng mga kasamahan ko dito, okey naman... Tapos, ang galing pa ni Sid," papuri ni Cogie sa kanyang "leading man."

Ano ba ang mga pinag-usapan nila ni Sid before and after ng love scenes nila?

"Before, wala lang, nag-reading lang kami [ng script]. Then, after, para kaming naluluha. Naiiyak siya, gano'n. Hindi ko rin alam kung bakit. Natural na niya siguro. Bigla siyang naiyak pagkatapos, e. Siguro, in character siya o na-internalize mismo," lahad ni Cogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ba nailang si Cogie sa love scenes and kissing scenes nito with Sid?

"Iba pa rin kasi, e. Kahit alam mong babae ang ine-expect kong hinahalikan ko o iniisip ko, habang lumalapit, lalaki pa rin talaga, e, sa amoy pa lang. Alam mo yun? Lalaki talaga, e. So, hindi ko maloko ang sarili ko."

Nahirapan ba siya sa pag-atake ng mga nasabing eksena?

"Medyo," aniya. "Pero Sid is very good here... Parang na-adapt ko na rin ang galing niya."

Nag-plaster ba siya sa kanyang nude scenes?

"Oo, meron naman."

Nakipag-compromise ba siya sa nude scenes nito, like nag-request ba siya sa director o cinematographer na diliman ang lighting sa eksena, lalo na ang pagpapakita niya ng puwet?

"Alam naman kasi ni Direk kung ano ang dapat, e, so pinaubaya ko na sa kanya lahat. Yung reaction ko lang nung napanood ko, naninibago at nabibigla, pero okey naman."

Kung nagpakita na siya ng puwet sa movie, maiintindihan ba niyang maaaring isipin ng fans na wala na siyang kiyeme sa butt exposures sa susunod na projects?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Okey lang kung saka-sakali mang gano'n."

Handa rin ba siya sa frontal nudity soon?

"Tingnan natin!" tawa nito.

Hindi niya isinasara ang pagkakataong mag-frontal siya sa hinaharap?

"Hindi, huwag muna," kambiyo niya.

Bukod kay Sid, may separate love scene rin siya with Max Eigenmann, na kapatid ni Sid sa totoong buhay. Hindi ba siya nailang dahil magkapatid sa real life ang naka-lovemaking niya sa scenes?

"Oo nga, e. Hindi naman. Hindi naman," sabi niya.

SOMETHING "NEW." Inaasahan na ba ni Cogie na magre-react ang kanyang gay and girl fans nang todo pagkatapos nilang mapanood ang career-changing role nito sa pelikula?

"Hindi ko po talaga alam kung ano ang e-expect-in ko kaya ayoko na po isipin yun o ayoko na muna makita ang reactions nila!" tawa niya uli.

Hindi kaya malinya siya sa sexy films after nito?

"Pahinga na muna po ako sa ganyan. Isa na lang muna na ganito. Konting break lang and then, iba naman siguro. Okey na muna yung ganito, ayoko na muna masundan ng ganito rin. Naninibago kasi ako, e," pag-amin ni Cogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa palagay ba niya ay tama ang kanyang naging desisyon sa gay role na ito as his comeback film?

"Okey naman. As I said earlier, wala namang regrets. Nilapit sa akin ang project, nag-usap kami, okey naman. Sabi ko kasi, gusto ko something unique, something new sa story, something new sa pagbabalik ko. So, ayun, binigyan nga ako ng something new!"

Iba ang pagkabasa ng script sa mapanood ang kabuuan ng pelikula. Ano ang eksaktong naramdaman niya matapos niyang mapanood for the first time ang movie?

"Iba talaga ang feeling. Parang weird lang. Parang naninibago ako," sabi niya.

Hindi niya maisip na magagawa pala niya ang same-sex kissing and love scenes sa big screen?

"Parang gano'n," aniya. "Naninibago lang talaga ako."

Ibang level na?

"Siguro, part na rin ng pagiging actor ko, di ba?"

So, makakagawa pa muli ng isa pang gay film soon?

"Oo naman, sabi ko naman na okey lang sa akin na gumawa naman uli, e. Pero 'wag lang ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANGEL LOCSIN. Halos kasabay ng kanyang pagbabalik-showbiz ay pumutok ang isyu tungkol sa naging relasyon nila noon ni Angel Locsin. Sa isang interview ay sinabi ni Cogie na naging sila ni Angel. Pumunta pa nga raw ang aktres sa bahay nina Cogie sa U.S. Pero mariin naman itong pinabulaanan ng aktres.

Once and for all, ano nga ba ang totoo tungkol sa kanila ni Angel?

"Wala naman po talaga akong ano diyan," iwas ni Cogie.

Nagkausap na ba sila ni Angel lately?

"Hindi pa rin kami nagkakausap ni Angel. Pero ako, wala akong masasabi talaga sa kanya. Wala akong masasabing masama against her. 'Wag na lang nating pag-usapan yun," saad niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nilapit sa akin ang project, nag-usap kami, okey naman. Sabi ko kasi, gusto ko something unique, something new sa story, something new sa pagbabalik ko. So, ayun, binigyan nga ako ng something new!" says Cogie Domingo about his comeback film.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results