Uma Khouny admits kissing a guy—and he likes it!

Rey Pumaloy
Tuesday, August 03, 2010 @ 04:29PM  |  57236 views

 

"Nakipaghalikan ako sa lalake, gumimik ako sa gay bar. Because for me, bakla man o tomboy, we're all the same, di ba? Dito lang sa Pilipinas is the weirdest thing ever na bakit hindi tanggap yung bakla? For me, we're all the same," says Uma Khouny.

Photo By: Noel Orsal













"I have kissed a guy."

Ito ang naging rebelasyon ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Uma Khouny sa panayam sa kanya ng Paparazzi na ipinalabas noong Linggo, August 1.

Matagal nang kinukuwestiyon ang pagkalalaki ni Uma at sa past interviews niya ay sinasabi niyang walang katotohanan ang bali-balita na bakla siya. Kaya naman nang sumalang siya sa "Presscon Express" ng Paparazzi ay inusisa siya tungkol dito.

Hindi kasi masagot-sagot ni Uma noong una kung ano ang gender preference niya. Kaya naman nang bigla niyang inamin na nakahalik na siya ng kapwa lalake ay nagulantang ang hosts ng showbiz talk show ng TV5 na sina Cristy Fermin, Dolly Anne Carvajal, at Mo Twister.

Pagkatapos nito ay sunud-sunod na ang tanong sa kanya kaya hindi na naipaliwanag ni Uma kung bakit siya nakipaghalikan sa kapwa niya lalake. Pero sinabi ng Filipino-Israeli TYV personality na dito sa Pilipinas nangyari yun at hindi artista ang nakahalikan niya.

"That doesn't mean that I'm gay!" bulalas ni Uma. "Nakipaghalikan ako sa lalake, gumimik ako sa gay bar. Because for me, bakla man o tomboy, we're all the same, di ba? Dito lang sa Pilipinas is the weirdest thing ever na bakit hindi tanggap yung bakla? For me, we're all the same." 

Ano ang mas gusto niya—lalake o babae?

"I can do both!" mabilis na sagot ni Uma, na nagpagulat at nagpasigaw sa hosts at sa audience sa loob ng studio.

"No, no, no..." pilit na gusto sanang magpaliwanag pa ni Uma, pero hindi na niya nagawa dahil sa masayang reaksiyon ng mga tao.

"Believe me, I can do both!" ulit ni Uma.

"But...but..." pilit uling pagtatangka ni Uma na linawin ang kanyang sinabi. "It's not who you choose or who you wanna be with, it's the person. No, really guys, really!"

"Kung saan ka maligaya, doon ka," sambit ni Cristy kay Uma.

"Opo, opo!" pagsang-ayon naman ng dating PBB housemate.

Uma has been liberal in saying that he can do any gender, ano mas ang nae-enjoy niya?

"Wala pa... I mean, wala akong pakialam kung ano siya at sino siya. For everyone out there bago magpakasal, enjoy your life and I am enjoying my life. I'm gonna do lahat ng puwedeng gawin bago mag-isip na bago magpakasal or to settling down," sagot ni Uma.

1  2  3  Next »

Related Articles

66 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name