PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diether Ocampo on rumored breakup with Rima Ostwani: "Ibalato n'yo na lang sa amin yun."

Diet wishes ex-wife Kristine Hermosa and Oyo Sotto "all the best."
by Rey Pumaloy
Published Aug 4, 2010
"I'd rather not talk about it. Kung gusto kong merong ipahayag, I'd rather say something na good news o magandang ano na kailangan kong i-share sa inyo... Huwag na lang nating pag-usapan siyempre dahil baka hindi ninyo rin maintindihan. So, kami lang dalawa ang nagkakaintindihan," says Diether Ocampo about his rumored breakup with girlfriend Rima Ostwani.

Matapos i-deny ni Diether Ocampo ang matagal nang napapabalitang paghihiwalay nila ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Rima Ostwani, sinabi ng aktor na hindi na siya committed ngayon. Nasabi ito ni Diet sa kalagitnaan ng panunukso sa kanilang dalawa ng co-star niya na si Eugene Domingo sa presscon ng pelikula nilang Mamarazzi kahapon, August 3, sa Mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Panay kasi ang papuri ni Diet sa mga katangiang nadiskubre niya sa komedyana. Sinabi rin niyang posible siyang ma-in love sa mga katangian nito.

Sabi naman ni Eugene, wala siyang commitment sa kahit na sino, kasunod ng tanong niya sa aktor kung ito ba ay "may commitment." Biglang sumagot si Diet na hindi siya committed.


NO COMMITMENT, NO RESPONSIBILITY. Sa presscon proper ng Mamarazzi, sinabi rin ni Diet na wala siyang responsibilidad ngayon, bagay na pinalinaw ng press kung ano ang ibig niyang sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"My responsibility is my career, my showbiz commitment and...ang dami ko kasing proyektong ginagawa for my KIDS Foundation, e," paliwanag niya.

Ipinaalala ng PEP kay Diet na napagsasabay naman niya ang kanyang career, foundation, at lovelife, lalo na't palagi siyang sinusuportahan ni Rima. Katunayan, lagi niya itong nakakasama sa mga outreach program niya noon.

"Kaya naman, e," pagsang-ayon niya. "I mean, kaya naman talaga, bakit hindi? Pero siyempre, habang dumadami yung mga nakukuha mong mga proyekto, you have to balance it."

So, hindi kayang balansehin?


"Kumbaga, I have to be fair," sagot ni Diet. "Of course, kung bibigyan ko ng prayoridad ang ibang bagay, hindi ako magiging fair. Kung gano'n ang magiging sitwasyon."

So, priority ang dahilan? Sa career ba o sa time?

"Hindi. Madami, e...but I'm very supportive. What I'm trying to say is hindi natin dapat palalagpasin yung magagandang opportunity, like I've been very supportive sa mga tao lalo na sa mga mahal ko sa buhay. Lagi ko nga sinasabi sa inyo na I wish na i-welcome natin siya [Rima] dahil she will be doing so many hosting jobs eventually. So, sana."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi sinagot ni Diet ang tanong kung sila pa rin ni Rima. Nakiusap ang aktor na ibalato na lang ito sa kanya.

"Kumbaga, sa akin lang naman, I'd rather not talk about it," sabi niya. "Kung gusto kong merong ipahayag, I'd rather say something na good news o magandang ano na kailangan kong i-share sa inyo. Hindi naman bad news. Parang may mga bagay na meron kang... Huwag na lang nating pag-usapan siyempre dahil baka hindi ninyo rin maintindihan. So, kami lang dalawa ang nagkakaintindihan."

Tumanggi si Diet na maglinaw tungkol sa naiisip na posibilidad na gusto niyang magkaroon ng sariling identity si Rima para sa pagpasok nito sa showbiz kaya iniiwasan niyang ma-link silang dalawa.

"Basta whatever ano, it's between the two of us. I hope you guys would respect that," pakiusap niya.

PAHINGA MUNA ANG PUSO. Libre ba siyang ma-in love sa ibang babae ngayon, lalo't sinabi niyang wala siyang commitment sa kahit na kanino, o hindi siya committed?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ako, right now, medyo pinapahinga ko muna ang puso ko," sabi ni Diether. "Medyo marami ring pinagdaanan 'yan, e. Siyempre, maraming mga ano at marami pang haharapin 'yan, e. Kumbaga, ayaw ko namang magtrabaho na nakikita ninyong naaapektuhan ang trabaho ko. Naging ano ko na nga, e, priority ko kayo.

"Through the years, naging very generous sa akin ang industry. Gusto kong makapagbigay ng magandang trabaho na maipapakita ko sa inyo na okey. Medyo maganda yung may maipakita ako na mag-e-enjoy kayo."

Pero bakit tila hindi pa rin niya madiretso kung ano talaga ang estado ng relasyon nila ni Rima?

"No, I'm just saying, yung personal na buhay ko, personal na relationship ko, I'd rather not discuss it publicly. Kumbaga, sa amin na lang yun, ibalato ninyo na lang yun sa amin," pakiusap niyang muli.

KRISTINE-OYO WEDDING. Tungkol naman sa kalat na kalat nang balita na magpapakasal na ang dati niyang asawa na si Kristine Hermosa sa boyfriend nito ngayong si Oyo Sotto next year, positibo naman ang naging reaksiyon ni Diet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre, masaya ako para sa kanila. Sino ba naman ako para mag-react ng hindi maganda? Ako naman, kumbaga, gaya ng nasabi ko, may mga nangyari na mga bagay na tinanggap na natin yun, e. Nakapag-move on na tayo and we understand na decision nila yun, and we have to respect that.

"Wini-wish ko na maging maganda yung pagsasama nilang dalawa at lalong maging successful yung mga plano nila dahil, siyempre, na-experience ko na yun, e. Hindi gano'ng kadali. I just wish na maayos ang lahat," saad niya.

Wala pa raw pagkakataong magkita o nagkita na sila nina Kristine at Oyo sa isang okasyon o sa kahit na anong showbz function.

"Hindi pa, e. Hindi pa ako makapagbigay ng ano, e. Kumbaga, ngayon pag natatanong ako sa lahat na okey lang, wish all the best. Pero kapag natatanong ako kung nagkita kami, hindi pa."

Gaya ni Kristine, gusto pa rin daw ni Diether na magpakasal uli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Oo naman," sambit ng 34-year-old actor. "Siyempre, I hope maintindihan n'yo rin na lalagay rin ako sa ganong sitwasyon. Pero at this point nga, I would like of course to dedicate my time para makagawa pa ng maraming mga proyekto na ihahandog natin sa mga manonood, lalo na sa mga kasamahan natin sa industriya. I know at this point, marami pa akong kayang gawin, marami pa akong makakatrabaho na hindi ko pa nakakatrabaho."

Ikinasal sina Diether at Kristine noong July 14, 2004 sa Jaen, Nueva Ecija. Pero pagkatapos lamang ng isang taon ay naghiwalay rin sila. Agad na humingi ng petition si Kristine sa korte para mapawalang-bisa ang kanilang kasal ni Diether. Nadesisyunan ito ng korte noong January 2009.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I'd rather not talk about it. Kung gusto kong merong ipahayag, I'd rather say something na good news o magandang ano na kailangan kong i-share sa inyo... Huwag na lang nating pag-usapan siyempre dahil baka hindi ninyo rin maintindihan. So, kami lang dalawa ang nagkakaintindihan," says Diether Ocampo about his rumored breakup with girlfriend Rima Ostwani.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results